Kabanata 1

9 1 0
                                        

Note: Bago nyo po basahin Ang kwentong ito ay gusto ko muna kayong paalalahanan na hindi po ako professional na manunulat. Gusto ko lamang po ibahagi sa inyo kung ano ang mga nilalaman ng aking maliit na utak at kung anong mga imahinasyon meroon ito. At kung may magbabasa man po nito Thank You in advance🤗🤗🤗keep safe and God bless us all..😇☺️😘🌿


SA isang madilim na gabi halos tunog na lang ng panggabing hayop ang maririnig. Isang babae ang tumatakbo sa kakahuyan. Habol niya ang kanyang hininga.
Subalit walang tigil parin siya sa pagtakbo na para bang nakikipag paligsahan. Kaluskos ng dahon at langitngit ng mga sanga ng mga puno na wari'y mo ay nabibigatan na. Ang nagpatigil sa pagtakbo niya.
Umihip ang napakalamig na hangin na ngayon niya palang naramdaman simula kanina. Nagsitindigan ang mga balahibo sa buong katawan niya. Katahimikan ang namayani na halos tibok nalang ng kanyang puso Ang maririnig. Sa sobrang lakas nito ay parang gusto ng kumawala sa kanyang dibdib, halo- halo ang kanyang nararamdaman. Sa mo't saring imahinasyon ang pumapasok na sa kanyang isipan.
Hindi niya Alam kung anong mga klasing hayop meroon sa lugar na ito. Hanggang ngayon palaisipan parin sa kanya kung paano siya napunta sa lugar na ito.
At ang kakaibang pakiramdam na para bang hindi siya nag iisa at may mga matang nagmamasid sa kanya sa dilim. Nagpalinga-linga siya sa paligid na wari mo'y may hinahanap. Hanggang sa huminto ang kanyang tingin sa isang bagay.
Sa madilim na bahagi ng isang malaking puno na napapalibutan ng mga lumot at nagtataasang mga damu. Isang bagay ang nakaagaw ng kaniyang pansin . Dalawang kulay pula na halos lumiwanag na sa sobrang dilim ng paligid. Habang tumatagal ang kanyang pagtitig sa bagay na iyon ay parami rin ng parami ang kanyang nakikita. Hanggang sa may narinig siya na huni na nanggagaling sa malaking puno.
Nabaling Naman dito ang kanyang tingin ng biglang gumalaw ang isang sanga nito. Na napupuluputan ng isang malaking sawa.. Napaatras siya Ng dalawang hakbang ng biglang lumaylay ang ulo nito at tumingin sa kanya, Ang dalawang pulang mata nito at mahabang dila na sumasabay sa bawat galaw nito na parang sumasayaw . Natulos siya sa kanyang kinatatayuan ng biglang may nahulog sa kanyang likuran. Kahit natatakot at may pag aalinlangan ay unti-unti niyang ginalaw ang katawan patalikod. At halos maubusan siya ng ulirat ng masilayan ang kakaibang nilalang sa kanyang harapan. Pula ang kulay Ng dalawang mata nito na halos kasing kulay din ng kulay ng dugo at may kaputlaan Ang kulay ng balat nito. Tuluyang hindi siya nakagalaw ng lumapit ito sa kanya at ilabas Ang dalawang matutulis na ngipin....


''Bogsh!!!, Aray! Shit Ang sakit... Daing ko ng mahulog ako sa sofa na kinahihigaan ko.

'tok tok tok... katok sa aking pintuan. Napabaling dito ang tingin ko.

''Isay, andiyan ka pa ba? Tawag nito sa kanya. Dali-dali siyang tumayo habang hawak Ang nasaktang balakang.

" Ano po yun aling bebang..? Magalang na tanong niya ng mapagbuksan ang kanyang land lady.

''ah.. itatanong ko lang sana kung kailan mo ibibigay sa akin ang bayad ng upa SA bahay.

"aba.. baka nakalimutan mo halos magtatatlong buwan ka ng hindi nakakapagbigay sa akin.'' Mahabang litanya nito.

Habang may pataas taas pang kilay na nalalaman. Kung hindi Niya siguro ito kilala ay malamang pagkakamalan niya itong mataray at istrikta dahil sa mukha nito na hindi manlang ngumingiti kahit sa mga tenant nito sa bahay. Ngimi siyang ngumiti dito habang nag iisip ng magandang alibi para rito.

"Ahm.. aling bebang ganito po kasi yun magbabayad naman po sana ako sayo nung nakaraang araw kaso nga po na traffic yung pera na ibibigay ko sana sayo.'' Pagdadahilan nya dito. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay nito. Na wari'y nagsasabing pinagloloko mo ba ako look..? Bago pa ito magsalita ulit ay inunahan niya na.

" A..ang ibig kung sabihin eh ..hindi po kasi naka pumunta kahapon Yung kaibigan ko kaya ganun. Palusot niya. Napataas naman ito ng kilay.

"Ah..aling bebang maaari po bang sa susunod na araw ko nalang ibigay sa inyo ang pera, hindi po kasi ako makakapasok ngayon kasi ang sama po talaga ng pakiramdam ko ehh.. sabay ubo at bahing niya. Para effective Ang acting niya, may kasama pang paawa effect. Baka sakaling maawa ito sa kaniya.

Galing din kasi ito sa mahirap na pamilya kung hindi lamang ito nakaasawa ng may kaya sa buhay. SA edad na bienty dos añyos ay na byudo ito. Kaya ang mga ari-arian ng kan'yang yumaong asawa ay naiwan sa kaniya at siya na ang humahawak katulong ang nag iisang anak nito. Lumungkot naman ang itsura nito at kalaunan din ay pumayag na. Sinara niya kaagad ang pinto pagkaalis nito. At Napasandal siya dito. Habang nag iisip kung saan siya kukuha ng pera na ipambabayad dito.
Matagal tagal pa ang monthly salary n'ya, kaya no choice s'ya kung hindi ang humiram ulit ng pera sa kaibigan niya.

Full Moon(On-Going)Where stories live. Discover now