"Oo na, pero sana relate ako 'di ba?" sagot ko.

"Salamat dahil nagtiwala ka sa akin."

"As if naman may choice ako?"

Hindi na siya sumagot at muling tumingin sa maliwanag na buwan. "Pagmasdan mo ang buwan. Tila batid din niya ang ating kasiyahan kung kaya't pinagdiriwang niya ang ating tagumpay."

Seriously? She closed her eyes and smiled sweetly. At sa pagmulat ng mga mata niya'y humarap siyang muli sa akin. She motioned her hand and mukhang alam ko na ang gagawin n'ya.

"Vos mos est oblivisc–" Bago pa n'ya matapos ang spell n'ya ay gumamit na agad ako nang pangontrang spell. "Non erit memoria mea"

"Bakit gusto mong tanggalan ako ulit ng memorya?" Inis na tanong ko. Dahil kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang spell na nakakapag-alis ng memorya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla siyang tumawa. Siraulo rin talaga 'to si ateng.

"Batid ko nang gagawin mo 'yan kung kaya't hindi ko na rin ito ikinabigla," sagot niya habang pangiti-ngiti. Mas lumapit pa siya sa'kin kaya nagkaroon ng pagtatakha sa isip ko. Ang creepy naman nitong Prinsesa Alexis na 'to. "A-anong gagawin mo, ha?"

Imbis na sagutin n'ya ako ay inilahad n'ya ang kaliwang kamay n'ya sa'kin na para bang nanlilimos ng barya. "Wala akong barya dito, aba." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay kusang gumalaw ang aking kamay at iniabot sa kanya ang kulay green na potion. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala hawak-hawak 'to.

Hindi ko alam kung bakit ibibigay ko ito sa kaniya pero parang may nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Feeling ko tuloy mas creepy na ako ngayon sa kanya. Tarantula!

"Maraming salamat," aniya saka kinuha sa akin ang bote. I don't know why and how pero alam kong gagamitin niya iyon sa akin kaya hindi na ako pumalag pa. Gusto ko rin namang malaman ang lahat, gusto ko nang matapos ito. Gusto ko nang mamuhay ng payapa.

Binuksan n'ya ang takip ng maliit na botelya pagkatapos ay ibinigay sa'kin. "Inumin mo, mahal na Prinsesa." Kahit hindi ako sigurado sa mga desisyon ko sa buhay ay hindi na ako nag dalawang isip pa na inumin ang potion, alinsunod sa sinabi niya. Kung ito ang solusyon sa lahat, handa na akong magtiwala. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng sarili ko, hindi ba?

I felt a sudden dizziness kasunod ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Inalalayan niya ako habang marahan naming tinahak ang daan patungo sa malambot niyang kama. At bago pa ako tuluyang makatulog ay bumulong siya sa akin... "May isa ka pang kailangan gawin."

Gusto ko sanang tanungin kung ano iyon pero nanghihina na ako.

"Praeterito eo in cuius veritatis." She casted another spell at alam ko kung ano iyon. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil mas nagdulot sa akin ng pagkahilo ang pagbabago ng paligid.

-

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakapikit pero hindi ko na maramdaman ngayon ang presensiya ni Prinsesa Alexis na kasama ko lamang kanina. "Dei deaeque te invoco. Portal apparere." Unti-unti kong iminulat ko ang mga mata ko when I heard someone casted a spell at naramdaman ko ang biglang paglitaw ng portal.

From her huge princess bedroom, I'm now standing here in a huge enchanting forest.

Pero nasaan na iyong si Prinsesa Alexis? Ang galing aba! Pagkatapos akong dalhin dito, iiwan ako. Tsk! Ano ba naman self.

"Pallium," bulong ko kahit medyo nahihilo pa ako dahil sa turning ng events na ginawa ni prinsesa Alexis. At dahil na rin sa nararamdaman kong may iba pang nilalang na nandirito bukod sa akin. "Uirtutem cunctis protégé me mittere probabo."

Writer's BlockOù les histoires vivent. Découvrez maintenant