Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang pangit mo!" sigaw ko rito dahilan ng malakas na tawanan.

"Aba, palaban ang isang ito. Isang daang libo!" sigaw ng isang matanda.

"Isang daan at dalawampung libong piso!"

"Isang daan at limampu!"

"Dalawaang daang libo!"

Habang tumatagal ay pataas na ng pataas ang presyo nila sa akin. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pag-iyak. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Pero hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi ni Yuan kahit na mukhang imposible.

"Isang milyon!"

Natigilan ang lahat dahil doon. Boses ng babae ang nagsalita. Binalingan ko ito at nakita ang babaeng nakakulay puti na damit, malinis at maayos ang suot. Mahaba at kulot ang bandang dulo ng buhok.

Agad siyang nilayuan ng mga lalaki na tila iniingatan nila na madumihan ang babae.

Go girl, ikaw na lang bumili sa akin!

"Limang milyon!" Dumagundong ang boses na iyon. Nagulat ang lahat, maski ako. Nagulat kami nang biglang lumabas si Zero habang nasa likuran ang kaniyang pitong alipores. "Limang milyon, akin ang babaeㅡ"

"Anim na milyon." Nabuhayan ako nang dagdagan ng babae.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zero at bumaling sa akin. "Sampung milyon."

"Dalawampung milyon. Ipaubaya mo na lamang sa akin ang babae, ika-pitong ranggo," ani ng babae ngunit tila ayaw magpatalo ni Zero.

Sinamaan ko ng tingin si Zero at pinanlakihan ng mga mata.

Hayaan mo na ako sa kaniya, Zero! Sasapakin talaga kita kapag napunta pa ako sa ibang lalaki! Hindi ko lang kukunin ang pwesto mo, ipaparanas ko rin sa iyo kung paano masubasta!

Ipapasubasta kita sa mga bakla!

"Isang daang milyon." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Kung nais mo ang babae, kailangan mong higitan ang presyo ko," aniya sa mapang-asar na tono.

Maski ang ibang tao ay hindi na nakisali pa sa pataasan ng presyo. Mukhang takot na takot sila makisali sa dalawa.

"Kung sino ang makabili sa babae, kapag napagsawaan ibigay na lang sa akinㅡ" Napalundag ako sa gulat nang biglang bumunot ng baril si Zero at walang lingon-lingon na binaril ang lalaki. Sakto sa noo.

"Makakaya mo bang higitan, Dra. Cassy?" aniya sa babae na 'Cassy' raw ang pangalan.

Napatiim bagang si Cassy at tila inis na inis kay Zero. Ako rin kasi sobrang inis na. Taasan mo ang presyo, bilhin mo na ako at ako na ang gaganti kay Zero para sa 'yo!

"Isang bilyon!" Napasigaw ako sa tuwa nang taasan ni Cassy ang presyo. "Sa akin ang babaeㅡ"

"Sampung bilyon," paglaban ni Zero.

"Zero! 'Wag kana umepal!" inis na sigaw ko rito. Nginisian niya lang ako at mas lalong ininis. Napabaling ako kay Cassy na ngayon ay nagtaas na ng kamay, indikasyon na sumusuko na siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi ako pwedeng makuha ni Zero!

"Pasensya na, Kimmy. Mas mayaman ang ika-pitong ranggo kaysa sa akin," aniya at bigla na lang akong tinalikuran.

---

"Kaya ko nga ang sarili ko! Bitiw ngaㅡ"

"Maaari bang huwag ka na lamang maging pasaway? Ginagawa ko ang aking tungkulin," pagsusungit ng babae.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon