Ni hindi ko nga alam kung saan nakatulog si Yuri at kung anong oras siya natulog dahil paggising ko ay wala na rin siya sa dorm. Tama lang naman na maaga siyang umalis dahil malalagot kami kapag nalaman na may pinapasok kami na lalaki sa dorm ng babae.
8:00 am pa 'ko nagising pero inabot na ako ng tanghali sa kama. Hindi ko kasi magawang bumangon man lang para mag-hilamos o kumain. Sobrang bigat ng ulo ko na sa tingin ko ay matutumba ako pag tumayo ako.
Mabuti't wala namang pinapagawa na activity 'yong mga prof kaya wala rin akong iintindihin kung hindi ang mag-pahinga.
Ilang oras rin akong nanatiling nakahiga sa kama ko bago ko maisipang bumangon. Kahit hirap na hirap ako bumangon ay pinilit kong madala ang katawan ko. Mamamatay ako sa gutom 'pag nagkataon.
Pagdating sa kusina ay isang tapsilog at pares ang bumungad sa'kin. May note pa do'n na nakadikit sa plastic.
Kainin mo 'to, gaga. Hot choco 'yan. May gamot na rin.
- Poging Yuri
Napangiti na lang ako dahil kahit papaano ay nakaalala naman ang tukmol. Nag-padeliver nalang siguro 'to dahil bawal nga ang lalaki dito.
Nag-text na lang ako sa kaniya at nag-pasalamat. Kinain ko na rin naman 'yong dala niya at ininom 'yong gamot. Dahil hindi pa naman ako pwede mag-pagod masiyado ay nag-gawa na lang ako ng warm water na may suka tapos nag-lublob ako ng bimpo do'n para ipunas sa katawan ko.
Ayoko naman mag-paalaga 'no? Hanggang kaya ko naman 'yong sarili ko, ako na ang gumagawa.
Pagkatapos kong mag-punas ng katawan ay nag-palit na 'ko ng mas silky dress, mas komportable kasi 'yon. Matapos no'n ay saglit akong pumwesto sa may sofa upang umidlip lang sana pero nag-dere-deretso 'yon.
Nagising na lang ako na may nag-bubukas ng pintuan namin. Nakita ko si Alexa na may dalang burger at inabot sa'kin 'yon.
"Alam kong wala kang gana kumain, I bought your favourite. Baka magka-gana ka." Sabi pa nito at nilagay 'yong likod ng palad niya sa noo ko.
Dahan dahan naman niyang tinango 'yong ulo niya. "Medyo mainit ka pa rin, ah."
Nag-kibit balikat na lang ako at kumagat sa burger ko. Nag-palit na muna siya ng damit at tinabihan ako sa sofa. Nag-lagay siya ng throw pillow sa pagitan ng hita niya bago ako harapin.
"May ichichika ako sa'yo. For sure, mas lalong mag-iinit ang ulo mo," Sabi niya pa at nginisihan ako.
"Mukhang alam ko na. Is it about Dylan?"
Agad naman siyang tumango.
"Sabi ko na, e. Siya lang naman nakakapag-painit ng ulo ko." Mahina ko pang sabi at uminom ng juice na ginawa ko kanina. "Oh, ano'ng meron?"
"Kasi ganito.." at nag-simula na siyang mag-kwento. Bawal kwento niya ay may hand gestures pa kaya naman hindi ko alam kung maiinis ba 'ko o matatawa.
Mayroon daw kami na project sa Science namin na good for one week. By partner daw 'yon, as much as she wanted me to be her partner, sinabi raw ni Prof Evangelista na kung sino lang 'yong mga nandoon lang sa room, ay doon lang mamimili. Tsaka na daw isipin 'yong mga absent kapag may natira kaming classmate na walang partner.
"Oh, sinong partner mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Si Enzo. Pwede na rin." Sabi niya pa. Agad naman akong sumang-ayon, tama naman, maharot lang si Enzo pero mapagtityagaan na rin.
"Tapos alam mo ba, ikaw lang ang absent kanina? So, hindi ko alam kung paanong pakikipag-usap ang ginawa ni Dylan kay Prof para sabihin na siya na lang ang ipartner sa'yo."
Muntik na 'kong mabilaukan sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Alexa.
"Anong siya kapartner ko?! Akala ko ba—"
"Hindi ko nga alam kung paano nangyari, okay? Tentative pa naman kung papayag si Ma'am o hindi. So, pwedeng sa iba ka mapunta o kay Dylan talaga."
"No way! Mag-i-individual na lang ako kaysa maka-partner 'yon!" Aba. Baka kapag nagsama kami ay wala kaming magawang matino.
Kung bakit ba naman kasi sumulpot pa 'yang Dylan na 'yan.
"Goodluck," Simple pero mukhang may laman na sabi ni Alexa. Magsasalita pa sana ako pero agad niyang tinakpan 'yong bibig ko. 'Wag na daw akong masiyadong mag-ingay dahil baka mabinat ako. Kumalma daw muna 'ko at klarohin na lang ang lahat once na makapasok na 'ko.
Napapikit ako nang mariin at napakagat labi na lang. I clenched my fist but let out a heavy sigh after.
Gagawin ko lahat. Kahit mag-individual ako, okay lang. Basta 'wag ko lang makasama 'yong Dylan na 'yon.
To be continued...
YOU ARE READING
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?
Chapter Twelve
Start from the beginning
