4.

47 6 0
                                    

DY

"ANAK NG TOKWA'T BABOY NAMAN OH!"

Nanlalaki ang matang kinapa ko ang tagiliran. Asan na ba 'yon? Shit. Laslas ang bag ko.

"No. Hindi pwede," iling ko habang walang tigil sa pagkapa sa katawan. Napamura ako nang malutong nang mapagtantong nawawala ang wallet ko.

"Apo ng tokneneng naman oh! Why ganon mga tsong!" Naluluhang sinipa ko ang trash can na nasa malapit.

Not a good decision though. Pinagtinginan ao ng mga taon g palabas sa istasyon ng MRT at ang malala galit na sinipulan ako ng security guard.

"Pakshet, Dy," inis na bulong ko't pilit na ngumiti sa sekyu na mukhang naabala ko ang almusal. Hula ko pandesal ang kinakain nito, may breadcrumbs pa ito sa uniporme.

Napalunok ako. Ano kayang pinalaman ni kuyang guard sa pandesal? Peanut butter kaya? Masarap pa naman 'yun peanut bu–

"Miss, kung nag away kayo ng boyfriend mo huwag mong ibuhos ang galit mo d'yan sa trash can," matalim na sabi nito ng makalapit.

Okay, peanut butter nga. Lily's kaya? Ano ba 'tong naiisip ko? Bakit ba kasi 'di ako nag almusal?

"S-sir, pasensiya na kayo. Hindi naman sa nag away kami ng boyfriend ko," simula ko. As if naman meron akong boy toy.

"Nalaslas ho kasi ang bag ko. Nawawala ang wallet ko. Baka pwedeng paki tulungan akong mahabol 'yung kumuha ng wallet ko," ipinakita ko sa kanya ang shoulder bag ko.

"Natandaan mo ba ang itsura ng kumuha?"

Natigilan ako, saglit na nag isip.

"Ah, eh..hindi ako sigurado. Baka iyong lalake na panay ang dik-dik sa 'kin sa tren o 'yung nasa tagiliran ko. Hindi ko ho masabi, Sir."

"Hay naku, miss. Sa dami ng ganyang kaso araw-araw malabong makuha mo pa ang wallet mo. Bakit ba kasi 'di ka nag ingat? Alam mo namang siksikan parati ang mga tren."

Nag init ang ulo ko sa narinig.

"Teka nga, sir. Bakit parang kasalanan ko pa?" Sabay turo ko sa sarili. "Ako na nga ang nanakawan eh, ako pang mali? Hindi naman ho yata tama 'yon. Parang sinabi n'yo na din na ipinain ko sa mga kawatan ang pinaghirapan at pinag puyatan ko. Hindi ba dapat trabaho n'yo na tulungan ako? May mga CCTV kayo dito di ba? Kaysa sinesermunan n'yo ko dito, dapat sinasamahan n'yo ko sa opisina n'yo para mahanap iyong taong dumukot ng wallet ko."

Ngumisi ang siraulong sekyu sa litanya ko. Ang animal nakuha pa kong sipatin mula ulo hanggang paa. Ginaya ko ang ginawa nito at napangiwi nang makitang malapit ng mag resign ang dalawang butones ng suot nitong uniform.

"Miss, kahit tumalak ka dito't tingnan pa natin ang cctv wala na din tayong magagawa. Hindi mo na mababawi ang wallet mo. Araw-araw napakadaming kagaya mo ang nawawalan ng mga gamit, miss. Ano lahat 'yun iisa-isahin namin? Wala namang mag nanakaw kung walang magpapa nakaw," maaskad na ani to.

"Wow! Galing mo kuya," sarcastic na pumalakpak ako't saka matalim siyang tinitigan.

"Oo tama ka. Wala namang magagawa ang pagtalak ko dito. Pero kung ginagawa mo ang trabaho mo't nakita natin ang pagmumukha ng gunggong na kumuha ng wallet ko, baka naabutan pa natin s'ya o kung hindi man mai-po-post 'yon sa bulletin board n'yo. Next time na sasakay ang batugan na 'yon sa tren n'yo, malalaman n'yo or ng mga pasahero na magnanakaw s'ya, tama? Hindi kasalanan ng biktima kung nagawan s'ya ng krimen ng kung sinong tarantado. Kasalan 'yon ng kriminal at ng katulad mong batugan na walang ginawa kung 'di magpalaki ng bayag."

Thrones Of The Hearts (Reino De Filipinas 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon