Ang Pamilya Sy.

Food Retailing and Repacking business ang ikinabubuhay ng pamilya ni Virgo. Minana pa ito ng tatay ni Virgo sa kanyang lolo na may lahing Pilipino bago pa ito mamatay dahil sa sakit na Tuberculosis.

May isang kapatid pa ang tatay ng kasintahan ni Leo na mas matanda sa ama. Isa itong espesyalista sa panggagamot at dati ay kasosyo sa business na iniwan ng lolo ngunit dahil sa pagiging gahaman sa salapi at ginto, bigla na lamang itong naglaho.

Kasabay ng paglaho ng kanyang tiyuhin ay ang limpak limpak na perang inipon ng pamilya niya kaya unti-unting nalugi ang nasabing negosyo.

Dahil dito, napilitang humingi ng pampuhunan ang mga Sy sa pamilya nina Lance Lopez na may malaking Hotels and Restaurant Business sa Calabarzon.

Nagkakilala ang magkaibang pamilya sa gathering na ginawa sa Heritage Hotel sa Pasay kung saan dinaluhan din ng kanilang mga anak at dahil sa nakitang Chemistry ay ipinagkasundo na lamang na kasal nilang dalawa ang magiging kabayaran sa utang.

Nagkakilala ang mga magulang ni Virgo sa China pagkatapos ng Martial Law sa Pilipinas kung kailan ang negosyo sa bansa ay sadyang naglamlam. Kilalang nagtatanim ng mga gulay at palay ang nanay noon ni Virgo at nang minsang umorder ng ilang sako ng bigas ang ama ay agad kinuha ang telephone number ng ina hanggang sa lagi na rin sila magkita.

Nalaglag ang unang anak ng mga Sy ilang buwan matapos ikasal sa China dahil sa tumitinding outbreak ng nakamamatay na Virus noon kaya't nagpasya silang pumuntang Maynila at doon na lamang ipagpatuloy ang negosyo kasama ng iba pang mga kamag-anak.

Ilang taon pa ang dumaan at isinilang ng nanay na Sy si Virgo... Agosto noon kaya isinunod nila sa zodiac sign ang ngalan.

Si Virgo na itinuring na prinsesa at pamamanahan ng lahat lahat ng kanilang ari-arian...

Si Virgo na itinatangi nila sa iba pang mga tsinay...

Si Virgo na hindi man nasundan ng mag-asawa, ay buong puso nilang gagawing kayamanan ng pamilya.

Nang banggitin ni Virgo ang kanyang pakikipagrelasyon sa isang simpleng binata, malaki ang galit at hinanakit ng ama sa kanya. Pag-uwi ng kanilang mansiyon galing sa unibersidad, makikita ang amang nakasalamin na nagbabasa ng magasin na Chinese .

Nakade-kuwatro itong nakaupo sa couch. Kukunin niya ang kanang kamay nito at magmamano ngunit papalitan ito ng malakas na sampal mula sa haligi ng tahanan.

"Bakit mo nagawa ito kay Lance?! Bakiiiiiiiit!", hiyaw ni Mr. Sy na pinagmamasdan ang humahagulgol na anak na dahil sa ingay ay maririnig ng asawang nagluluto ng noodle soup at pupuntahan ang dalawa

"Bukas na bukas... ipakakasal ka na namin sa kanya! or else...", dagdag ng tatay na sasampalin sana muli ang anak ngunit mapipigilan ng asawa

"Huwag! Tama na, Virgo....", wika ni Mrs. Sy na inaalalayan ang anak at kakausapin, "Alam naming may mahal ka nang iba, kaso..."

"Kaso ano???", putol ni Virgo sa ina, "Hawak ng pamilya niya ang negosyo ni daddy? Ma! Hindi ako masaya kay Lance... Kayo na lang lagi ang nasusunod! wala na ba akong karapatan dito sa bahay natin? Malaki na ako at nasa hustong edad na... Ang hirap na laging nakasakal sa inyo!"

Makatitikim ulit ng sampal sa ama ang dalaga.

