Ella's POV
Excited ako dahil ngayon ang unang araw ko bilang isang first year college student sa kursong BS Psychology. Kinakabahan ako, pero mas nangingibabaw ang saya at pananabik. Nineteen years old na ako, at pakiramdam ko ay panibagong yugto na ng buhay ko ang magsisimula.
"Oh, anak, mag-ingat ka pagpasok," paalala ni Mama habang inaayos ang paninda niyang gulay.
"Opo, Ma. Ingat din po kayo sa pagtitinda," sagot ko. Si Mama ang bumubuhay sa amin sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke. Doon nanggagaling ang panggastos namin araw-araw. Wala na si Papa. Iniwan niya kami bago pa man ako ipanganak. Kaya si Mama lang ang nagtulak sa akin hanggang sa makarating ako rito, at iyon ang bagay na labis kong ipinagpapasalamat sa Diyos.
"Sige na, pumasok ka na at baka ma-late ka pa sa klase," dagdag niya. Kaya dali-dali kong sinuot ang itim na sapatos at backpack ko. Imbes na sumakay ng tricycle, naglakad na lang ako. Medyo malapit lang naman ang school at dagdag ipon din iyon.
Pagdating ko ay medyo pawisan na ako, pero okay lang. Nakita ko si Manong guard at binati siya. Papasok na sana ako nang mapatigil ako dahil may nakaharang na machine. Hindi ko alam kung paano iyon gamitin kaya lumapit ako sa guard.
"Paano po ito?" mahina kong tanong.
"I-tap mo lang yung ID na may barcode sa likod," sagot niya. Sinunod ko siya, at laking gulat ko nang kusa itong bumukas. Iba talaga ang eskwelahan ng mayayaman. Lahat high-tech.
Naglakad ako para hanapin ang aking room. Malaki ang campus, at madaling maligaw lalo na kung first year ka pa lang. At gaya ng inaasahan, naligaw ako.
Tiningnan ko ang cellphone kong may basag ang screen para siguraduhin ang room ko. Nakalagay doon: Room 3, BS Psychology Department. Ilang minuto pa ng paglalakad, natagpuan ko rin ang building ng Psychology. Nagulat ako dahil may kanya-kanyang building pala ang bawat course. Ang ganda, ang organized, at halatang mamahalin.
Hindi ko rin alam kung paano ako nakapasok dito. Hindi ko kayang bayaran ang tuition. Buti na lang at nakapasa ako sa scholarship program. Libre na ang tuition, may allowance pa. Pinilit lang ako ng guro ko noong senior high na mag-apply, dahil matalino naman daw ako at valedictorian pa ng klase.
"Eto, Room 3," bulong ko sa sarili nang makita ko na ang pinto. Nakatayo ako sa harap at hindi magawang pumasok. Kinakabahan ako. Naiisip ko ang mga kaklase ko na malayong-malayo ang estado ng buhay sa akin. Mga sosyal. Baka hindi nila ako pansinin.
Huminga ako ng malalim at inabot na ang doorknob, nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Are you gonna open the door or not? Kanina ka pa nakaharang."
Paglingon ko, tumambad ang isang gwapong lalaki. Matangkad siya, maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay at may mapupulang labi. Halos mapatitig ako.
"Can you please move?" seryoso niyang sabi. Agad akong gumilid, halos napayuko pa. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Bago niya ito isara, nilingon pa niya ako.
"Hindi ka ba papasok? I'm sure you're in my class."
Parang natauhan ako. Kaya agad akong sumunod sa loob at umupo sa pinakalikod.
Nasa unahan si Sir Levi Morales, ang adviser namin, at nag-o-orient tungkol sa rules ng school. Masaya ako dahil siya ang adviser namin. Siguradong sisipagin akong pumasok.
"Okay class. Since I'm done orienting you, it's time to introduce yourself," sabi niya. "So, who wants to volunteer first?" Tahimik ang lahat.
"Wala? Then I'll pick. Let's start from the back."
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing ako ang tinitingnan niya. Ngumiti pa siya at tinaas ang isang kilay.
Kinakabahan akong tumayo. "A-ah, ako si Ella Ellijah Villegas, nineteen years old. Nakatira ako sa Hanoi, Purok 3 at..." Naputol ako nang mapansin kong kumunot ang noo ng ilang kaklase. Marahil dahil sa lugar na sinabi ko.
Mapakla akong napangiti. Ang tingin kasi ng tao sa Hanoi Purok 3 ay puro gulo at dumi. At hindi ko rin maikakaila iyon. Talamak ang krimen sa amin at katabi lang ng lugar namin ang mamahaling subdivision at schools. Dahil doon, lalo kaming nadidiskrimina.
"At iyon lang. Sana magkasundo tayong lahat," dagdag ko at bumalik sa upuan ko.
Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase kong babae habang dumaraan ako.
"Paano nakapasok ang tulad niya dito?"
"Omg, kadiri. May nakapasok na germs."
"I really don't like that Hanoi place."
Masakit, pero kailangan kong masanay kung gusto kong manatili rito.
Isa-isang nagpakilala ang iba kong kaklase pero halos wala akong naaalala sa mga pangalan nila. Lumilipad ang isip ko. Mukhang magiging mag-isa lang ako rito.
"Okay class, that's everyone, right?" sabi ni Sir.
Ngunit bago pa may sumagot, biglang bumukas ang pinto.
Isang lalaki ang pumasok na may presensyang agad nakakuha ng atensyon ng lahat. Moreno siya, matangkad, at naka-uniform pero bukas ang dalawang butones. Hawak niya ang bag sa isang balikat bago ito biglang ibinagsak sa desk na parang walang pakialam.
Ang bawat kilos niya ay may halong yabang. Lalo pang nagpatindi ng atensyon ang malamig na titig niyang tila walang pakialam sa paligid.
Diretso siyang naglakad papunta sa likod at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tahimik ang buong klase, wari'y nakamasid sa kaniya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig na tanong ni Sir, kita sa boses ang pagpipigil ng inis.
Hindi siya tumingin. Nakayuko lang, para bang wala siyang narinig. Ako tuloy ang kinakabahan para sa kanya.
"Wala ka bang balak tumayo diyan? Nasa harap ang teacher mo and you're being disrespectful," dagdag ni Sir, mas mariin na ngayon.
Ngunit nanatili siyang tahimik. At sa kung anong dahilan, kusa akong kumilos at marahang sinipa ang upuan niya. Napatingin siya sa akin, iritado, at saglit kong naisip na baka sapakin niya ako. Pero hindi pa rin niya hinarap si Sir at nanatiling nakatungo.
Sa huli, hinayaan na lang siya ni Sir Levi. Marahil ay naramdaman niyang wala ring mangyayari.
YOU ARE READING
What Was Never Taught
Romancegay x girl You can't dictate your heart whom it should beat for, or who it should love. It's painful to fall for someone who will never be yours, who will never look your way, and never feel the same for you. Loving him hurts so much it feels like y...
