Inakbayan ko si Preet at lalong nagkalapit ang mukha ng lahat.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang pag hapit ng braso ni Yuan sa aking bewang.

Once the photo op was over, ipinasa kami ni Lexi kay Davon.

Gaya ni Jake, suot din ni Davon iyong bohemian top. Nababagay sa theme ng party. Mukhang pare-pareho ang outfit ng buong committee.

Habang naglalakad kami papunta sa designated table, nararamdaman ko parin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"You okay?" 

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang kamay ni Yuan sa lower back ko kasabay ng kaniyang pag bulong.

"O-oo. Ayos lang."

Dahil kaming pito ang magkakasabay papunta sa party, inilagay kami sa iisang table.

Napagitnaan ako ni Avi at Yuan.

The student committee outdone themselves. Sila kasi ang naatasan mag-plano ng activities at organize nito. 

Hawaiian ang theme ng party. There were lanterns and yellow bulb lights spread above us at mga white candles sa loob ng mason jars sa bawat table.

Everything was either white, brown, or green.

Sa gitna ng venue ay may nakaset up na dancefloor.

"Hi guys! Dito raw kami ha?" ani Pau.

By ten ang seats per table. Nakumpleto ang table namin nang maupo si Pau, Ana, at Andrew.

"Ang ganda ng makeup mo teh, may dumayong fairy godmother?" pang-aasar ni Pau sa kaniyang best friend.

Avi laughed as she shook her head.

"Wala ah, si Hamina yun 'tska Marren. Sila nag-ayos sakin." 

"Sana all!!! Si Marren, hindi nag-aayaaaa!" sabat ni Preet.

Maliit akong ngumiti.

I'm sitting sideways kaya nakaharap ako kay Avi. Sinadya kong talikuran si Yuan.

Napabaling ako sa kaniya nang nakaramdam ako ng paghawak sa akin.

It was Yuan playing with the tips of my hair.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang ganda mo." 

Parang sumabog ang hawla ng mga paru-paro sa tiyan ko. 

Hindi ko alam paano magrereact. Ginawaran ko nalang siya ng maliit na ngiti at nakisali sa usapan nila Preet.

Habang hinihintay magsimula ang program, naging abala kami sa kwentuhan. 

Nawawala ako sa focus dahil hindi tinitigilan ni Yuan ang buhok ko kahit na abala siya sa topic nila ni Lester.

Napatayo ako nang makita si Kuya Cyen at Amethyst na naupo sa kanilang table. Naroon din si Dos, Hamina, at ang mga chaperone.

I walked towards them.

"Uy Rren, saan ka?" tanong ni Amet nang magkasalubong kami. Umalis din kasi siya agad sa pwesto niya.

"Doon ako malapit sa dancefloor. Kakausapin ko lang si Kuya." 

Amet gave me one of her sweet smiles. She gestured to her camera kaya tumabi ako at hinayaan na siya. 

"Kuya." sabi ko nang makalapit ako sa table nila. 

Kumaway ako dahil napatingin si Dos, Hamina, at ang iba pa.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon