"Feliyah! Ang ganda, as always." bati ni Mama Rey.

"Mama Rey, mana sayo." ngiti ko.

Nakatingala sa akin si Kuya Cyen, nag-iintay ng susunod kong sasabihin. 

I sat down on Amet's seat na katabi ni Kuya Cy.

"Pinapunta ka ni Mommy?" tanong ko.

"Yeah. How's your stay?" 

Nagkibit-balikat ako. "It's fine. Masaya." 

"Paano ka pumunta?" tanong ko ulit.

"I drove." 

I was going to say something else but Karen's voice overlapped the music playing through the speakers.

Magsisimula na ang program in a few minutes.

Nagpaalam na ako sa kanila at bumalik na sa table namin. When I returned, wala na si Yuan sa pwesto niya.

I somehow felt at ease.

Nang magsimula ang program, tska lang ulit sumulpot si Yuan.

The evening is beautiful. Everyone's in their best beach outfit, the sea breeze is subtle, and you can hear the waves crashing a few feet away.

Nagkaroon ng fire dance at iba't ibang performances. Even the committee did their own number. Dinner was delicious and filling.

"Now the real party's starting." Lester says habang tinatawag ang waiter. 

May mga waiter kasing umiikot na may dalang iba't ibang drinks.

The soft hawaiian music transitioned into EDM. 

Everyone was bobbing their heads to the music.

"Tangina Les, hard agad?" ani Preet nang ilapag ng waiter ang isang bote ng Jose Cuervo at plato ng lemons sa aming mesa.

"Oo naman, may KJ ba?" ngisi ni Lester nang tumayo siya para kuhanin ang bote. 

Siya na mismo ang nag bukas. 

Ayon sa hosts, open ang bar at free flowing ang lahat ng drinks. 

In other words, we can order anything we want and drink 'til we drop.

Nauna na si Lester inumin ang shot.

"Paikot to ah, walang tatayo hanggat di ubos!" aniya habang binubuhos na ang ikalawang shot. 

Ipinasa niya iyon kay Yuan which means ako ang third.

Nakatatlong ikot na kami nang dumating si Hamina, Dos, at Amet.

"Uy tol, makikitable kami ah?" bungad ni Dos.

Kumuha ang tatlo ng upuan at pumwesto sa bandang likod ko. Umurong ang iba kaya medyo nakapasok sila sa circle.

"Grabe, andito pala si Boss!" sigaw ni Andrew at tumayo si Dos para makipag-fist bump.

"Full shot para kay Bossing Dos, iba talaga. Nagpapainom ng buong campus! Woo!" 

"Uy gago hindi, sila Ma—" pumilipit si Dos kaunti nang kurutin ko siya. 

I glared at him a bit.

Hilaw na natawa si Dos kaya kinuha nalang niya ang shot ang ininom.

Kaunti parin ang nakakaalam na parents ko ang may ari ng WMI. Hindi rin naman kasi nababanggit masyado ang surname ko pag training.

Maybe they know but, no one else bothered asking.

Nang matapat kay Pau ang huling shot, sakto naman ang pag dating ng ikalawang bote ng Cuervo. 

The waiter served cocktails too. Umorder kasi sila Rosalie.

"Oh tara, laro. Puro kayo inom!" pag-aaya ni Yuan.

"Anong laro?" tanong ni Apple.

"Never have I ever!" sabat ni Hamina.

"Mauna ka, Hamina." ani Lester nang iabot sa kaniya ang shot glass.

"Alam niyo na to ah? Wag bobo, tiga SU tayo!" 

We all laughed. Kinuha ko ang baso ko at nilagyan naman iyon ni Yuan ng long island.

"Okay. Never have I ever... skipped a class!" 

Nagtawanan muli ang lahat at sabay-sabay kaming uminom. 

"Ang basic naman! Extreme na agad! Never have I ever... did a one night staand!" sigaw ni Lester.

Napatingin pa ako kung sino ang uminom. All the boys did. 

Hamina and Rosalie did as well.

I shrugged at took a gulp from my glass. 

Nang maibaba ko ang baso, nakita ko si Yuan na nakatingin sa akin.

"What?" 

He shook his head. Kinuha ko ang shot glass at lumagok ng tequila.

"Never have I ever... been on dating apps!" sabi ni Avi.

Everyone took a drink.

Nakailang round kami at paubos na ang nasa baso ko. 

"Ang matalo iinom ng tatlong full shot ah!" paghahamon ni Lester.

Napatingin ako sa mga baso nila. Malapit na rin maubos pero ang sa akin, isang lagok nalang.

Sumakto namang si Lester ulit ang magtatanong. 

"Namumuro na si Marren ah?" ngisi niya.

"Fuck, ayusin mo Les! HAHAHA!" sagot ko sa kaniya.

"Never have I ever... been single this month!" 

Umangal ang mga kasama namin at tawang tawa naman si Lester. Ang karamihan sa kanila, uminom mula sa baso. 

I myself drank from my glass. Talo ako sa laro.

"Hoy gago Yuan, bat ka uminom? Single ka? Single ka?" paghahamon ni Andrew.

"Matagal na kong single, bobo." sagot ni Yuan sa kaniya.

Napatingin ako kay Yuan.

Single talaga siya?

"What? Dude I thought you're dating that Karen chick." usisa ni Rosalie.

Yuan shook his head.

"We never dated, Rose." 

"Gosh, so chika lang pala ni Karen yun? She's been broadcasting na kayo." gulat na gulat na ungkat naman ni Apple.

Hindi umimik si Yuan. He only shrugged at her.

"Tangina, she's going nuts." bulong naman ni Avi.

Some of them laughed. 

"Okay so, single si Delyo. Sino may gusto ng key card ko? Alam niyo na girls." ngisi ni Lester. He then tapped Yuan's back. 

Kinuha ko ang nakapilang shot glass na puno ng tequila. 

I drank it bottoms up.

"Putangina, hinay hinay Marren! HAHAHA!" Hamina exclaimed.

Naubo ako ng kaunti at kinuha ang pangalawang shot glass.

I downed it fast.

The entire table was already cheering me on.

Kinuha ko ang ikatlong shot glass. Natigilan ako bago ko inumin ito dahil nahuli ko si Yuan na nakatingin sa akin.

Hindi ko na siya pinansin pa at nilagok ang huling shot.

Kinuha ko ang lemon na binigay ni Dos at kinagat iyon. Sinundan ko ng kaunting asin.

Sumandal ako sa upuan ko at nakaramdam ng hilo. 

I chuckled as they cheered me.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Where stories live. Discover now