Aminado ako na noon, ang gusto ko sa isang lalaki ay gwapo, mayaman, matalino, at syempre macho.
Pero habang lumalaki, gaya ng ibang mga babae, narealize ko na hindi ang mga katangiang ito ang basehan sa paghahanap ng lalaking makakasama ko sa habang buhay.
Ang lalaking iyon, hindi lang dapat gwapo, mayaman, matalino o macho.
Siya dapat ay isang lalaki na kaya kang pasayahin kahit na nahihirapan ka na sa mga pagsubok sa buhay.
Siya dapat ay isang lalaki na kayang patibukin ang puso mo tuwing nasa harapan mo siya.
Siya dapat yung lalaking iintindihin ka gano ka man kahirap intindihin.
'Di bale nang 'di gwapo, mayaman, matalino o macho, basta't mahal mo at matinong tao gaya ng lalaking nasa harap ko ngayon, nakaluhod sa isang tuhod at may hawak na pulang maliit na kahon na naglalaman ng isang simpleng rose gold ring.
"Alexandria Loreza, will you marry me?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata ng may pangamba.
Hindi ko alam bakit kailangan niya pang mangamba.
Takot ba siya na humindi ako?
'Pano niya naisip na hihindian ko siya pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin?
Nanginginig na ang kanyang mga kamay kaya naman para mapanatag na siya ay sinambit ko na ang aking sagot,
"Of course"
"I can't wait to marry you" saad niya habang niyayakap ako.
"Me too"
YOU ARE READING
Till The End
RomanceMawala ka man, ang mga ala-alang iniwan mo ang kakapitan ko. I will be strong. for you, for them, and for myself. I will love you till the end of time.
