CHAPTER 22~CONTINUATION

Start from the beginning
                                    

Kahit kailan hindi ko inaalis sa braso ko Itong bracelet. Ito kasi Ang pinakamagandang bagay na binigay nya sa kin.

TOK! TOK! TOK!

Nagulat ako nang may kumatok na naman. Sino na naman 'to?! Hindi Kaya.... Hindi pa rin umuuwi Ang hinayupak na yun?!
"S-sino yan??"

"Negra."

Nagulat ako nang buksan nya Ang pinto ng kwarto. Puta Sya nga!
"Bat nandito ka pa rin? Diba pinaalis na Kita? Kanina pa Kita pinaalis ah!"

"Nagluto lang ako ng lugaw para sa'yo"

Natameme ako... Sya? Nagluto ng lugaw?
"Sinabi ko bang magluto ka?"

"No?"

"Oh alam mo naman paLa eh"

"pasalamat ka na nga nilutuan na Kita. Arte nito! Hindi naman kagandahan"
Maarteng sagot ni Clent sa kin. Gusto Kong matawa sa expression nya pero pinipigilan ko na lang kasi baka mas lalo syang sumpungin ng kapilyuhan.
Mas pinairal ko pa Rin Ang kamalditahan ko.

"Okay Thank you! Umuwi ka na. Hindi ko naman kasi sinabi sa'yo na magluto ka. Kaya ko naman yun."

Pinandilatan nya lang ako tapos lumabas na Sya ng kwarto. Para talaga syang bakla! Ano ba Yan?!
Grabe yata umarte.
Purket hindi ako nag thank you ng maayos. Akala siguro nya, nakalimutan ko na ang ginawa nya kanina kapal Ng Mukha!

Ilang minuto lang Ang lumipas, babangon na Sana ako ng kama upang icheck Ang LUGAW daw na niluto nya.
Ngunit nagulat na naman ako nang may pumasok na naman sa kwarto.
Sya na naman!

"Ikaw na naman?!"

"Oh wag ka munang tatayo! May lagnat ka pa. Eto oh dinalhan na Kita ng lugaw. Dito ka na lang kumain"
Tugon nya.
Saka ko lang napansin na may dala paLa syang tray na may nakalagay na bowl ng lugaw at baso Ng tubig.
Inilapag nya iyon sa may lamesa sa tabi ng kama ko.

"Kelan ka uuwi? Umuwi ka na"
Umpisa ko.

"Aba't! Matapos Kitang pagsilbihan itataboy mo 'ko?! Mapanakit ka na Honey ha"
Sagot nya at nagpupppy eyes pa tsk!
Inirapan ko na lang Sya. Pero Oo nga noh? Sobra naman yata Ang ugali ko.

"Kumain ka na nga lang dyan. Don't worry uuwi na din ako"

"Eh walang kutsara" reklamo ko sa kanya.
Lumingon Sya sa tray at nang mapagtantong wala ngang kutsara, ay dali-dali syang bumalik sa kusina.
I secretly smiled.

Maalaga talaga si Clent. Walang dudang marami nga Ang magkakagusto sa kanya dahil sa pagiging maalaga nya.
Napakaswerte ni Amanda.

Sa isang iglap nawala agad Ang ngiti sa labi ko nang maalala si Amanda. Oo swerte nga si Amanda. Swerte Sya kasi Sya Ang babaeng minahal ni Clent at hindi ako. Hindi mapupunta si Clent sa kin...

Few seconds later.. bumalik na si Clent na may dalang kutsara. Binigay nya yun sa kin at sunod ay inayos na nya Ang dala niyang gamit.

"uuwi na Rin ako sa wakas Honey. Magpakasaya ka na dyan."
Nagtatampo na tugon nya sa kin.
Sunod ay may ibinulong pa Sya sa hangin.. "wala ka talagang utang na loob"
Napatawa ako nang marinig Ang ibinulong nya. Amputa nagtatampo nga talaga Ang putanginang lalaking 'to. Kalalaking tao.

Nang akmang lalabas na Sya ng kwarto ay tinawag ko Sya.

"Wait Clent"

Saglit syang huminto at tumingin sa kin. Ngunit Hindi pa man ako makapagsalita nang bigla na Lang nya akong pinandilatan ng Mata at tuloy-tuloy na syang naglakad palabas Ng kwarto. Amputa dinilatan pa talaga ako! Grabe naman magtampo Ang hinayupak na yun.
Pero syempre dahil may utang na loob din naman ako hinabol ko Sya.

Bumangon ako at lumabas ako ng kwarto para sundan Sya kahit medyo nahihilo pa rin ako.

"Clent! Wait!"

Nasa baba na Sya ng hagdan nang maabutan ko Sya. Kaagad syang napatingala sa kin.
"Clent!"

"Honey! Bat ka lumabas?"

Hindi rin Sya nakatiis at inakyat nya na lang ako sa hagdan at inalalayan.
"Bat ba kasi sumunod ka? Sabi ko uuwi na 'ko"
Sabi nya habang inaalalayan akong makapunta sa kwarto ko.
"eh di mo ko pinapansin eh"

"Eh bakit sumunod ka?"

"gusto ko Lang mag thank you" malambing na tugon ko. This time, ako naman Ang nagpuppy eyes sa kanya.
Nakakunot naman Ang kilay nya na nakatingin sa kin.

"Thank you?? Yun lang? Ang ikli naman" pag iinarte na naman nya at inilapag na nya ako sa higaan ko.

"Thank you sa pagcheck up sa kin!"
Naiinis na sagot ko Kay hinayupak.

"Ano pa? Yun lang ba?"

"Thank you sa pagbigay sa kin ng gamot... Na Hindi naman effective" hininaan ko Ang pagbigkas ko kasi nakakahiya. Alam naman siguro nya Kung Anong gamot Yung tinutukoy ko noh.

"Thank you din sa pagluto ng lugaw. Thank you sa pag aalaga. Babawi ako next time"

Ilang saglit lang ay lumabas na ang pinakagwapo nyang ngiti sa kin. Dinaig pa yata nya si Alden Richards sa kagwapuhan. Ang gwapo talaga ng lalaking 'to.

"You're welcome Honey"

That Should Be MeWhere stories live. Discover now