The next day tulad nga ng napagusapan, nagusap kami ni Enzo sa garden ng school para sa report. Ang gusto niyang gawin ay 'yung parang may debate, tungkol sa mga Data Flow Diagram at Flow Chart yung irereport namin, so ang mangyayari kunwari siya ang epmloyer at ako ang employee magaaway kami dahil hindi ko sinunod 'yung step by step process para makabuo ng isang product at pagkatapos nun ieexplain niya kung anu ba 'yung uses ng DFD at FC tapos ako naman sa mga guidelines at examples.

Pagkatapos naming magusap nagstay narin siya sa garden dahil vacant niya pa daw at ganun din naman ako. Nilabas ko yung filler ko at nagsulat-sulat nalang duon, ang awkward nga dahil wala namang nagiimikan sa'ming dalawa. Siguro naiilang din siya sa'kin, pero siya 'yung unang bumasag ng katahimikan.

"Who is he?" ha? Napatingin naman ako sa tinuro niya. 'Yung filler ko na may picture namin ni Roiland nung kami pa, maliit na picture lang 'yun pero napansin niya pa rin.

"He's Roiland" matipid kong sagot.

"Boyfriend mo?" I shook my head. How I wish he is.

"Ex ko" and I smiled to him, a bitter smile. Ewan ko pero nasasaktan ako kapag binabanggit ko yung salitang 'Ex ko' para kasing sinabi kong tapos na talaga at wala ng namamagitan sa 'ming dalawa.

"You still love him?" tanong niya sabay tingin sa 'kin.

Imbis na sagutin ko iyon ay tumungo lang ako duon. There's no sense of hiding it, mahal ko parin naman siya hanggang ngayon eh. Kahit balikbaliktarin parin ang mundo siya parin ang mahal ko at hindi na 'yun magbab... nagitla ako nung biglang may humawak sa pisngi ko.. Napatingin ako sa kanya, he's lightly pinching my cheeks while smiling to me.

"Hey mataba pala pisngi mo ngayon ko lang napansin" he said while smiling eye to eye on me. Parang may kung anong bumuhos sa akin nung sinabi niya 'yun, siguro gulat dahil hindi ko aakalain na hahawakan niya ang pisngi ko.

Tumayo siya sa bench na inuupuan namin at naglakad na palabas ng garden. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Akala ko talaga eh aalis na siya duon kaso nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin. This time he looks so serious and he said the most confusing thought I ever heard, "There are some thoughts you can't avoid and some feelings you can't deny just make sure you're happy whenever that thing cross in your mind and..." he paused, tumalikod ulit sya sakin at nagsimula na ulit maglakad palayo " in your heart" mahina niyang sabi pero enough para marinig ko. What was that again?

Nung sumunod na araw, nagawa naman namin ng maayos 'yung report, na-very good pa kami dahil well-prepared daw kami. Naku, kung alam lang ni ma'am na saglit lang namin 'yun pinagusapan. Pagkatapos naman nun hindi na kami masyadong naguusap ni Enzo kasi wala naman talaga kaming paguusapan. Hindi naman kasi siya katulad ng normal friends ko na lagi kong kasama, magkikita lang kami sa mga subject na magkasama talaga kami. Nagpapadaan din ako ng group message sa kanya pero hindi naman siya nagrereply which is okay lang din sa'kin dahil hindi naman talaga kami close.

Dumating 'yung araw ng seminar namin, two days lang 'yun sa school, puro accountacy students lang din ang invited na umattend. Puro talk lang 'yun at learning session, meron ding mga activity para hindi antukin 'yung mga umattend pero susko antok na antok na ako sa kinauupuan ko. Nung kinahapunan hinayaan na nilang makapagpahinga 'yung mga estudyante, kaya pumunta na ako sa classroom na assign kaming matulog. Yep, sa classroom nila kami pinatulog dahil marami kami. Okay lang din naman dahil may dala kaming beddings at aircon naman 'yun. Parang camping lang.

Papasok na sana ako ng room kaso nakita ko si Enzo na nakaupo sa hagdan magisa. Anong problema nun? Tsaka bakit nandito sya sa Science Building eh sa Math Building 'yung quarters ng mga boys.

Taking One Step CloserWhere stories live. Discover now