"This will be our last transaction and we'll cut all ties with the Sarmientos," mariin na sabi ng lalaki.

Tumango ang kaniyang kapatid tsaka nagpakawala ng hininga. "I just hope Loki doesn't get too affected."

Hindi nakapagsalita ang lalaki. Kahit ayaw niya na idamay ang isang kaibigan nila sa gulo na 'to, wala silang kayang gawin kung 'di gawin 'yon. Dahil kung hindi, silang apat ang magdudusa.

"Haji!"

Agad silang napalingon sa likod nang biglang may tumawag sa pangalan ng lalaki.

May isang babae na hanggang balikat lang ang buhok at nakapula na lipstick na humakbang patungo kung saan nakatayo ang dalawang magkapatid. Nakangiti rin ang babae na parang nanalo siya sa lotto.

Zybel Musbante ang pangalan niya, isa sa mga anak ng pinakamayaman na politiko dito sa bansa na si Senator Alia Musbante at tatay naman niya ang PNP Chief na si Renato Musbante.

It was a great day for everyone. Finally, they were free from their parents' clutches.

Kaya naman parang bata si Zybel na yumakap kay Haji bago sinubsob ang mukha niya sa leeg nito.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ni Haji para magkadikit na ang mga katawan nila. Hindi na lang namalayan ng babae na may luha na pala na dumausdos sa pisngi niya habang nasa balikat ni Haji ang baba niya. Hindi siya umiiyak dahil sa pagkalungkot, umiiyak siya dahil sa saya.

Lahat naman sila umiiyak dahil sa saya at ginhawa.

Huminga muna nang malalim si Zy bago may binulong sa tainga ng kaibigan. "Dadating na ang mga tauhan ko na susunog sa natitirang droga, pwede na tayong umalis," she said in relief.

Kumawala si Haji sa yakap ng kaibigan niya bago nagtama ang kanilang tingin. Hindi maintindihan ni Haji kung ano ang nararamdaman niya ngayon na ang lapit-lapit na nila. Kaunti na lang makakapag-drive na siya ng sasakyan na hindi bulletproof. Hindi na rin niya kailangan maglagay ng maraming lock sa condo unit niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayong makakapaglakad-lakad na siya sa kalsada na hindi natatakot na baka may sumusunod sa kaniya.

Is he feeling relief? For the first time in years, he finally felt safe.

"Lahat na-unload na sa mga trucks. Wala nang may natirang bagahe sa loob. Pwede na tayong umalis habang wala pang may naghihinala sa atin," sabat ni Charles na lumapit sa kanila. Pinadpad niya ang mga kamay sa likod ng pantalon niya bago tumingin sa kapatid ni Haji na nakangiti sa kaniya.

"You did well today, Charles," sabi ni Yanina.

Umiwas ng tingin si Charles ngunit patago siyang ngumisi. "Salamat."

"Ano? Tara na?" tanong ni Zy bago inakbayan si Haji.

Dahil mas matangkad si Haji, kinailangan pa niyang yumuko para lang maabutan siya ni Zy.

"Sasabay ka sa 'min, Haj?" tanong ni Charles. "May van sa labas na naghihintay sa atin."

Umiling si Haji bago tinanggal ang akbay ni Zy sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa bago tiningnan kung anong oras na.

2:45 PM

Umiling muli si Haji bago binalik ang phone niya sa bulsa na nasa likod ng kaniyang itim na pantalon. "I still have to drive Siobe to her review center," sagot niya.

Simula noong nagsimulang mag-review para sa PhiLSAT ang girlfriend ni Haji na si Siobhan Thiago, palagi niyang hinahatid-sundo ang babae sa review center tuwing natatapos ang kaniyang trabaho.

Hindi rin alam ni Haji kung bakit nasobrahan siya sa pagka-attach kay Siobhan. Ang tanging alam lang niya ay kailangan ni Siobe ng kaibigan. Dati, okay na sa kaniya 'yon. Masaya namang kasama si Siobhan hanggang sa isang araw, nag-iba ang paningin niya sa babae.

Ace The Wager (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now