Nang masend ko na ang message ay muli ko siyang tinignan at kita kong lumiwanag ang mukha niya ng mabasa ang message ko. Kita ko na nagtatype siya sa phone niya.

From: My Kitten

I just miss you. Be sure to come atleast. I love you too.

Gumanda na ang aura niya after naming magpalitan ng message.

Maya maya pa ay pinagready na kami dahil magsisimula na ang event. Ako ang huling lalabas dahil si Sheena ang nanalo last year.

Kinakabahan ako. I know she will say yes pero iba pa rin talaga pag nandun ka na. Madami dami din kaming mga magmomodelo. Kaya naman I message my family bago ako sumalang. Nagpapasalamat ako sakanila for their support. Wala naman silang sinabi kundi goodluck and congratulations.

Ilang saglit lang ay ako na ang lalabas para iendorso ang bagong design ni Sheena. Nagsuot muna ako ng mask para my thrill. Saka ko na tatanggalin kapag nasa harap ko na si Sheena. Lumabas na ako at naglakad na puno ng kumpiyansa rinig ko ang cheer ng mga buddies at mga pamilya namin. Napalingon sa likuran niya si Sheena at kita ang gulat sakanyang mukha ng makita ang mga nagchicheer sa likod.

Muli siyang tumingin sa stage at tumigil ako mismo sa harap niya. Nakatingala siya sakin. Unti unti ko ng tinanggal ang suot kong maskara at nagtama ang aming paningin. Kita kong namula ang kanyang mukha at pasimpleng pinahid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Naglakad na ako at bago ako tumalikod ay nagflying kiss ako sakanya sanhi ng pagtili ng mga tao doon.

-----

SHEENA

Nagulat ako sa lakas ng hiyawan mula sa likuran ko ng lumabas ang modelo ng design ko. Kita ko ang mga kaibigan at pamilya namin na wagas kung makasigaw.

Tumigil sa harapan ko ang modelo at unti unting tinanggal ang mask sa mukha nito at tumambad sakin ang nakangiting mukha ni Mike.

I can't believe na ang magmomodelo ng gawa ko ay ang mismong boyfriend ko. He seems so proud na ibalandra ang design na ginawa ko. Napaluha ako  dahil sa labis na tuwang nararamdaman ko.

Kinilig pa ako ng magflying kiss siya sakin bago umalis sa harapan ko. Nakakabinging tili at hiyawan naman ang dumagundong sa venue sa ginawa ni Mike.

After na maipakita ang mga designs ay magtatabi ang mga designer at mga nagmodel ng mga dinisenyo namin. Dali dali akong umakyat para makalapit kay Mike at sabay kaming rumampa.

" Surprise Kitten"-ngiti niyang bulong sakin.

Napakaguwapo nito sa suot niyang gawa ko. It really fits him.

" Thank you so much"-naluluha kong sabi sakanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Thank you so much"-naluluha kong sabi sakanya.

" sssshhh don't cry masisira make up mo sige ka"-asar niya sakin.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now