Waffle Monsters

46 1 0
                                    

Pepay'sPOV (Pointofview)

Naglalakad ako papunta sa bilihan ng waffle. Mahilig kasi ako sa waffle kumbaga walang araw na hindi ako nakakain ng waffle. Syempre nung baby pa lang ako hindi ko pa alam yun kaya hindi pa ko nakakain.

Pero teka nga nakapagkilala na ba ako? Alam niyo nanaman pangalan ko diba? Sa umpisa pa lang ng story saka nakasulat naman sa taas yung name ko kasi ako yung point of view.

Pero sige na nga magpapakilala na ko kahit tinatamad ako magpakilala.

Ako nga pala si Pepay. 16 Years old 4th year highschool.

Okay na yan.

Andito na ko sa bilihan ng waffle.

"Ano po sainyo?"

Seryoso nagtanong pa siya? Eh obvious namang bilihan to ng waffle alangang bilihan to ng zonrox?

"Zonrox po."

Pagkasabi ko nun parang nagulat yung nagtitinda at narealize nya namang mali yung tanong nya.

"Ay sorry po. Ano po bang flavor?"

Kaya naman palang magtanong ng maayos psshhh.

"Ano pong flavor meron kayo?"

Kada araw kasi iba-iba yung flavor.

"Cheese lang po."

"Sige nga po. Pabili nga po ng apat."

Pag bumibili talaga ako apat kasi hindi kasya sakin yung dalawa. Kasi nga paborito ko yung waffle.

"A ymiss, dalawa nalang po yung waffle na meron kami."

Aist ano ba yan. Naubusan pa nga daw ako oh oh.

Tinaasan ko siya ng kilay. Dalawa nalang pala meron sila bat hindi nalang yun yung ibigay sakin? Alangang magmagic sila para maging apat. Psshh

"Sige dalawa nalang po."

Alangan namang ipagpilitan ko pa? Eh dalawa na nga lang eh.

"Kuya, pabili ng ang apat na waffle."

May nagsalita sa likod ko. Sa pagkakarinig ko lalaki yung nagsalita. Pero ano daw waffle eh ubos na nga yung waffle akin na yung dalawa! Tss kailangan kong bilhin na agad yung waffle.

"Ay sir, dalawa nalang po yung waffle na meron kami."

Shyet! Kailangan ko na talagang bilhin yung waffle. Kaya ang ginawa ko naglabas agad ako ng pera.

"Ay ganun ba kuya? Ah sige dalawa nalang."

Pero teka akin yung waffle na yun!

"Huyy! Ako nauna sayo, kaya akin yung waffle."

"Pake ko ba? Basta akin yung waffle."

Naguunahan kaming inaabot yung pera dun sa nagtitinda. Yung nagtitinda naman parang naguguluhan.

"Ay miss at sirDalawa nalang kasi meron kami. So bale dahil nauna si miss sa kanya nalang yung waffle."

Pagkatapos sabihin nung nagtitinda na sakin na daw yung waffle eh binigay ko na yung pera at inaboy niya naman sakin yung waffle.

"Pero teka! Babayaran kitang 1,000 basta bigay mo sakin yang waffle."

Tss suhol pa. Saka like duh nasa kamay ko na eh. Akin na to

"Sorry po sir, sumusunod lamang ako sa rules ng shop."

Tiningnan ko yung lalaki at ngumisi ako ng pagkatamis tamis at sabay na kinagatan yung dalawang waffle.

AHAHAHA!! Lalo naman siyang nagalit. Kaya bago pa nya ako mapatay ay tumakbo na ako. Ng makalayo ako sakanya eh dinilaan ko nalang sya at tumakbo. Kawawang nilalang AHAHA!!

"Makakabawi din ako sayo! Magtago ka na kasi pagbabayarin kita!"

Sigaw nya. AHAHA!! "Oh geez I'm scared!!" Sigaw ko sakanya habang tumatakbo. Pero syempre joke lang yun.

At sumakay na ako ng jeep pauwi sa bahay habang tumatawa.

 

Ms.Waffle and Mr.WaffleWhere stories live. Discover now