"Wala namang magbabago kung magkaibigan tayo o hindi. Ganoon pa rin naman ang trato natin sa isa't isa kaya mas mabuting maging magkaibigan na lang tayo... At least iyon... Hindi 'yon mawawala," nakayukong sabi ko sa kaniya. 


"You don't want us to be in a relationship?" Tanong niya sa akin habang nagsusuot ng shirt. Sa sobrang kaswal ng tanong niya ay pakiramdam ko wala siyang pakialam sa relasyon namin. 


"Ayaw ko..." Umiwas ako ng tingin. 


Akala ko ay magagalit siya. Akala ko ay makikipagtalo pa siya pero ngumiti lang siya sa akin at nagkibit-balikat. "Okay," simpleng sabi niya. 


"Iyon na 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Akala ko ba ay gusto niya akong maging girlfriend? Bakit pumayag kaagad siyang maging magkaibigan lang kami kahit alam niya nang may gusto ako sa kaniya? Hindi naman lumabas sa bibig ko pero naintindihan niya na 'yon dahil hinayaan ko siyang halikan ako. 


"Hindi naman mahalaga sa akin kung anong tawag mo sa relasyon nating dalawa. Okay ako kung saan ka okay." Ngumiti siya nang tipid at humiga na sa kama ko. "Tara, tulog na tayo." 


Hindi pa rin ako makapaniwalang ganoon siya kadali kausap. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya. Akala ko ay may gagawin siya sa akin pero tumalikod lang siya sa side ko at yumakap ng isang unan para matulog na. Matagal akong nakatitig sa kisame, pinapakiramdaman kung tulog na siya o hindi. 


Bakit hindi ako satisfied sa nangyari? Bakit parang may hinahangad pa akong reaksyon galing sa kaniya? Ano ba talagang gusto ko? Bakit ba ako ganito? Didn't I already make up my mind that it was better to be just friends than lovers? Why was I yearning for more just because he didn't look like he cared? Ang gulo ko kausap. 


Humarap ako kay Arkin at tumitig sa likod niya. Mahimbing na siyang natutulog ngayon habang ako ay namomroblema pa rin sa amin. 


"Bwisit, bakit ba mahal kita?" Inis na bulong ko bago ko tinakip ang braso sa mga mata ko. Napabuntong-hininga na lang ako at sinubukang matulog. 


Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na si Arkin. Nagpaalam siya kay Papa at sinabing maaga raw ang shoot niya kaya maaga rin siyang umalis. Weekend kaya naman wala akong ginawa kung hindi manatili sa bahay para gumawa ng plates. Naging busy si Arkin dahil maglalabas siya ng kanta at magpo-promote din ng movie nila pagkatapos nilang mag-shoot. 


Habang parami nang parami ang nakikilala ni Kino sa industriya, nagbabago rin ang ugali niya, pero hindi naman masama 'yon. Nagmamature lang siya at mas nagiging professional, lalo na kapag nasa TV. Ibang iba siya kapag nasa interview. 


"Si Kuya Arkin!" Pinakita ni Mira ang tablet. Nanonood siya ng YouTube. Interview iyon ni Kino sa isang magazine at nagsasagot siya ng mga tanong galing sa fans. 


"Single ka ba?" Pagbasa ni Kino sa tanong. Napaupo tuloy ako sa sofa para makinig din sa interview. "Oo naman! Single na single. I don't see myself being in a relationship right now... Too busy." Tumawa pa siya saglit bago kumuha ng isa pang tanong. 


For some reason, nairita ako sa sagot niya pero hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang panonood ko. Kanina lang pala 'to nilabas kaya pala hindi ko alam na may ganito. Napapanood ko naman ang ibang interviews niya. Ngayon lang naging ganito ka-personal ang mga tanong.

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Where stories live. Discover now