Parang napipilitan siyang tumango sa akin bago lumabas ng kwarto. Ini-lock ko ang kwarto at parang gusto ko na lang gumulong kesa maglakad. Kaya ko naman ang sakit sa ilalim pero solid ang sakit ng mga kasu-kasuan ko at buong katawan.

Nabigla talaga ang katawan ko.

Pareho kong kinain ang agahan na hatid ni Lucas at ang tanghalian galing kay Maria. Naparami ang kain ko dahil sa pagod mula kagabi at gutom. Bumalik si Maria pero para na lang iabot ang gamot dahil nagmamadali, may iuutos pa daw sa kanya.

Itinago ko ang gamot mula kay Maria at ininom ang kay Lucas.

Buong araw lang akong nanitili sa kwarto para magpahinga. Doon lang ako naglakad-lakad sa loob para mawala ang paikaka ko. Hindi dapat makita ng mga kasambahay na ganito ang kalagayan ko.

Tatanungin ako ng mga iyon. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling. Mapanghinala pa ang mga iyon at hindi maniniwala sa akin.

Kinagabihan ay nagpahatid na lang ulit ako ng hapunan kay Maria. Pagkatapos kumain, nagbabad ako sa bathtub sa maligamgam na tubig at napapikit ng medyo napawi nito ang sakit sa mga muscles ko.

Inilubog ako ang kabuoan ko hanggang ang tubig ay nasa baba na lang ng ilong ko.

Minasahe ko ang mga hita at braso sa ilalim ng tubig at maagang natulog para siguradong balik normal na ako bukas. Pagkatapos magbabad ay agad akong nagbihis. Nag-blow-dry na din ako ng buhok. Kinuha ko muna ang bedsheet na may dugo at binabad sa timbang may zonrox sa banyo.

Humiga na ako. Wala akong ginawa pero parang pagod pa din ako. Maya-maya ay mag-vi-vivideo call na kami ni Vlady pero parang ayaw ko munang lumabas ng kwarto.

Hindi lang dahil takot ako sa mga mapangmatang kasambahay. Pati na rin sa presensya ni Lucas. Hindi ko alam kung paano siya haharapin... o baka alam ko naman talaga at iyon ay ang magpanggap na walang nangyari.

Mahihirapan ako dahil hindi ko magagawang tumingin diretso sa mga mata niya ng hindi naaalala kung paano ko isinisigaw ang pangalan niya at kung paano siya nilabasan sa puson ko.

Napahaplos ako sa collarbone at napalunok para basain ang nanunuyot na lalamunan.

Kaya ako nagkulong para walang makakita sa akin na parang... parang inararo. At para mag-ipon ng lakas. Para kung sakaling maghaharap kami ni Lucas ay makakaya ko.

Nakatulugan ko ang mga pag-iisip na iyon. Masigla akong bumangon at naligo kinabukasan. May konting sakit pa rin sa katawan pero madali lang naman balewalain at umaktong normal.

Bumababa ako at dumiretso muna sa libray para i-chat si Vlady bago sa kusina. Napahinto ako sa hamba ng double doors ng makita si Lucas sa counter island na nagkakape habang may kinakausap sa cellphone niya.

Mula sa kinatatayuan ay kita ko ang side profile niya. Lumukso ang puso ko sa tanawin. Kahit sideview ay agaw-atensyon pa din siya.

Nakasuot siya ng dark brown na suit jacket na hapit ang bawat matigas at maskuladong parte ng katawan niya. Tumaas-baba ang dibdib ko ng maalala ang kamlot ko sa mismong katawang iyon.

Itim na pants ang pang-ilalim niya at nang abutin ang kape ay kita kong fitted black T-shirt din ang sa loob ng suit jacket na naka-tuck-in sa itim na leather belt.

Ang silver niyang relo sa palapulsuhan ay mas lalo lang nagpaangas sa braso niyang noong isang gabi lang ay parang mga baging na pumalibot sa beywang ko.

Inalog ko ang ulo sa patutungohan na naman ng iniisip. Nakuha ko yata ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. Dahan-dahan siyang napatayo at kinuha ang mga car keys sa ibabaw ng lapag habang may kausap pa rin sa cellphone.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now