Chapter 41: Damn Medicine

Começar do início
                                    

Huminga ako nang malalim. Don’t over think JL. Just relax.

“Sigurado ka ba? Umuwi ka na kasi.” Baka naghahawakan pa sila ng kamay ngayon. Jesus! What am I thinking?

“Hindi ako pwedeng umuwi. Ilang araw na nga akong wala. Hindi ko pwedeng iwanan ang mga estudyante ko.”

“Ang taas ng lagnat mo tapos klase mo pa rin ang iniintindi mo?”

Umalis nalang kaya ako dito? Bakit ba kailangan ko silang marinig? I hate eavesdropping, but I can’t help it when I have two damn sharp ears!

Alam niyang may lagnat ang ex niya pero hindi niya alam na nasa clinic din ang girlfriend niya. Nakakainis. Sige lang unahin mo lang siya. Mukhang wala ka naman talagang balak iwanan si Pauline noong una palang. You’re just making her jealous. Pathetic. Hindi naman niya kailangang sabihin na gusto niya ako kung mahal pa talaga niya si Pauline. Fine.

I get it. I know my place.

“Umuwi ka nalang kaya?” Masyado siyang nag-aalala kay Pauline. Rinig na rinig ko sa boses niya ang pag-aalala. Naiinis akong nag-aalala siya sa iba.

Nasasaktan ako. Nasasaktan akong naririnig ko siyang naglalambing sa iba. Sa tingin ko ay mali na isipin kong iba si D. Pareho lang sila ni Jake. Ganyan na ganyan si Jake nang bumalik siya aakin. Sa ibang tao na nakafocus ang atensyon niya.

“Romo, huwag ka ng mag-alala saakin. Baka mamaya umasa pa ako na mahal mo pa ako. Ikaw rin, baka hindi na ako makaalis ulit at baka bawiin kita kay JL.” Kahit pabiro niyang sinabi yon, alam kong may katotohanan pa rin naman ‘yon.

Tumayo na ako. Masakit pa rin ang puson ko pero ayaw ko na ang naririnig ko. It’s making me sick. And worst, lumalabo na ang paningin ko. Pinagpapawisan na yata ang mga mata ko.

Nilapitan ko ang school nurse at umupo sa harap niya.

“Gising ka na pala Ms. Cruz. Maayos na ba ang pakiramdam mo?”

“Pahingi nalang ako ng isa pang gamot just in case hindi mawala... hindi mawala ang sakit.” Hinawakan ko ang dibdib ko dahil feeling ko ay may kumukurot sa puso ko. Shit! Kailan ko ba huling naramdaman ‘to?

“Pero Ms. Cruz, isang beses lang tinitake yung gamot.”

“Uminom na ako kanina pero bakit hindi pa rin mawala yung sakit?” Nanginginig pa ang boses ko nang tanungin ko siya. “Sabi mo kailangan ko lang ipahinga ito? Bakit parang mas nadagdagan?”

Damn him. Damn you, D.

“Ms. JL--- Teka, masyado na bang masakit kaya umiiyak ka?” Crying? I’m freaking crying? “K-kung gusto mo umuwi ka nalang at magpahinga ako nalang magsasabi sa director na umuwi ka na.”

Pinunasan ko ang pisngi ko at tinignan ang mga palad ko. Umiiyak ako?

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora