WGM EP7

41 2 0
                                        


The party was over pero ang fiesta hindi pa dahil parang pasko pala to sa probinsya, may extension or siguro dahil lang ito sa media at mga artistang nagpunta dito para makisaya. May noontime hosts na nagpagames sa mga mamayan dito at siyempre manonood kami.

Maraming celebs dito at karamihan ay kakilala na ni Stanley dahil sa showbiz . Ako lang ata ang hindi. Pero mabuti na lang at hindi nya ko nakakalimutan, sa pagkakataong ito lumalabas yung gentleman side nya. Medyo nakikilala ko na kasi si Stanley.

"Bakit mo ko binibigyan ng mic?" Tanong ko na medyo nagtataka. "Maghohost tayo ng isang portion." Sabi nyang parang wala lang. Seriously? Hindi ako marunong.

"May script naman eh. Basahin mo lang." dugtong nya nung mapansin yung kunot kong noo. Hindi talaga ako marunong maghost magmumukha akong timang neto. Baka mabash pa ko pag hindi nagustuhan ng viewers yung pagdeliver ko ng lines.

Makalipas ang ilang minuto ay isinalang na kami at nirolyo na ang camera. Parang sinorpresa naman kami dito. Akala ko manonood lang ako yun pala guest hosts kami. I'm so nervous.

Ang lakas ng sigawan ng mga tao nung magsalita na si Stanley. Sobrang dami niyang fans at mas lalo pa akong kinabahan nung may nakita akong mga banner namin. Wow famous na ko. Yeah ako na.

Habang nagsasalita ako bigla akong inakbayan ni Stanley kaya naman halos magwala na yung mga fans niya lalo na yung mga dalaga sa harap namin na kanina pa tumitili. Grabe lang ah. Baka mamaya kalbuhin ako ng mga to. May narinig pa naman ako sumigaw ng "I Hate You Agnes Forever!" tsk tsk. Ganun ba siya ka appeal sa mga babae?!

Nung nasa back stage kami may staff na nag sabi na kakanta daw kami after ng isa pang segment. Seryoso? Bakita ba biglaan yung mga nagaganap? Eh hindi nga ko nagprepare dahil akala ko guest lang kami. Kaloka naman mga to'. 

" Sige po magpeprepare lang kami." Si Stanley ang sumagot dahil nasa siko ko pa yung utak ko. Tiningnan ko si Stanley ng nakataas yung isa kong kilay. " Ibaba mo nga yang kilay mo. Magpractice na lang tayo."

"Okay ka lang? Hindi ako prepared, Baka gusto mong mawalan ng career pag pinakanta mo ko." Pagbabanta ko.

" Ilang minuto lang naman yun. Sige na marinig ko man lang boses mo." Hinawakan niya yung kamay ko pero hinawi ko yun. Kainis naman yan sana sinabi nila agad edi sana nakapagvocalize ako. Ano raw?!

Mayamaya pumasok na ulit yung isa pang staff para ipapaalala samin yung Surprise performance.  Diba dapat yung fans masusurprise? Eh bakit ako ata nasorpresa dito? Hay Buhay. "Ano po kakantahin niyo?"

"Siya lang po kakanta." Turo ko kay Stanley

"Ay hindi po pwede. Kelangan duet para sa fans niyo."

"Kuya wala pa po kaming naiisip. Ngayon nyo lang po kasi sinabi eh." Medyo natatarayan ko na si kuya pinisil ni Stanley yung kamay ko parang sinasabi niya na kalma lang ako. Napabuntunghininga na lang ako tapos nilabas ni Stanley yung phone niya para maghanap ng kanta.

Lahat ng sinasabi niya Hindi ko alam kantahin kung meron man hindi ko kabisa yung lyrics o kaya mataas. "Destiny by Jim Brickman" 

"Mataas yun. Baka malagutan ako ng litid niyan." Reklamo ko. Pag pumiyok pa ko masabihan pa kong trying hard. 

"Ano bang kanta na alam mo na alam ko rin para makapagpractice na tayo." Nagkalkal ako sa music player niya. Nakita ko yung The flame ng Six Part Invention. 

"Fan ka din ba ng Six Part Invention?" tanong niya sakin

"Oo crush ko yung boses nung lalaki. Ang ganda kasi ng boses."

"Sigurado ka boses lang yung crush mo?" Taas yung kaliwang kilay niya

"Pati yung singer crush ko. Bakit?"

We Got Married (PINOY EDITION?!)Where stories live. Discover now