Ayon kay Maria, biyudo na pala ito. Namatay ang asawa ni Don Lucciano tatlong taon na ang nakalilipas. May apat na anak. Tatlong lalaki at isang babae. May kanya-kanya ng pamilya at dalawa lang ang may gustong mamahala ng kompanya ni Don Lucciano— ang panganay nitong anak at ang pangalawa.

Ang panganay ay ang kasalukuyang CEO ng kompanya, ang pangalawa ay isang senador, ang pangatlo at ang nag-iisang babae ay isang doktor, at ang bunso ay abogado.

Kinwento niya sa akin si Elohim. Ang buong pangalan niya ay Elohim Lucas Valderama. Tawag sa kanya ng mga tao dito at ng mga malapit niyang kaibigan ay 'Sir Elohim' o 'Elohim'.

Maldito at suplado talaga iyon pero ng ikuwento sa akin ni Maria ay halos maglaway na siya at mag-heart ang mga mata.

Umismid na lang ako dahil gwapo nga, ang sama naman ng ugali!

Binilisan kong kumain dahil una, nahihiya ako. Pangalawa, hindi ako sanay na walang kasamang kumain. Pangatlo, baka maabutan ako ni Lucas dito at pag-initan na naman.

Ang mga nang-uuyam niyang tingin na tila isang basura lang akong pakalat-kalat dito sa mansyon ay sapat na para gusto ko nalang maglaho tuwing andyan siya. Wala siyang masamang sinasabi pero kung tumingin sa akin ay akala niya talaga nagpapaka-pokpok ako sa Lolo niya.

But speak of the devil and the devil shall appear, bigla siyang pumasok sa dining area. Napahinto siya ng makita ako.

Tumaas ang ibabaw ng labi niya at pinilig-pilig ang ulo. "Tangina, ang tigas talaga ng mukha,"

I threw him a glare and he sneered back at my expression.

"When will you find your fucking dignity and leave this house?" sabi niya sa kalmado tono pero parang halos tumakbo na ako sa titig niya.

Marami na akong beses na nabastos at ni minsan ay hindi ako natakot o nagdalawang-isip na lumaban.

But everytime his hazel-nut eyes meet mine, I just dissolved into nothingness. Bigla akong... para akong kinakapos sa hininga.

Tuwing malalapatan ng mga mata ko ang kabuan ng mukha niya—  mapapatanong na lang ako na 'Bakit hindi ko na lang siya muna titigan bago sagutin ang mga paratang niya?'

Napaka-bobita ng ganitong pag-iisip pero ng bigla-bigla nalang siyang lumilitaw na nakaformal suit ay justifiable naman talaga. He's just oozing with that sex appeal and masculine charisma.

Inaako ko na ibang uri siya ng lalaki. Masyadong marahas ang tindig niya, masyadong pino ang bawat galaw at ang pisikal niyang anyo ay alam kong nang-aakit ng mga babaeng pampa-init ng gabi niya.

Kesa sumagot ay tumayo na lang ako at tinalikuran siya. I don't wanna argue with him. I don't want to see him mad and angry with me. Ayaw ko ng gulo.

Bumuntong-hininga ako. Hindi na ako makapag-hintay na matapos na itong summer para maka-pag-aral na ako. May bigla akong ideya na naisip.

Paano kaya kung mamasukan ako sa isa sa mga resort nila Don Lucciano? Kahit anong trabaho?

Napangiti ako. Mukhang magandang ideya nga iyon!

Ang ngiti ko ay naglaho ng biglang may humigit sa akin paharap dahilan para malaglag sa sahig ang mga pinggan na hawak. Nanlaki ang mata ng umalingawngaw ang pagkabasag sa buong mansyon.

Nahigit ko ang hininga ng makita ang malaki at maugat niyang kamay na mahigpit na nakawahak sa akin. His long fingers spread around my small wrist. I gulped in the harsh feels and warmth of his calloused hand.

Kailangan ko pang pumikit ng mariin para ituwid ang pag-iisip. Kumuyom ang kamao ko. Nanggagalaiti kong inangat ang tingin sa lalaking halos iangat na ako dahil sa hawak sa akin.

Sweet Vittoria ReignsKde žijí příběhy. Začni objevovat