"Go to your room!", wika ni Mr. Sy na itinuro ang kuwarto ni Virgo sa itaas. Aakyat ng hagdanan si Virgo na lumuluha at aalalayan naman ng nanay ang naha-high blood na asawa.

Pagkapasok ni Virgo sa kanyang kuwarto ay diretso pa rin sa pag-iyak ang dalaga. Pumunta siya sa harapan ng salamin na 6 feet ang taas.

Kumuha ng malaking panyo at pilit na pinupunas sa buong mukha at leeg kung saan siya pinaghahalikan ni Lance. Binura niya rin ang mga nanunuot na laway ng hambog sa labi at dumiretso sa bathroom upang maligo.

Ang Mansiyon ng mga Sy ay binubuo ng isang hardinero, drayber at katulong na nasa edad 45 na babae bukod sa tatlong miyembro ng pamilya. Ito ay nakatago sa dulong subdivision na napaliligiran ng mga punong Kakawate.

Tatlo rin ang gate ng subdivision na ang dalawa ay bantay sarado ng tig-dalawang guwardiya para sa entry at exit kasama ang malinaw na malinaw na cctv sa poste para sa mga kahinahinalang tao sa kanilang area.

Ang ikatlong gate naman sa likurang gitna ay iisang guwardiya lamang ang nagbabantay. Ang gate na ito ay binubuksan lamang para sa mga magjo-jogging sa isang park, walking, skates o biking ang hilig dahil tapat nito ang maliwanag na Bonifacio Global City.

Tiyempong naiihi ang guwardiya kaya ito ay pumunta sa likuran ng kanyang post na nababalutan ng mga anino ng matataas na puno sa kalaliman ng gabi. Biglang papasok sa gate na ito ang isang lalaking naka-mountain bike at iihip ang malakas na hangin.

Nakasanayan na ni Virgo na hindi isara ang bintana ng kanyang kuwarto sa second floor bago matulog para sa preskong hangin. Nang makapagbihis ng pares na pajama ay sinara na niya ang pintuan, pinatay na rin niya ang ilaw at didiretso na sa higaan ngunit mapapansin niya ang kaluskos sa labas ng bintana.

Iniisip niyang baka dala lang ito ng malakas na hangin kaya't pinilit niya na lamang ipikit ang mga pagod na mata. Pero iba sa nakasanayan niya ang mga ugong sa may bintana na ang tapat ay bubungan na marmol.

Unti-unti niyang nilapitan ang kuwadradong bintana at tumambad ang ulo ng isang lalaking naka-Gatsby Wax ang buhok.

Sisigaw sana ang dalaga ngunit natakpan agad ang kanyang bunganga ng kamay ng isang binata.

"Ako 'to! Ako 'to! Huwag kang maingay!", pabulong na sinabi sa kanya ni Leo

"Leo? Hmmm...", marahang banggit ni Virgo sa kanya na nagulat at niyakap ng kasintahan,"Paano ka nakapunta rito?"

"Hindi na iyon importante...", Titingin sa paligid si Leo bago muling magsalita, "Tara! Takas tayo!"

"Ha?... Mahal kita... pero"

"Mahal mo rin sila. Ayaw mong iwanan ang mom at dad mo, Virgo...alam kong nahihirapan ka na sa kalagayan mo rito. Hindi ka na masaya 'di ba?"

Tatango si Virgo

"At mas lalong hindi mo kayang magpatali sa Lance na iyon", dagdag pa ni Leo

"Oo! Per..."

"Virgo, pakinggan mo ako!", hawak hawak ang dalawang kamay ng kasintahan, "We love each other and trust each other..."

Pangalawang tango ni Virgo

"Then... Magtanan tayo!", pagpipilit na sinabi ni Leo

Mag-iisip ng ilang moment si Virgo pagkatapos niyang maulinigan ang mga katagang "Tara na!" kay Leo

"Hi... Hintayin mo ako, mag-iimpake lang ako!"

"Salamat Love...", banggit ni Leo na hahalikan ang hawak niyang kamay ni Virgo, "Nasa labas lang ang bike ko!"


Mabilis na nag-impake ng gamit si Virgo habang nilalamig na nagbabantay sa may bubungan si Leo.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now