Eh, itong gagong ito sarili lang ang pinaniniwalaan!

"Well-educated ka nga pero hindi naman well-mannered. Bulok ang pag-uugali mo!"

Nabigla siya sa pagkawala ng pasensya ko. Mas tumalim lang lalo ang tingin niya sa akin.

"Nagmamalinis ka pa. Alam kong nagtatrabaho ka sa isang strip club. Ano, nahihiya ka pang aminin kahit totoo namang kaladkarin kang babae?"

Napapikit ako. Bumagsak ang mga balikat. His words cut deep in me. Masakit. It was like screeching nails against the mirror. Nakakasikip ng dibdib. It stings, it brought a slight pinched in heart.

Ang sakit niyang magsalita.

Marahas akong napalunok. Hindi ko siya hahayaang makita akong umiiyak. Hindi sa harap niya at lalong hindi dahil sa kanya.

"Baka isang katulad mo rin kasing maruming babae ang Nanay at Lola mo kaya ka gan?—"

I had enough of this bullshit.

Malakas na lumagapak ang palad ko sa pisngi niya. Sa lakas ay bahagyang humapdi ang palad ko. Umalingawngaw iyon sa tahimik na gabi at marahang lagaslas ng tubig mula sa fountain.

Hindi ako nagsisi kahit konti.

"Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang Nanay at Lolita ko!"

Nag-aalab sa galit ang mga mata niya. Nanginig ako sa takot at napaatras ng akala ko pagbubuhatan niya ako ng kamay. Muli niyang hinaklit ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Ang init ng katawan niya at tumama sa akin at ang mukha nito ay dangkal nalang ang layo sa akin. Halos nabibitin na ako sa ere at tumitingkayad na sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin.

Imbes matakot lalo ay pumihit ang puso ko sa sobrang perpekto niyang mukha. Ang mata niya ay matingkad ang pagka-kulay brown. Nagkukumahog ang puso ko bawat balat naming magkadikit.

Umiigting ang bagang nito at namumula na. "For someone who fucks for a living, you have the audacity to slap me?" he growled. "Ilan ba kasing pera ang pinapalasap sayo ni Abuelo? Ha? Tell me! Para mahigitan ko ng makalayas ka na dito!"

"Elohim! Let go of her!" Biglang sumulpot ang si Don Lucciano. "What is happening in here?!"

Padabog akong binitawan ni Lucas.

"Pagsabihan niyo 'yang babae niyo dahil hindi yata alam ang lugar dito!" Lucas said.

"You are so tiring, Elohim." Pinilig-pilig ni Don Lucciano ang ulo niya. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya babae!"

"Oh, cut the lies, Abuelo. Palayasin niyo na lang ang babaeng iyan kung hindi niyo talaga kabit!"

Abuelo stared at him very coldly that it sent shivers in my spine. The look on Don Lucciano's face feels like a calm sea before a damaging hurricane was about to happen.

Based on the grim on his face, he had enough like me, too. That Lucas crossed a line.

"No." Don Lucciano said. "Kung patuloy ka sa inaasta mong iyan, ikaw ang palalayasin ko dito,"

Pagak na napatawa si Lucas. Napasinghap ako.

"Pare-pareho kayo ni Papa. Both of you disgust me!" he said. Tinapunan niya ako ng tingin at nadatnan akong hinihimas kung saan niya ako mahigpit na hinawakan kanina. Bumaba din ito sa kamay kong nasugatan noong naitukod ko sa platong mga nabasag.

Napakurap-kurap siya at may dumaang sakit at konsensya sa mga mata niya. Ibinuka niya ang bibig at tila may sasabihin pero natigil din at pinilig ang ulo. He made his way to his car with long, swift strides of his legs.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now