Sa ngayon halos hindi ko alam ang ginagawa ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong hindi ka magaling sa kahit anong bagay, yung sakto lang. Marunong ka sa iba't ibang aspeto pero hindi ka ganun kagaingan. Hindi ko nga rin alam kung ano ba ang gusto kong tahakin sa buhay, wala akong tiyak at siguradong sagot — basta tuloy lang ako sa agos ng buhay araw araw.
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng bintana habang nagsusulat sa diary kung anong nangyari sa maghapon ko.
"Ang sarap talagang pagmasdan ng langit pag gabi, tahimik at payapa."
Hindi ko alam kung bakit tuwing gabi ako nagkakaron ng maraming idea para magsulat ng kung ano ano. Ang daming pumapasok sa isip ko, gusto ko magsulat ng tula pero hindi ko alam kung paano simulan.
"Siguro naman naisulat ko na lahat ng nasa isip ko ngayong araw, matutulog na ako ng mahimbing." sambit ko sa sarili pagtapos kong isara yung diary ko. Nagpalit na ako ng pantulog at humiga.
Eto ang paborito kong parte ng araw, dahil suot ko yung paborito kong pantulog at sobrang komportable ng pakiramdam ko. Kahit sobrang daming nangyari sa maghapon, bago man lang matapos yung araw ay masaya ako. Matutulog nalang din naman ako, bakit ko pa papahirapan ang sarili ko kakaisip sa mga problema? Eto ang huling kong ginagawa sa maghapon, ang matulog.
Oras na para matulog ng payapa,
Oras na para matulog ng mahimbing,
Oras na para tumakas sa problema
Gusto ko maranasan yung sinasabi nilang "Good night, rest well."
YOU ARE READING
Good Night Bookstore
FantasyShe believes that after a tiring and exhausting day, everyone deserves a good night sleep. It's the least thing that we can do to feel better and feel at peace. All Rights Reserved.