Part 16 The Sudden Atack

Magsimula sa umpisa
                                    

Shit! nakaabang sila sa amin!  magpapakawala sana ako ng sinyales para kina Harvey at ng malaman nila ang lokasyon namin ng biglang nasinagan ng liwanagng buwan ang may ari ng mga yabag na kanina ko pa naririnig!

Langya sina Harvey at Bryle pala yun!

Oh ito pala sila eh! Sigaw ni Bryle sabay takbo sa pwesto namin!

Ilang hakbang bago makarating sa kinaroroonan namin sina Bryle siya naman biglang pagsulpot ni Gersa sa harapan ko!

Aissshhh! Oo nga pala di nila ito kilala!

Teka Gersa kaibigan ko yang mga yan! Sabi ko dito!

Nagmadali naman itong umalis sa harapan ko!

Waahhh! Grabe ha mukha naba akong hudlom ngayon! Reklamo ni Bryle!

Pasensya na Bryle alam mo naman diba?! Sagot ko dito at tinapik ko ang balikat niya!

Oo alam ko! kaya nga andito kami! sinusundo namin kayo! Bat ba ang tagal niyo! Sita nito sa akin!

Nagpahinga muna kami sandal! 10km ang nilakad namin nakakapagod kaya! Sagot ko dito!

Tumango nalang ito at nagsimula na kaming maglakad! Maya-maya ang dumating na din si prinsipe Blake na may mga kasamang kawal!

Full force na! kompleto na kami! di na  masyadong nakakatakot! Tawanan pa kami ng tawanan habang naglalakad na kala mo walang nakaambang panganib sa amin!

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwento ni prinsipe Blake tungkol sa normal na mundo ng bigla kaming makaramdam ng kakaiba!

Matalim sa balat ang simoy ng hangin at may kakaiba itong hatid na takot!

Kanya-kanya kaming labas ang mga kawal! Dahan-dahan kaming umatras sa may karwahe at pinalibutan ito!

Syke anuman ang mangyari unahin mo si CJ! Kelangan makarating siya sa palasyo! Sumakay kayo kay Chakkie at ilayo dito ang prinsesa! Utos ni Blake!

Pero diba dapat kayo ang maghatid sa kanya doon?taka kung tanung!

Kahit gusto ko di pwede! Ikaw lang ang makakapgprotekta sa kanya Syke . Ikaw lang at wala ng iba! Sagot nito!

Napamaang ako sa sinabi niya pero saglit lang iyon dahil biglang naglitawan ang mga alagad ni Artemis!

Mga nilalang na itim ang suot at may mga talukbong sa ulo! di makikita ang mukha nila o kung may mukha nga ba sila!

Agad na nakipaglaban ang mga kawal samantalang kami ay nakapaikot lang sa karwahe at nakabantay sa pwedeng mangyari!

 Ilang saglit lang nalipon ang mga itim na nilalang. Mabuti nalang at mahina ang mga ipinadala ni Artemis! Di naman nalagasan kahit isa ang mga kawal!

The Princess and The WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon