Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata

Start from the beginning
                                    

"You just caught me off-guard. Pero nice attack, walang bawas." Nakangisi ko ring sagot sa kaniya. Minsan, natututo na rin ako kung paano ko iha-handle ang mga mayayabang na player. Kailangan mo rin silang yabangan pabalik para mawala sila sa laro.

I scanned the place, kung nandito si ShineDays ay paniguradong papunta na dito ang iba niyang mga kasamahan at malalagay ako sa mapanganib na sitwasyon kapag nagtagal pa ako rito. Larkin warned us already na si ShineDays ang isa sa mga alas ng Dark Sonata. Hindi ako puwedeng makampante ngayong kaharap ko siya.

Mabilis na tumatakbo si ShineDays tungo sa aking direksiyon. He is twirling his spear in the mid-air upang hindi ko mabasa kung saan niya ako aatakihin. Wala akong choice kung hindi sanggahin ang atake niya ngayon, kailangan ko rin kasing mag-buytime kay Rufus upang mapuntahan niya ng ligtas si Vegas.

ShineDays Jumped up and swing her spear downward. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng Wakizashi sword ko upang masangga ang ginawa niyang atake. Nagbitak ang kalsada kung saan ako nakatayo at humangin ng malakas sa buong paligid dahil sa impact. "Nice move." He said at umikot siya sa ere at akmang aatakihin niya ako sa aking tagiliran ngunit mabilis akong yumuko.

Pagkaapak ng kaniyang paa sa kalsada ay mabilis kong sinipa ang kaniyang paa dahilan para matumba siya. Tumayo ako at hinanap ko sa item ko ang Smoke bomb. Ibinagsak ko ang smoke bomb sa mismong kinatatayuan ko at nagkaroon ng malakas na usok sa buong paligid at pagkakataon ko na ito upang makatakas kay ShineDays.

Mabilis akong tumatakbo papalayo sa kaniya at dumaan ako sa isang maliit na eskinita at binasag ang salamin papasok sa isang building at doon ako nag-heal upang maghilom ang sugat ko sa braso.

[Orient Crown] Shinobi: Nasa crossroad north area si ShineDays, avoid that area. Paniguradong papunta na rin doon ang iba niyang kasama kung kaya't avoid that area.

Actually, noong tinisod ko si ShineDays kanina ay tiyansa ko na iyon upang ako naman ang umatake sa kaniya pero hindi ko ginawa. Bakit? May kaniya-kaniya kaming role sa laban na ito at hindi ko trabaho ang maka-kill ng kalaban. My goal is to give my team a vision o i-report ko lagi sa kanila ang lokasyon ng mga kalaban. Hindi ako puwedeng sumugal na patayin si ShineDays dahil paano kung baligtad ang mangyari at ako ang magawa niyang ma-eliminate sa laro? 

Magiging mahirap sa team mates ko kung mawawala ako agad sa laro.

[Orient Crown] ShadowChaser: Can you lure him near the red building, Captain? Nakaabang ako saka si Maliupet sa area.

[Orient Crown] Shinobi: Mahihirapan ako, feeling ko ay malapit na ang backup niya.

[Orient Crown] Vegas: Gawin mo. Malapit kami kanila Juancho. Lugi sila sa clash, puro fighter sila mayroon tayong tank. Mas mataas ang sustainability natin sa mga team fights.

Dahan-dahan akong tumayo at dumungaw sa bintana at nakita ko si ShineDays na nakatayo sa gitna ng kalsada habang umiikot ang paningin niya sa paligid. Unti-unti nang nawawala ang fog na sa paligid at nilaro ko ang Wakizashi sword ko. Ngumisi ako at kinundisyon panandalian ang katawan ko sa gagawin kong pagtakbo.

[Orient Crown] Shinobi: Suicide 'tong gagawin ko. Kayo na ang bahala sa akin. ShadowChaser (Juancho) siguraduhin mong matatamaan ng skill mo si ShineDays. Ikaw ang mage at ikaw ang damage dealer. 

[Orient Crown] ShadowChaser: Noted, Captain.

Mabilis kong binasag ang salamin at tumakbo sa direksiyon ni ShineDays. I dashed forward at mukhang hindi niya inasahan ang bigla kong paglabas muli.

Rage Cutter. 

I sliced forward and attacked his stomach. Hindi niya nagawang maiwasan ang atake ko at ako naman ang ngumisi pabalik sa kaniya. Tiningnan ko siya nang mata sa mata. "Ikaw ba ang pinakamalakas sa Dark Sonata. Iyan lang ba ang kaya mong gawin?" tanong ko at humakbang na ako papaatras para tumakbo paalis.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now