Chapter 13: Sisters

Depuis le début
                                    

"Pwede ba akong humiling sa 'yo?"

Narinig ko ang mababaw na pagtawa niya. "Handa ka ba sa kabayaran?" aniya na ikinatigil ko.

"H'wag na nga." Bumalik ako sa pagkakahiga ng tuwid at sinubukan na pumikit upang matulog. Ngunit hindi naman ako dinadalaw ng antok. Bumuntong-hininga ako, alam ko naman na tulog na ngayon si Zero pero sasabihin ko pa rin. "Nais ko sanang maparusahan ang matandang lalaki na iyon para hindi na maulit ang nangyari sa akin. Ayaw kong may susunod pang babae na masusubasta." Napabaling ako kay Zero na kasalukuyan ng nakapikit ang kaniyang mga mata.

Bumuntong-hininga ulit ako bago tuluyang ipikit ang aking mga mata. Umaga nang mapabalikwas ako ng bangon dahil sa init na tumatama sa balat ko.

Napatalukbong ako sa kumot at hinihimas ang braso ko na napaso. Ano ba iyon? Ang sakit naman.

"Ano bang—" Napasigaw ako sa gulat nang may magsalita. Marahas niyang kinuha ang kumot mula sa akin.

Naabutan ko si Zero na nakatayo sa aking harapan habang nakasalubong ang mga kilay. Nakaputing polo siya at hindi nakabutones ang tatlong butones sa unahan habang nakasuot ng kulay puti rin na pang-ibaba.

"M-masakit, may namamaso ba rito?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Namamaso? Nahihibang ka na," aniya at umalis sa harapan ko. Nagpunta siya sa malaking bintana at tuluyan binuksan ang harang mula sa remote.

Nakita ko ang paggapang ng liwanag sa aking harapan hanggang sa makarating ito sa aking balat.

"Aah!" Malakas na naman akong napasigaw nang maramdaman ang init. Dito nanggagaling ang init?! "Ano 'to?! Ano 'to?!" aligagang usal ko at ipinalibot sa akin ang kumot. Bumaling ako kay Zero na ngayon ay takang-taka sa akin. "Zero, ang init ng sinag!"

"Of course! Mainit ang araw kaya mainit ang sinag."

Nalaglag ang aking panga sa napagtanto. Ibig sabihin ba na ito ang totoong pakiramdam ng pagdampi sa balat ng sinag ng araw? Ibig sabihin, ito ang init na ikinukwento sa akin ni Lola?

Dahan-dahan kong hinawakan ang parte ng kama kung saan may sinag ng araw. Hindi ko pa magawang hawakan ito ngunit sa katagalan ay nasanay ako sa init. Lumaki akong walang nararamdaman na init mula sa araw kaya ganito na lang siguro ang aking pandama.

"Zero, ang init nito, nakakatuwa!" Hinigaan ko pa ang parte ng kama na may sinag ng araw habang nakapikit at dinadama ito. "Alam mo ba na walang init na dala ng sinag ng araw sa district four at five?!" Para akong bata na nagsusumbong.

Naramdaman ko ang mga yabag ni Zero ngunit hindi ko ito pinansin. Patuloy kong dinama ang init ng araw na ngayon ko lang naramdaman. Napangiti pa ako dahil sa naramdaman kong tila paro-paro sa aking tiyan.

Idinilat ko ang aking mga mata ng may ngiti sa labi. Ngunit tila nakakita ako ng kalikasan nang magtagpo ang mga mata namin ni Zero.

Ang kaniyang kulay dahon na mga mata ay tila nagniningning nang masinagan ito ng araw kasama ang kaniyang mukha. Nakatayo siya malapit sa uluhan ko at nakayuko sa akin.

Sabay kaming nag-iwas ng tingin. Lumayo siya ng bahagya at tumikhim habang ako ay dahan-dahang sa umupo sa kama.

"K-kumain ka na kapag naihatid na ang pagkain. Kung gusto mong hanapin ang mga kabigan mo, siguraduhin mo na kasama mo si Cath at bumalik ka rito—"

"Paano naman kapag nakita ko na ang mga kaibigan ko?" tanong ko sa kaniya. "Pwede bang sumama na lang ako sa kanila—" Pinutol niya ang sinasabi ko.

Bumaling siya sa akin. "Inaasahan ko na makikita kitang muli sa apat na sulok ng kwartong ito." Napatigil ako. Nag-iwas siya agad ng tingin sa akin at mabilis na nilisan ang kwarto.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant