red string

1.4K 43 2
                                    

Red String Of Fate

According to this myth, the gods tie an invisible red string around the ankles of men and women who are destined to be soulmates and will one day marry each other. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break.

Paano kung totoo nga ang Red String Of Fate? Na one day yung soulmate mo makikita mo at magpapakasal kayo. Ang saya nun diba? Sa dami ba naman ng pinagdaanan nyo, sa dami ng mga naging karelasyon nyo, KAYO pala ang magkakatuluyan, KAYO pala ang para sa isa't isa.

---×

Kasalukuyang nasa studio si Vice ng Showtime. Kasama nya ang Team Vice sa kanyang Dressing Room. As usual, ang iingay na naman ng mga ito habang si Vice naman ay tahimik lang na nagbobrowse sa kanyang iPhone.

"Huy Meme! Tahimik mo, anyare teh?!" paguusisa ni Archie sa nananahimik na si Vice.

"Ayyy, wala 'to Chie. Pagod lang." sagot ni Vice.

"Ah talaga ba Meme?!" singit naman ni Buern na hindi kumbinsido sa sagot ni Vice. Tinitigan nya ito.

"Hoy Buern! Kilala ko yang tingin na yan. Wag nga kayong echosera!... Eh kung inaayusan nyo na PO kaya ako noh? Malapit na PO kase magsimula yung show eh. Nakakahiya naman sa MAKE-UP ARTIST at HAIR STYLIST ko." si Vice.

"Ayyy eto na nga po Meme, huy Chie bilis! Baka di pa tayo swelduhan ni Madam." -Buern.

Nagtawanan naman ang ibang beks sa nasaksihan. Ilang minuto pa ay tinawag na si Vice para magpunta na sa lounge. Habang naglalakad si Vice ay may sinabi sya ngunit pabulong lang.

"Red String..."

---×

Nagsimula na nag Showtime ngunit matamlay pa rin si Vice. Di naman ito nakatakas sa paningin ng kanyang mga co-hosts.

"Huy Viceral! Ang tahimik mo ngayon ah?"-Billy

"Oo nga, may problema ba girl?"-Anne

"Oo meron... yang bunganga mo." pambabara ni Vice kay Anne kaya naman nagtawanan ang madlang pipol.

"Pero joke lang sis... May nabasa kasi ako kanina. Yung tungkol sa Red String Of Fate." sabi ni Vice.

"Ano naman yung Red String of Fate?" takang tanong ni Vhong.

"Yung ano, may tali na kulay red na nakatali sa inyong dalawa sa mga ankle nyo. Invisible yung tali na 'to ah. Yun daw yung soulmate mo at one day ikakasal kayo. Kahit ano daw mangyari, hindi yun napuputol. Maaring mastretch o mabuhol pero never syang napuputol." pagpapaliwanag ni Vice. Natahimik naman ang madlang pipol at interesadong nakinig kay Vice.

"Ikaw K, naniniwala ka ba sa Red String Of Fate?" tanong ni Vice.

"Oo naman, kaya nga may asawa ako ngayon diba?" sagot naman ni K. "Hello Yael! I Love You!" pahabol pa nito.

"Boom!" sigaw ni Jugs.

"Ayun lang..." sabi naman ni Vhong.

"Banban." pabulong na sabi naman ni Billy. Binatukan naman sya ni Vice at nagtawanan na naman ang madlang pipol.

"Pero ako, naniniwala ako dun sa yung Red String na nakatali lang sa inyo pero para sa akin di naman lahat napupunta sa kasal." pagkasabi nun ni Vice ay tumingin sya kay K.

"Eeee, bakit hindi ka naniniwala sa kasal thingy?" tanong ni Anne.

"Kase diba, malay mo kayo talaga yung para sa isa't isa pero yung isa sa inyo may jowa na or may asawa na, diba? Pero hindi nyo lang alam na sa inyo pala talaga nakatali yung Red String..." habang sinasabi ito ni Vice ay sinusulyapan nya si Karylle na tahimik na nakikinig aa kanya.

shots | vicerylleWhere stories live. Discover now