Chapter 1

8.9K 318 107
                                    

WARNING: Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya.

This story may consists of violence and sensitive topics or scenes.

🔞 This is R-18 🔞

CHAPTER 1

"DAD, I can manage myself. Yes, I just arrived here in the airport. I'm okay and—" Natigil sa pagsasalita si Alexynne nang may sumagi sa kaniya dahilan para mahulog ang hawak niyang cellphone.

Her eyeglasses dropped on the floor as well.

"I'm sorry," narinig niyang nagsalita ang babaeng nakabangga sa kaniya.

Tinanguan lang niya ito kahit hindi naman niya maaninag ang babae.

"It's okay. You can leave," aniya sa babae sabay bitaw sa hawak niyang maleta at yumuko para hanapin ang salamin niya.

Una niyang nakapa ang nahulog niyang cellphone.  Pero ang salamin ay hindi niya makapa. She can't see anything without her eyeglasses. Ngayon niya pinagsisihang hindi siya nagsuot ng contact lense.

She was ten years old when her vision started to get blurry. Kaya bata pa lang siya ay nasanay na ang mga mata niya sa salamin.

Malakas siyang napabuntong-hininga habang patuloy na kinakapa ang salamin niya.

Until someone grabbed her hand. Ang mainit na kamay na iyon ay inalalayan siyang tumayo at sa pagkabigla niya ay marahan siya nitong hinila kasabay ng paglapat ng likod niya sa malamig na pader.

Napapitlag siya nang may nagsuot ng salamin sa mga mata niya. Unti-unti ay nakita niya ang lalaking nakatayo sa mismong harapan niya.

Even he's wearing a black cap and black facemask with his black jacket, she knew this man. Kilalang-kilala niya ito.

"Welcome home, babe," he murmured.

She saw his eyes smiled.

"W-What are you doing here?" She asked.

"Obviously, I am here to fetch you," tugon nito, hinawakan ang maleta niya.

Tumingin siya sa paligid. Maraming tao kaya bahagya siyang napangiwi at muling tumingin sa binata.

"Reece, you're famous, you know that. Hindi ka dapat basta-basta na lang pumupunta sa mga ganitong luga—"

"That's why I'm in disguise right now," putol nito sa sasabihin niya, nagkibit-balikat.

"Let's go, babe," hinawakan nito ang kamay niya.

"Don't call me that," saway niya.

"What should I call you, then? Wifey?" Nakangiti na naman ang mga mata nito.

Wala siyang nagawa nang hinila siya ng binata palabas ng airport hanggang sa makarating sila sa harap mismo ng kotse nito.

Pinagbuksan siya nito ng pinto sa tabi ng driver's seat. Walang imik na pumasok siya doon. Ang binata ay nilagay sa back compartment ang maleta niya bago tuluyang pumuwesto sa driver's seat.

Tumingin siya sa binata pero kaagad din siyang natigilan nang makitang inalis nito ang suot na cap at facemask.

"I hate it whenever I'm in disguise," reklamo nito, bahagyang natatawa at lumingon sa kaniya.

Huli na para mabawi niya ang tingin. Nahuli na siya nitong nakatitig.

Awtomatikong umangat ang sulok ng labi nito.

One Sweet Lie(Completed on Nobelista)Where stories live. Discover now