"Enough you too! Kay Coco ako sasabay okay?"

*Knock *knock

"Ate Ella tara na"

Thank goodness! Speaking of

Agad akong tumayo at kinuha ang cane ko tsaka nagsimulang naglakad palabas ng kwarto

GABB POV

Seriously!? Is she hitting on Ella again!? How dare she is!

"WHAT!" saad ko sakanya ng magkatitigan kami ng makalabas si Ella sa kwarto

Inirapan nya lang ako at sumunod kina Ella palabas. Napakagat nalang ako sa ibabang bahagi ng labi ko at umiling.

Posible kayang bumalik si Gia kay Ella?

Agad naman akong bumaba at sumunod sakanila. As Ella said kay Coco nga sya sumabay. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng kotse ko at ganun din si Gia

Pinagmasdan ko muna si Ella na makasakay sa sasakyan ni Coleen hanggang sa umandar na ito paalis. Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko at sumunod sakanila.

Im really hoping for successful operation. I know Nile will be so happy and so Ella too.

Mahigit kalahating oras ang naging byahe, buti nalang hindi gaano kalala ang traffic, nakarating agad kami sa hospital.

"Brei!" rinig kong saad ni Gia at agad nyang niyakap ito

Tsk. Sipsip

So all of the squad is here. Tito texted me na papunta narin sila ni tita.

Well okay, okay. Gia got the squad, well i got her parents. Tito always updates me about Ella's condition. They also know what i have done. Nag open ako sakanila, at first they were so angry at me. But, pinatunayan kong nagsisi ako at handa akong magsimula ulit para samin ni Ella.

"Kinakabahan ako" napalingon ako kay Ella na sobrang concious, kami lang dalawa ngayon ang magkasama. Si Gia at Coleen nagpunta sa office ng doctor while the others kumuha ng foods. 

"Andito lang ako Akin" saad ko at hinawakan ang kamay nya 

"Paano kung may mangyari while in the middle of operation" 

Huminga ako ng malalim at niyakap sya ng patagilid. 

"Tiwala lang, i know you can do it. Sigurado akong babantayan ka ni Kambal mo" saad ko, nakita kong ngumiti sya kaya di ko narin napigilan na ngumiti 

"S-salamat" nakangiti nyang sambit

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at agad na ngumiti ng sobra, di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko! 

Kinikilig ba ko?! 

"Baba!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Gia at naupo sa gitna namin 

Papansin talaga toh ano?

"10mins daw, start ng operation. Halika samahan na kita sa room" nakita kong hinawakan nya ang kamay ni Ella at inalalayan tumayo kaya napailing ako 

"Ah Ella" napatigil sila sa paglalakad at agad na lumingon sakin si Gia, nginisian at binalingan ko lang sya ng tingin tsaka nagpunta sa harapan ni Ella

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang maamo nyang mukha, kita ko rin ang pagkataka sa mukha nya siguro she's asking bakit ko sya tinawag

"Goodluck! Alam kong kaya mo yun, SEE YOU!" saad ko at niyakap sya, agad din naman nya kong niyakap

Gosh i really miss her hug! 

"Baba, tara na" kahit kelan talaga toh si Gia noh? Epal tsk.

Umalis na sila at naiwan ako ngayon na pinapanood silang maglakad patungo sa isang kwarto

Kaya mo yan Ella, maghihintay ako....

COLEEN POV

Tama ba nakita ko? Did she just?! Binalik nya yung yakap ni Gabb!

Ano! Napaikot nanaman nya si Ate Ella! After of all the things na ginawa sakanya ni Gabb! Tsk! Im so dissapointed!

1 and a half hour has passed and Ate Ella is still in operating room. Ate Gia, Gabb and I are waiting here. Magkatabi kami ni Ate Gia habang nasa tapat naman namin si Gabb. Sobrang tahimik ng paligid.

I keep praying, sana successful ang operation.

"Gabb" napalingon ako ng may nagsalita, it was Ate Gia, napalingon din si Gabb dahil sa pag tawag sakanya.

"Do you really love Ella?" napatingin ako kay Gabb dahil sa tanong ni Ate Gia, nakita ko namang napangiti sya. Is she a psycho or what?

"I do, a lot" saad nya, kaya napailing ako. Napaka sinungaling

"Really? How do you say so?" tinaasan ko sya ng kilay at agad na inirapan. Nakakainis ang pag mumukha nya, manloloko.

"Di pa ba sapat na di ako tumitigil? Araw araw ko syang dinadalaw sakanila, pinaparamdam yung pagmamahal na kaya kong ibigay, kahit pinagtatabuyan nya ko. I still insist. Kahit alam kong sigaw lang ang sasalubong sakin, pero di ako tumigil. Kasi seryoso ako kay Ella. I know nagkamali ako handa akong tanggapin at pagsisihan yun. Handa rin akong marinig ang masasakit na salitang ibabato nyo sakin. Gia... Coco... Mahal na mahal ko si Ella"

Is she manipulating us again?

"Kung mahal mo talaga sya, bakit kailangan mo pang saktan ng paulit ulit?" Right right! Tama yang tanong mo Ate Gia

"I know ive hurt her. A lot. But thats not a valid reason for me para sabihin na di ko na sya mahal. Ella is different from all. Nasaktan ko sya noon pero pinaglaban nya ko sainyo, alam kong galit parin kayo hanggang ngayon. I dont know if i will still can gain your trust, but handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko kay Ella."

Why does her words is so convincing!?

"Right you have a point. You cant easily gain our trust. Ate Ella is so precious to us. Ayaw naming nasasaktan yon, lalo na ako. Alam mo bang inuuna nya ang iba kesa sa sarili nya? Shes so pure to be hurt. Kaya sana, hindi lang words, prove it" saad ko tsaka sumandal.

Tignan natin kung totoo ba talaga yang pinagsasabi nya. Ayoko namang mapunta lang si Ate Ella sa walang kwentang tao lang. I want her to be happy. She really deserves everything. Kaya im here to protect her.

After that conversation, natihimik na ulit kami. 30 minutes has passed pero wala parin.

"Inaantok na ko" saad ko, agad namang pinapatong ni Ate Gia ang ulo ko sa balikat nya ng biglang lumabas ang doctor na nakaassign sa operation for Ate Ella.

Agad naman akong napatayo, biglang nawala ang antok ko. I stared at the doctor

Bakit walang expression sa mukha nya? Does something happened sa operation?


-------

N/A: Nasa point ako na pahabain pa yung story at tapusin na HAHAHA Sorry if nagiging inactive lately, malapit na kasi midterm namin huhu 

All with youWhere stories live. Discover now