Chapter 2

9 2 0
                                    

"Nako, pagpasensyahan mo na ako Althea ha, nasilaw ka tuloy sa pearly white na pang colgate commercial kong ngipin." Ngingiti-ngiti kong biro sabay hablot ng plastic na lagayan ng bigbite mula sa kamay n'ya at mala gentleman na kinuhanan s'ya ng tinapay at klase ng hotdog na nais nya.

Tumawa ito saka naglakad papunta sa see through na mga refrigerator ng 7/11 kaya agad akong sumunod sa kanya. "Hindi ako nasilaw sa 'maka colgate commercial' mong ngipin, no." Nagbukas ito ng isang pintuan saka dumukot ng Smart C at dahil gentleman ako, hinawakan ko rin yung hawakan ng pintuan at pasadyang sa mismong kamay n'ya ipinatong ang akin.

Pa inosente ko s'yang nginisian nang tinaasan n'ya ako ng kilay. "Eh bakit ka pala pumikit bigla?"

Isinara na nito ang see through na refrigerator at naglakad papuntang counter, handa nang magbayad.

"Ikaw? Wala kang bibilhin?" Taas kilay nitong tanong sa akin kaya naman agad-agad akong nagtungo sa isa sa mga isle at dumukot ng pinakaunang bagay na nahawakan ko saka derederetso na nagtungo sa katabing counter ni Althea at nagbayad.

"Nice, pakilay rin mamaya." Natatawang ani nito. Saka kinuha ang pinamili at naglakad na papalayo.

My gaze followed her like a fool and smiled when she stopped and turned around to look at me. " Tumalsik kasi yung laway mo, tumama sa mata ko, Dante." Natatawang ani nito saka tumalikod at tuluyan nang lumabas ng 7/11.

Iniwan ako na hawak-hawak ang binili kong maybelline na pangkilay in the shade Natural Brown.

"Villanueva! Pakidala nito sa PR Dep!"

"Dante nasaan yung pina photocopy ko sa'yo?"

"Dante, tapos na ba yung presentation para sa meeting mamaya?"

"Dante, lunch?"

Sa lahat ng mga naririnig ko kaliwa't kanan dito sa opisina, ang mala anghel na boses ni Althea at ang malambing na pag-aya n'ya sa akin ng pananghalian lang ata ang tumatak sa puso at isipan ko.

"Oo b-" naputol ang matamis kong Oo sa alok ng aking irog ng dumagundong ang boses ng Team Leader namin.

"Villanueva, punyeta! Bakit may pangalan ni Galvez itong proposal na pinagawa ko sa'yo?!"

Daig ko pa si The Flash ng mabilisan akong lumapit sa TL para tignan kung mayroon nga ba talagang pangalan ni maylabs sa proposal na ipapadala sa opisina ni boss mamaya.

"Hala TL, oo nga!" Parang gulat na gulat kong reaksyon kahit na alam ko naman na mayroon talaga dahil katangahan at pagde daydream ko ng Kasal namin ni Althea.

"Anong oo nga?" Isinara ni TL ang hawak nyang folder saka ito nirolyo. "Tarantado ka, sinabi nang ayusin mo trabaho mo kung hindi tusni ka sa akin tapos ito makikita ko." Iniangat nito ang hawak na naka rolyong proposal saka inihampas-hampas sa akin.

Natatawa kong sinasalag ang mga hampas ni TL saka pasimpleng hinablot sa kamay nya ang proposal saka tumakbo papunta sa mesa ko.

Nang madaanan si Althea na nanonood pa, "Mauna ka na mayla- Althea, Ire revise ko pa ito." Bungisngis kong sabi sa kanya at ibinalandra ang nakarolyong proposal ko.

Tumawa ito ng mahina saka tumango at umalis na. Ako naman, parang tanga na napahawak sa puso ko, nabigyan nanaman ng inspirasyon sa pamamagitan ng mahina at cute na tawa mula sa aking sinisinta.

Boom rhyme! Publishing companies, baka naman. Kaya kong maysulat ng love story ng mga daga, just so you know.

Ngingiti-ngiti ako habang nire revise at paisa-isang tinatanggal ang mga letra sa pangalan ni Althea sa project proposal ko.

Napakaganda ng pangalan ng magiging asawa ko kung sakali.

Althea Denise Galvez. Kailangan ko na talagang masigurado na mapapalitan ko ang pangalan ko bago ako magpropose sa kanya. Baka iyon ang maging dahilan ng pagtakbo n'ya mula sa altar kung sakali.

Buti nalang talaga malapit ko nang mapuno ang alkansya kong baboy. Doon nakasalalay ang future ko. Sorry nalang kila ermats at erpats, mag go goodbye na sila kay Dante Agapito Samuel at kikilalanin si Alexander Luke Skywalker.

De joke, Alexander Luke Villanueva yon. Future husband ni Althea Denise Galvez.

Natigil ako sa pagpindot ng backspace sa keyboard ko ng makatikim nanaman ako ng isang malutong na hampas sa ulo, malamang pa sa alamang, galing kay Legendary TL.

"Wala ka talaga sa katinuan Villanueva. Tignan mo nga yang ginagawa mo, blangko na yung papel kakabura mo ng nakangising aso dyan." Tinuro-turo ni TL yung screen ng desktop ko gamit ang mahiwagang pangkamot n'ya na s'ya ring pinangpatok n'ya sa ulo ko ngayon ngayon lang.

Hindi ko alam kung hanggang saan na umabot yang pangkamot na yan, at wala akong balak malaman. Pero gusto ko lang ipaalam na hindi ako mag aatubiling maligo ulit pagkauwi ko at kuskusin ng mabuti ang ulo ko.

"Nga pala, may bago tayong member, at dahil may sarili kang mundo kanina, alam kong hindi mo narinig nung nagpakilala sya. Kaya ngayon, ikaw ang mag orient sa kanya." Walang pakundangang sabi ni TL saka may tinawag.

"Tanghal, si Villanueva na ang bahalang mag orient sa'yo. Medyo nay sira yan sa ulo kaya pag tyagaan no nalang." Tinapik nito ang balikat nung babae saka umalis na.

Hindi ko makita ang itsura nung babae dahil nakatalikod s'ya sa akin ngayon at hinintay pang maka alis si TL bago humarap.

Isang nakakasilaw na set ng ngipin ang bumungad sa akin na s'yang nagpapikit sa akin.

Kung magmo model ako ng colgate, anong imo model nito? Crest? Close-up? Putangina, dehado.

Naglakad ito papalapit sa akin saka nag lahad ng kamay.

Nang iniangat ko ang tingin ko rito para makita ang kabuoan ng mukha n'ya, hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tumayo mula sa pagkakaupo at tinanggap ang kamay nya.

"Margarette Bae Tanghal. A pleasure to meet you, sunbaenim. " Ngiting ani nito ng tanggapin ko ang kamay n'ya.

"Dante, Dante Villanueva." Balik pakilala ko rito. "I orient na kita? Ah, kumain ka na ba? Kung hindi pa, tara kain tayo?"

Pag pasensyahan mo na ang inaasal ko ngayon maylabs, promise ikaw parin ang pakakasalan ko, pero kung hindi talaga pwedeng tayo, baka may tyansang si Margarette ang magiging kabiyak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SAWI; Si Dante at ang kanyang 'Operation Change My Name' ProjectWhere stories live. Discover now