Simula

48 8 2
                                    

Simula.

What is your greatest fantasy? Ang mas lalong gumanda, magkaroon ng superpowers, magkaroon ng milyon-milyong pera, o ang mag-exist ang mga asawa mong hindi totoo? As if naman kung ikaw yung pipiliin nila if ever na mag-exist sila.

Pero kung ako ang tatanungin?

Ang pinaka-aasam ko...

...ay ang mamatay.

Charot.

Sinuklay ko ang maikli kong buhok, kakagupit ko lang. Ako na mismo ang gumupit kasi mahal ang pa-salon. May gunting naman kasi sa bahay bakit gagastos pa ako?

"Ate, paglaki ko po magtatarbaho po din po ako, para makatulong po sa inyo po.", napalingon ako sa kapatid kong si Andy. Akala ko tulog na sya.

Mapupungay ang mga mata nya at halatang inaantok pa.

"Opo baby, kaya mag-sleep na ikaw para po lumaki agad ang baby ko, para tutulungan mo nang mag-work si ate, ha?", pang-uto ko sa kanya at tinanguan naman nya.

Hinaplos-haplos ko ang buhok nya para makatulog sya, at ilang minuto lang ay naririnig ko na ang malalalim nyang paghinga.

Agad akong tumayo at isinukbit ang aking bag. Naabutan ko si Tita Tony, ang tita kong binabae. "Tita, ikaw na po muna bahala kay Andy, ha?"

"Ano ka ba naman, syempre naman aalagaan ko ang bebe boy natin. O sya, pumasok ka na at baka bungangaan ka na ng boss mo.."

Tumango ako at humalik sa pisngi nya. Agad akong pumara ng tricycle. Biglang tumunog ang cellphone ko.

Cess:
Huy, bakla. Nasaan ka na? Bigatin daw yung mga guests ngayon kaya hindi magka-ugaga si boss kakahanap ng mga wala pa dito. Alas otso raw yung start.

Tinignan ko ang oras, 7:28 pm pa lang. Agad akong nag-type ng reply.

Me:
Nasa tricycle na, Cess.

"Kuya dun lang po ako sa Japanese Resto na yun.", turo ko sa may resto namin, mga dalawang daang metro mula sa amin.

Tumigil ang tricycle sa harap ng resto kaya bumaba na ako at iniabot ang bayad sa driver. "Salamat, kuya."

Agad akong sinalubong ni Cess. "Hindi ka nag-make up?"

Umiling ako.

Inirapan niya ako at sinabihan na lamang na magpalit na ng uniform.

Pagkalabas ko ay nagsisidatingan na ang mga bisita. Pumunta ako sa counter para kumuha ng menu at lumapit sa isa sa mga VIP tables.

Malayo pa lamang ay nakikita ko na ang mga napaka-mamahal nilang mga alahas, damit at pabango. Nakakapanliit.

"Hello, sir. Here's our menu for today, what would you like to order?", ngumiti ako.

Bahagyang lumingon sa'kin ang lalaki, saglit nanlaki ang mga mata nito at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung naiinitan ba sya o ano kasi namumula ang tenga nya.

"I-I'll take chicken teriyaki, and iced tea for drinks...", saad nito sa mahinang boses.

Tumango ako at isinulat na sa papel ang order nya. Agad akong nagtungo sa counter.

"Chicken teriyaki at iced tea sa second VIP table, kuya."

Biglang bumukas ulit ang pinto ng resto. Mga anim na lalaking naka-business attire ang nakapalibot sa sobrang pamilyar na lalaki. Malapat ang balikat nya, to be specific, malaki ang katawan. Depinang-depina rin ang kanyang panga, matangos ang ilong, makapal ang kilay at pilikmata, at mapupula ang manipis nyang labi. In short, para syang Greek God.

Grabe, nahiya yung mukha kong malapad, may mga blackheads pa. Kasi 'yung mukha niya mas makinis pa sa sahig e.

Pero may naaalala talaga ako sa kanya...

"Hindi ako nanliligaw, Emerald. Pero kung sasagutin mo ako ngayon, liligawan kita araw-araw."

Napahawak ako sa ulo ko.

"What the hell is your problem?!", isang boses mula sa gilid ko ang nagpagising sa akin. Agad ko itong nilingon at nagulat nang makita kong kinagagalitan ng isang babae ang kasamahan ko.

"S-Sorry po ma'am...", sabi ng kasamahan ko pero tinulak lamang sya nito. Agad kong dinaluhan ang kasamahan ko.

Agad akong yumuko sa harap ng babae at humingi ng patawad.

"That stupid girl just spilled wine on me! Do you even know how much this dress cost?!"

Anong silbi ng washing machine nyo, miss?

Nanatili akong walang imik.

"Mas mahal pa ito sa buhay nyong dalawa!"

Magbigti ka na lang, miss.

"Cassidy, stop being a brat.", malalim na pagkakasabi ng lalaking fugi kanina.

Si Romnick Leonel Villafuerte.

Nag-angat ako ng tingin, at halos magtatalon ang puso ko dahil nakatingin din pala sya sakin kaya yumuko ulit ako.

"But Rommy-"

Wow, parang dati lang Bogart pa tawag ko dyan. Charot.

Arte naman ng babaeng to, batuhin ko kaya ng kulangot.

"I'm sorry po talaga ma'am.", sabi ko at umalis na kami.

"Whatever.", sabi ni Cassidy. Feeling close lang, hehe.

Pagkadating namin sa dressing room ay nagpakawala kaming dalawa ng malalim na hininga.

Finally! Kapayapaan!

"Thank you talaga, Emi..."

"Wala 'yon...", naghahabol pa rin ako ng hininga.

**

Alas dos na nang madaling araw ako nakauwi. Agad kong isinalampak ang sarili sa kama, at tumingin sa kisame.

Naalala ko yung imahe ni Leo. Naka-business attire, natupad na nya yung pangarap nya.

Hindi nasayang yung sakripisyo ko...

------------

March 16, 2021
'-'

Head in the CloudsWhere stories live. Discover now