Chapter 10: Same Book

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wow, deep naman," ani Tyler. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mga bwisit kayo! Ang akala namin ay patay na kayo at nakain na kayo ng mabangis na hayop! Tapos ngayon, hinihigaan niyo pa?!"

"K-kimmy, let us explainㅡ" Napatigil si Yuan sa pagsasalita at tumingin sa hayop.

Taka itong tumingin kay Yuan at tumagilid ang ulo. Kapagkuwan ay dahan-dahan na umupo ito dahila upang mapa-slide sina Yuan at JD at bumagsak sila sa isa't isa sa lupa.

Dinakma ng hayop ang dalawa at tsaka ipinatayo ang mga ito. Nagulat pa ako nang pagpagan sila ng hayop.

Taka akong nakatingin sa kanila. Pabalik-balik ang tinggin ko.

"'Yan ba ang mabangis na hayop na sinasabi mo?" Lumapit pa ako kay Tyler upang bumulong.

Bumulong siya pabalik, "Oo yata. Iyon kasi ang pinaniniwalaan namin dito dahil sa mga kwento kwento ng mga gwardya."

"Gwardya?"

Tumango siya. "Mga gwardya ang nagpakalat ng sabi-sabi at may ipinakita rin sila sa aming pruweba na sinalakay sila nito."

Sabay kaming napabaling kila JD nang biglang umatungal ang hayop at inabot ang pulot pukyutan. Tsaka nito binigyan sina Yuan at JD na agad din nilang tinanggap. Nang mapabaling sila sa akin ay pinanlakihan ko sila ng mga mata.

Ngunit ang dalawa ay tinawanan lang ako at tila wala na naman sa sarili.

Bumaling ulit sa akin si Tyler. "Kakaiba ang pulot pukyutan na iyan, nakakalasing at nakakawala sa sarili. Kaya h'wag ka na magtaka kung gan'yan sila."

Napabaling ako sa kaniya.

"Paano natin sila mapapauwi?" Napahikab ako. "Inaantok na ako."

Nang balingan ko sila ay naabutan ko si Yuan na nakatingin sa akin. Kapagkuwan ay gegewang-gewang itong lumapit patungo sa akin.

Akma niya akong hahawakan nang lumayo ako.

Ngunit hindi siya nagpatinag. Tumawa siya at lumapit ulit sa akin. Nang magtagumpay siya na hawakan ako ay agad kong naramdaman ang malagkit na mula sa pulot pukyutan. Marahas kong binawi ang kamay ko at agad itong lumipad sa mukha niya.

Kasabay ng malakas na pagsampal sa kaniya ay ang malakas na pag-atungal ng hayop. Sa oras ding iyon ay nagliparan ang kung anong maliliit na hayop mula sa itaas.

Napako ang tingin ko sa langit at hindi makapaniwala sa mga nakikita. Tuyo ang mga puno sa dahon ngunit kitang-kita ko pa rin ang mga paglipad nila.

Alam ko ang mga hayop na ito.

Madalas itong ikuwento ng aking lola.

Mga ibon.

Kung sa district five, ang mga nakikita ko lang ay ang liwanag mula sa nagliliparan na mga sasakyan at nakalutang na syudad. Ngayon, ang nakikita ko ay ang nagliliparang ibon.

Napahawak ako sa aking dibdib at napaluhod sa lupa. Ganito pala ang pakiramdam na maging malaya? Hindi man lubos ngunit nararamdaman ko ang pag-asa.

Patuloy pa rin sa pag-atungal sa akin ang hayop ngunit agad itong nilapitan ni Yuan.

"Kimmy bear, shh. She's a friend of mine, okay? Her name is Kimmy, too."

Bagama;t tila wala sa sarili si Yuan ay agad niya ring napatahan ang hayop. Itinagilid nito ang kaniyang ulo na tila iniintindi ang sinasabi ni Yuan sa kaniya. Bahagya pa akong tinuturo ni Yuan.

Pero nag-iba ang kundisyon ko. Nanlabo ang aking mga mata at tila umikot ang paligid. Napabaling sa akin si Yuan ngunit bago ko pa mahinuha ang reaksyon niya ay agad na dumilin ang aking paningin at nakaramdam ng pamamanhid.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon