Nakahanap ng bagong manika si Hamina.

I sat down by the bedside table and picked up my phone. I opened Bumble to pass the time. 

Sinigurado kong within the area ang parameter ng potential matches ko. You know, para maiba naman. Karamihan sa mga available ay narito lang din sa resort. Ang iba, within Batangas na.

Just for fun, namili ako ng iilan para iswipe right.

I was about to close my phone nang biglang nag notif yung Bumble.

Yves: Hey.

I wasn't surprised that he immediately replied to my message.

Yves: How are you? Are you free tonight?

Wow, meet up agad?

Me: Sorry, I'm not available tonight.

Yves: Oh, that sucks. It's okay, maybe some other time?

Me: Yeah, maybe. I guess?

Yves: Alright, I love you. Na love at first sight ata ako sayo. Mahal na kita agad.

What? I can't see myself right now but I know that I'm making a disgusted face so I ended up laughing.

Grabe, ang speed niya! I know that kind of move already.

I ignored it and closed my phone.

"Hoy, bakit ka tumatawa?" Hami asked.

Tapos na siya sa makeup ni Avi kaya ang buhok naman ang inaayusan.

"Wala, may nakita lang akong meme."

"Weh, narinig ko yung Bumble tanga. Wag ako." ismid niya.

I rolled my eyes.

"Ikaw ba, Avi? May boyfriend ka?" 

"Hamina!" asik ko. 

Avi chuckled.

"Wala akong boyfriend." paglinaw niya.

"Eh, ex?" usisa pa ni Hami.

"Meron."

Bago pa makapangulit si Hamina, tumunog ang phone niya kaya agad niya ibinaba ang curling iron at sinagot ang tawag.

"Ano na naman?" 

I sighed. Halos makita mo na ang usok na lumalabas sa dalawang tenga niya. Pikon na pikon nanaman si Hamina.

"Teka, sandali. Pag ako nakakita niyan ihahampas ko sayo yan."

When she ended the call, tumikhim si Avi.

"Rren, ikaw na tumapos ah? Babalik muna ako sa kwarto. Epal ni Dos, hindi raw niya makita hinahanap niya."

"Okay, wag kayo masyado mag bangayan. Mahiya kayo sa nasa ibang rooms." I teased.

She just rolled her eyes at lumabas na dala ang cellphone niya.

Lumapit ako sa vanity at kinuha ang curling iron.

I took a section of Avi's hair and started curling it.

Nakapag-palit na si Avi ng susuotin niya kaya nagpalit na rin ako.

"Feli— Marren." tawag ni Avi.

Sinilip ko siya sa vanity mirror. She gave me a small smile.

"Sorry pala."

"For what?" I asked, a bit confused.

"Yung nangyari sa practice, yung pinagusapan ka namin. Hindi ka naman pala kasing sama tulad ng sinasabi nila Karen." she explained.

"Hayaan mo na 'yon." I smiled.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Where stories live. Discover now