SIMULA

2 0 0
                                        

"Ano nanaman ba ang ginawa mo caly?! Bakit ka nanaman nasuspend sa school mo?!" Galit na galit na tanong sa'kin ng Mama ko.

May ginawa nanaman kasi akong kalokohan, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo pero bakit parang ako ang may kasalanan?

"Wala ka na don." walang ganang sagot ko sakanya tsaka binitbit ko ang bag ko papunta sa kwarto ko.

Bumuntong hininga ako at tamad na tinanggal ang Neck-tie ko. Napailing nalang ako nang nakita ko 'yung uniform ko na puro alikabok.

Bwisit na Kaloy 'yon! Nasuspend tuloy ako ng 1week!

Naghahanap ng away tapos kapag napuruhan ko siya tila asong inapi kung makapag sumbong sa teacher namin palibhasa anak ng may-ari ng school namin kaya malakas maghanap ng away at ako pa talaga ang napili niya ah?

Biglang tumunog yung cellphone ko habang nagbibihis kaya naman binilisan ko ang pag palit at kinuha ko ang cellphone ko sabay higa.

Si Jaime lang pala.

From: Jamie Malande
Uy gaga ka ano nanaman bang gulo ang pinasok mo at nasuspend ka? First day na first day ng klase pinatawag ka kaagad sa office.

Napairap nalang ako sa message niya at nireplyan siya

To: Jaime Malande
Hindi naman ako ang nagsimula, talagang mayabang lang si kaloy tinapos ko lang ang simulan niya.

From: Jaime Malande
Gaga ka, labas tayo samahan mo ako mag Sm.

Mas napairap ako sa huling text niya, bestfriend ko siya kaya no choice akong nag ayos. Nag-suot lang ako ng over-sized shirt at maong short dahil hindi ko naman kailangan pumorma pa ng sobra dahil SM lang naman ang pupuntahan namin.

"Saan ka nanaman pupunta Caly? Hindi pa tayo nakakapag usap ng matino!" Galit nanamang sigaw ni Mama noong nakita niya akong palabas ng pinto.

"Diyan lang, maghahanap ng lalaki. Diba ganun ka rin?" Bastos na sagot ko sakanya.

"Aba! Iba ako sa'yo Heaven Calyse! Kaya huwag na huwag mong igagaya ang sarili mo sa'kin!" Galit na galit niyang sabi habang dinuduro ako.

"Idol kita eh, kaya gagayahin kita." Sagot ko naman sakanya habang naka ngiting nang-aasar.

Hindi pa tapos magalit si mama sakin pero umalis na ako, lagi naman gano'n. Lagi siyang galit sa mga ginagawa kong mali pero yung mali niya hindi niya makita.

7 years old ako noong iniwan kami ni papa dahil nagloko si mama sakanya. Dating Model si mama at Business man naman si Papa. May nag yaya kay papa na manood ng isa sa show ni mama at doon sila nagkakilala. Nahulog ang loob nila sa isa't-isa at nagpakasal nabuo si kuya at sumunod naman ako, masaya naman kami.. noon.

Pero isang araw pagka-uwi namin ni kuya galing school narinig namin na nag sisigawan sila papa. Nakita naman namin na may mga hawak na maleta si papa at tinignan lang kami niya kami ni kuya devi sabay sakay sa sasakyan at umalis na. Nakita namin si Mama na umiiyak sa sofa at may lalaking nakatayo katabi niya at naka boxer pa.

Simula non wala na kaming narinig kay papa at naging ganito na ako.

tang ina talaga ng buhay ko!

Hinampas ko ang manubela ko sa inis dahil kahit anong gawin ko at pilit ko sa sarili ko hindi ko makalimutan kung bakit nawasak ang pamilya namin.

Nagmaneho na ako papuntang SM para puntahan si Jaime kanina pa naghihintay 'yon, Ang tagal ko kasing nakatulala sa loob ng sasakyan.

"Bakit naman napaka-tagal mo?" Inis na tanong sakin ni Jaime habang nag lilipstick.

Inirapan ko lang siya at kumuha ng isang stick ng yosi.

Lost the GameWhere stories live. Discover now