Chapter 67: Beer and Talk

Start from the beginning
                                    

"Nice one." Nag-apir kami nila Nodaichi at nina Rufus noong na-eliminate namin sa practice game si Skorpion.

"Ang aga ninyo naman para magsaya." Nabigla kami noong napalilibutan na kami nila Vegas at nakatutok na ang baril niya sa amin. His remaining teammates are here to assist him.

"Nice one kay Boy antukin." He smirked and prepare his skills.

THE practice ended at hinubad ko ang nerve gear ko, unluckily, nanalo ang team nila Callie sa practice game

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE practice ended at hinubad ko ang nerve gear ko, unluckily, nanalo ang team nila Callie sa practice game. Sinubukan kong labanan at tapatan siya pero... Callie is Callie. He have a good reputation when it comes to Professional League.

"Nice game." Sir Theo clapped his hand habang nakatingin sa amin. "You guys can rest for a while, um-order ako ng pizza. Nasa sala."

"Ayon!" Nangungunang tumakbo si Oppa at sumunod na sa kaniya ang teammates namin.

Lumapit sa akin si Callie at inilahad ang kaniyang kamay. "Nice Game." he said.

"Kung na-late kayo nang dating ay paniguradong matatalo namin kayo, eh. Kung nagkaroon lang kami ng chance para maghanda." Paliwanag ko sa kaniya at naglakad kaming dalawa papunta sa sala. Kumuha ako ng pizza at umupo sa mahabang couch.

"Actually, we waited for that moment. 'Yong mahuli kayo sa akto off-guard." paliwanag ni Callie sa akin at umupo sa tabi ko. "Pero alam mo, 'yong plano ninyo ay ginagamit na 'yan since season one. Napakagasgas na niyan."

"But still effective, nagawa naming ma-eliminate si Genesis."

"Because Genesis is our bait. Nakaplano talagang mae-eliminate siya sa labang iyon. Napatay ninyo ang isa sa amin, napatay namin kayong apat. Sino ang panalo sa sitwasyong iyon?" He asked at kumagat sa Pizza na kaniyang hawak. "May mga plano na madali nang mabasa. Siguro ay effective siya noong Season 1 and season 2 noong Tournament... Pero sa paparating na Season 4 tournament? I don't think so, para mong nilagay sa landmines ang buong team, one wrong move ay tapos na ang laban. Very risky."

"So, anong puwedeng corrective action ang puwede kong gawin?" Seryoso kong tanong sa kaniya. In order na mag-grow ako as a player, kailangan kong tanggapin na may kulang sa plano ko.

"Just always think outside the box. May isang laban kayo sa Summer Cup na hindi ko malilimutan, eh." Kumunot ang noo ko sa sinasabi ni Callie. "Remember noong laban ninyo sa Optimal Aces? 'Yong tinipon ninyo ang mga players nito sa isang area tapos inatake ninyo ang pillars ng mga mall para mabilis silang ma-eliminate? Ganoong klaseng plano."

"Oh, pero idea iyon ni Axel."

"Ano naman? I am pretty sure na sinanay ka rin naman niya." sabi ni Callie sa akin. "Lagi ka lang mag-isip ng plano. Kailangan ay ahead ka ng tatlong beses sa pangyayari."

"If your first plan failed, dapat may plano ka kung sakaling mag-fail iyon. Ganoon din kung sakaling mag-fail 'yong pangalawang plano mo. Just handle the situation calmly and it will increase our chance to win in a specific match." He explained at kumuha ulit nang panibagong pizza.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now