Chapter 39: Someone like you (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tell me, do you still love him?" seryoso niyang sabi habang nakatingin siya sa mata ko. "Do you still love Troy?"

Natigilan na naman ako. Ang nakakatawa lang, ang tanong niyang 'yon ang palagi ko ring itinatanong sa sarili ko. Mahal ko pa nga ba si Troy? Mahal ko pa rin ba siya katulad ng pagmamahal ko sa kaniya noon?

Kusa na lang pumatak ang mga luha ko.

Ang sagot sa tanong ko? Oo.

Lahat ng alaala at sakit para bang unti-unting bumabalik. Walang gabing hindi ko naisip si Troy. Palagi kong naitatanong sa sarili ko na, paano kung hindi kami pinangunahan ng pride namin? Paano kung pareho kaming lumaban? Kami pa rin kaya ngayon? Masaya pa rin kaya kami tulad ng dati? Ihahatid niya pa rin kaya ako sa altar katulad ng pangarap na binuo namin na magkasama? Mabubuo pa rin kaya ang bahay na iniisip namin at ang pamilya na matagal na naming plano?

Araw araw hinahanap ko ang sagot sa mga tanong ko, pero naiiyak na lang ako tuwing maiisip ko na kailanman hindi ko na masasagot ang kahit alin sa mga tanong ko dahil huli na ang lahat. Tapos na ang lahat sa 'min. May iba na siya. May asawa at anak na siya. Tinupad na niya ang pangarap na meron kami noon pero tinupad niya 'yon sa iba. Sobrang sakit na makita 'yon. Naisip ko pa nga na sana ako na lang 'yong babaeng kasama niya hanggang ngayon.

Umabot ng matagal na panahon bago ko mapilit ang sarili kong wala na talaga. Araw araw kong pinipilit ang sarili ko na mag-move on na kahit na sobrang hirap. Ninilalagay ko palagi sa isip ko na kalimutan na siya, pero paano ko magagawa 'yon?

Simula no'ng mahalin ko siya umikot na ang mundo mundo ko kay Troy. He was my everything, my own definition of forever.

Ang tagal ko na palang niloloko 'yong sarili ko. Kahit palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal, na nakalimutan ko na siya, after all these years, siya pa rin pala.

"What if I tell you that I still love him?" Hindi ko na napigilan na maiyak. Dala na rin siguro ng emosyon na bumabalik sa 'kin, lahat ng masasakit na alaala. Yes, I still love him but the question is, if I tell you I still love him, will he love me back?"

"Tiffany, just listen to me first." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko pero inalis ko agad 'yon.

Oo mahal ko pa rin siya pero huli na eh. Tapos na kami. Tanggap ko na eh, kaya ayoko ng umasa ulit at masaktan.

"Hindi, Jaycee, ikaw ang makinig sa akin." Patuloy nang umaagos ang mga luha sa mata ko. Hinayaan ko na lang din ang sarili ko na umiyak. Eto 'yong kailangan ko eh. Ang ilabas ang sakit. "He will not love me because he already has you."

"No, I didn't have him. I never had him because he was yours."

Hindi ko siya pinakinggan. Isa lang 'tong malaking kalokohan at dapat hindi na ako nakinig sa kaniya.

"Please stop this. I need to go." Tumayo ako pero pinigolan ako ni Jaycee. Tiningnan ko siya at may mga luhang tumutulo mula sa mata niya. I can feel her pain.

"Tiffnny, I have a heart disease and I'm dying."

Natulala na lang ako at patuloy na lang din na nag-e-echo sa isip ko ang huling sinabi ni Jaycee. Kahit na minsan napapansin kong nanghihina siya, hindi kailanman pumasok sa isip ko na may sakit siya.

"Hinintay ka niya, Tiffany. Umasa siyang babalik ka pero napagod na siya. Araw araw, pangalan mo lang ang sinasabi niya. Patawarin mo siya kung ako 'yong pinakasalan niya. Ginawa lang naman niya 'yon dahil naaawa siya sa 'kin, dahil may sakit ako. Alam niyang siya ang nag-iisang tao na nagbibigay sa 'kin ng lakas. Alam kong mahalaga ako kay Troy, pero hanggang do'n na lang 'yon. He doesn't love me the way he loves you." Lumapit siya sa 'kin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon