Chapter 2: Salamisim

Start from the beginning
                                    

"But, Grey..."

"Wala akong choice, nag-isip ako ng mabuti bago ko ito ginawa, Kimmy." Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. "Gutom na si Angelina, alam ko. Nagtitiis lang talaga siya."

Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok at huminga ng malalim.

"Bayaran natin 'yanㅡ"

Sunod-sunod ang pag-iling niya. "Hindi natin kaya, Kimmy. Ang mahal ng ganitong klase. Tignan mo, pula na ang patatas nila. Mukhang gusto talaga nila higitan ang Diyos sa mga ginagawa nila."

"Paano 'yan? Paano ka makakaalis dito?"

Nagulat ako nang tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Sumama ka sa akin at ituturo ko sa'yo. 'Wag ka na rin bumili at bibigyan na lang kita rito."

"Hindi na..."

Ngunit hindi siya nakinig sa akin at hinatak lang ako papasok sa makupad na eskinita. May pinasukan kaming pinto at dito bumungad sa amin ang malumot na parte na tila isang tunnel. Kapagkuwan ay isang harang na puro yero ang bumungad sa amin.

"Aakyat tayo r'yan?" takot na tanong ko.

"Hindi r'yan... doon." Lumingon ako sa itinuro niya at doon nakita ko ang isang nakaawang na yero na may lalaking nakabantay.

Naningkit ang aking mga mata nang makilala kung sino ang nagbabantay sa pinto. Magkasabwat pala sila?! Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni JD sa tuwa nang lumapit kami sa kaniya.

"Uy, magpapa-member ka na ba sa amin, Kimmy? Hindi ko alam na magaling ka rin pala mang-dekwatㅡ" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang biglang tinulak ko silang dalawa papasok sa loob at sinara ang pinto. "Easy ka lang... you sopas naman, e. Do'n tayo sa madilimㅡ" Napasigaw siya nang apakan ko ang paa niya. "Ano ba?!"

I gritted my teeth as I clenched my fist. "Ikaw pala ang nagturo kay Grey na magnakaw?!"

"H-hoy, 'di, a! Wala lang talaga kaming choice!"

"Kahit na! Paano kung malaman ito ng ate mo?!"

Natahimik si JD, ngunit maya-maya lang ay pinagkatitigan niya ako.

"Pagod naman na kaming mabuhay. Pero ayaw namin na mamatay ng dilat, Kimmy," aniya na ikinatigil ko. "Buksan mo nga 'yang mga mata mo! Hindi sa lahat ng pagkakataon,-hindi sa ganitong pagkakataon-ay kailangan mong maging mabait."

"May Diyos naman..."

Sunod-sunod siyang umiling. "Kung may Diyos, bakit niya hinayaan na lamangan siya ng mga tao?! Hindi na ako naniniwala sa gano'n." Bumaling ito kay Grey. "Akin na balato."

Iniabot ni Grey sa kaniyang ang mas kalakihang patatas bago umalis si JD. Bumaling sa akin ang inosenteng mukha ni Grey. Iniabot niya saakin ang isang pulang patatas at umalis din.

Habang ako naman ay naiwan na pinagmamasdan ang pulang patatas. Wala na nga ba talagang pag-asa? Hanggang dito na lang ba talaga kami?

Bumalik ako sa bahay dala-dala ang isang pulang patatas. Agad na sumalubong ang mukha ng aking ama na nakangiti habang pinagmamasdan ang isang patatas na dala ko. Alam ko naman na ngayon na lang ulit kami makakakita ng ganito. Tila nahawa ako sa ngiti ni papa dahilan upang mapangiti na rin ako.

Alam kong masama ito. Pero masarap sa pakiramdam na masaya sila.

"Saan galing 'to, nak? Mahal 'to, a?" tanong ni tatay.

Umupo ako sa lapag kasama ni lola na nagsusuklay ng buhok. "Pinulot ko lang 'yan, Tay, sa bangketa."

"Masarap daw ito sabi ni kumpadre. Iluto ko na, a?" aniya. "Anong ipanghahalo natin dito?"

"Panghalo?" aniko. "Dami nating sandok d'yan, Tayㅡaray!" Napabaling ako kay lola na hinatak ang aking buhok. "La, naman, e."

"Tignan mo ito." May ipinakita sa akin si lola na dalawang litrato. Isang babae na nakanguso at mapula ang labi na kulay gray ang makikita sa isang litrato habang sa isa naman ay puro filter na. "Ito ang mama ko," wika ni lola sabay turo sa lunang litrato.

Napangiwi ako. Sobrang pula naman ng labi niyan tapos black and white ang background.

"Mama mo po?"

Tumango siya. "Oo, B612 pa ang camera noon, jeje days." Namangha naman ako sa sinabi niya. "Itong isa naman ay ako." Tinuro niya ang pangalawang litrato. Gaya ng una ay napangiwi na naman ako. "Daming filter, 'no? 'Yan kasi ang uso noon."

Pinagkatitigan ko pa ang ibang mga litrato na nasa maliit na chest. "E, ito po, ano ito?" Tinuro ko ang isang lalaki na nasa litrato.

Napangiti si lola na labas ang gilagid.

"Jowa ko noon... ano bang taon ito? 2029 yata."

Napasinghap ako. "Hindi si lolo ang una mong jowa?"

"Hindi! Pang-apat siya. No choice ako, e."

"Ay, wow," usal ko. Akma niya akong hahampasin nang makaiwas ako.

"Magpapakamatay daw siya kung hindi ko siya sasagutin. Aba, sinagot ko na, baka mamaya ipaako pa sa akin ng mga magulang niya ang libing no'n!"

"No choice ka talaga, La? Ano-ano ba ang mga options?"

Tila nag-isip si lola tapos bahagya pang ngumingiti na gilagid lang naman ang kita. Maya-maya lanh ay mahina pa niya akong hinahampas nang tila may maalala.

"'Yung nauna, e, engineer. Sikat sa school namin tapos matalino! Kaso nabaliw noong iniwan koㅡ"

"Ay, ganda naman."

"Of course! Marami akong followers noon sa tiktok!"

Nalaglag ang panga ko at mas lalong nakinig.

"'Yong isa naman, e, piloto. Kaso bumagsak ang eroplano na sinasakyan kasama ang kabit niya."

"R. I. P"

"Yung isa naman ay doctor sa puso. Kaso pumayag siya sa experiment na test trial kaya lang pumalpak..." Nalungkot ang mga mata ni lola.

"A-ano po ba yung experiment?"

"Pampalaki ng katawan..."

Napasinghap ako. "Lumaki po ba?"

Tumango siya. "Oo, ang kaso..."

Bwisit, pabitin naman.

"Na-depress at nagpakamatay. Lumiit kasi junjun niya. Kaya napunta ako sa lolo mo."

Kinagabihan, napagpasyahan kong lumabas ng bahay upang kunin ang mga sinampay, sinama ko pa ang isang gasera upang makita ko ang labas. Hindi naman kasi abot dito ang keryente. Ang tanging nagbibigay lang ng kaunting liwanag sa amin ay ang ilaw na nagmumula sa itaas.

Tahimik na pinagkatitigan ko ang itaas kung saan maunlad ang lugar. Kailan kaya ako makakatungtong sa lugar na iyon? Kailan kaya ako makakasakay sa gano'ng sasakyan?

Noong mga bata kami ay nakakasakay lang kami sa gano'n kapag may tinatapon na sasakyan at hindi na mapakinabangan, ngunit hindi rin naman nalipad.

"Psst!" Napabaling ako sa ibaba nang may sumitsit sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ate Christi!" May dala itong mangkok sa isang kamay, gasera naman sa kabilang kamay.

"Bumaba ka rito at kunin mo 'tong niluto ko!" Masaya ang kaniyang mukha habang nagsasalita.

Saglit akong tumango at lumunok. Hindi ko naman masabi kay ate Christi na ang niluto niya ay galing sa nakaw. Ayaw ko naman na magalit siya sa kapatid niyang si JD, baka ako pa ang maging dahilan ng away nila.

"Salamat, Ate..."

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Sabihin mo kay Lola Glen ay higupin ang sabay habang mainit pa."

"Sabaw lang, Ate, p'wede sa kaniya. Tingin mo mangunguya niya pa ang patatas?" aniko.

"Nguyain mo na lang para sa kaniya tapos kapag durog na, ipakain mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa pangdidiri na nadama. "Joke lang, siyempre. Durugin mo gamit ang kutsara tsaka mo isaksak sa bunganga."

Mahina akong natawa. "Palabiro ka talaga, Ate. Sige, salamat."

"Uy, hindi ako nagbibiro!"

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now