Paghihinagpis

10 1 0
                                        


Ako si Jossana ang isang dalagang may masamang buhay na gusto kong iabon sa lupa at hindi na huhukayin pa magpakailanman, Nakaranas ng iba't ibang gulpi hindi lamang sa aking pamilya pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin.

Ano nga ba ang silbi ng mga pulis kung mayayaman lamang ang pinagtatanggol, ano ang silbi ng mga abogado kung pera ay kaya silang bilhin, ano nga ba ang silbi ng mga tao kung unti unti na lamang nalilimutan ang pagiging makatao at pagmamahal sa kapwa. Sawa na kong mabuhay ng ganito pag-uwi at paglabas ko ng buhay hindi nawawala ang mga pasa at bugbog, minsan naisip ko bakit pako ipinanganak kung unti unti din naman akong pinapatay na hindi nararansan kung paano maging masaya. Binuhay bako para unti unti ring patayin ng mga tao?, bakit nga ba ako?

Pauli ulit lamang nasa aking isipan ang mga katagang bakit nga ba ako? Hanggang sa makarating ako sa aming skwelahan, gayunpaman kahit na anong pag-aagrabyado ang aking nararanasan sa aming tahanan maski na rin sa aming skwelahan ay masaya pa rin ako na patuloy na mag-aral kahit na ano anong kahayupan ang aking nararanasan ay hindi ko nalamang ito pinapansin. Kagaya ngayon, alam ko na pagbukas ng aming pintuan sa aming silid aralan ay may mahulog na kung anong bagay, gayunpaman akin pa rin itong binuksan sapagkat wala rin naman akong magagawa kundi ang gawin ang kanilang gusto upang sila'y mabigyan ng satisfaction.

Pagkatapos ko itong buksan may nahulog na eraser sa ibabaw ng pintuan, kahit na alam ko na kung ano ang mangyayari pinabayaan ko na lamang na akoy tamaan at tulad ng inaasahan lahat sila ay tuwang tuwa. Pero ano pa nga ba ang aking magagawa kundi ang yumuko at umupo sa aking upuan.

Ngunit may nakita akong papel sa ibabaw ng aking lamesa, kinuha at binasa ko ito. Agad akong kinabahan sa nakasaad sa sulat.

TAPOS NG KLASE SA LIKOD NG ABANDONADONG GUSALI, PUMUNTA KA MAY SOPRESA KAMING NAKAHANDA PARA SAYO MAHAL NA PRINSESA.

---

--

--

Matapos ang klase agad akong tumayo sa aking silya at nagbalak sanang tumakas sa mapait na plano ng aking mga kaklase ngunit agad akong hinawakan ng limang babaeng estudyante at hinila papunta sa nakatakdang lugar.

Paglabas sa silid aralan lahat ng tao sa amin nakatingin, patikular na sa akin miski ang guro na si Mr. Tibies ay ngumisi lamang, gusto kong sumigw ngunit parang may bumukod saking lalamunan at walang lumalabas na boses. Pinipilit kong kunin at bawiin ang aking mga kamay pero kahit anong pagpumiglas ang aking ginawa tila bumabaon lamang ang kanilang mga kuko sabay tingin sakin na parang nagbabala at ngumisi.

Pagdating namin sa likod ng gusali may limang tao ang naghihintay, dalawang lalaki at tatlong babae.

Tila alam ko na ang kanilang binabalak, umiiyak at nagmamakaawa ako sa kanila, ngunit para lamang silang demonyong gusto manira ng buhay ng iba dahil gusto nila. Bakit nga ba ako pa, sa dinami dami ng mga tao sa mundo bakit ako ang piniling gulpihin ng ganito.

--

--

Nakahiga lamang ako sa putik habang inaayos ng isang lalaki ang kanyang sinturon habang ang isa ay tinignan lamang ako sabay hila sa kasama. Ni hindi man nila inayos ang aking suot, isang maligabong sampal ang aabutin ko mamaya sa bahay pag nakita ni mama ang nag-iisa kong uniporme na sobrang dumi. Inayos ko na lamang ang aking sarili habang pinapagpag ang aking saya, napatigil ako ng mapansin kong may dugo dito. Unti unting tumulo ang aking mga luha at doon na gumuho ang aking pag-asa doon ko napagatanto na nagahasa ako at walang ni isang tao ang tumulong.

---

--

-

Hindi kona alam ang aking gagawin, gusto ko ng tumigil, gusto ko na lamang magtapos ang lahat.

Naglalakad ako sa ilalim ng ulan lahat ng dumi sa aking katawan ay hinayaan kung mahulog sa daan

Bakit ako, anong nagawa ko, may ginawa bakong masama sa aking nakaraang buhay para bigyan ng ganitong karma? Gusto ko na lamang tumigil ang lahat, ang ingay, ang pag-asa, ang pagmamahal, ang aking buhay. Ayaw ko na.

Alam ko ang aking ginagawa, at alam ko rin na patuloy lamang ako sa aking paglalakad kahit na ako ay nasa gitna na ng daan, wala ng pakialam kung ako'y masagasaan.

Gusto ko ng tumigil ang lahat.

Tumingin ako sa itaas, ang aking mukha ay binasa ng tubig ulan, hindi ko binukha ang aking mga mata at sadyang hinayaan lamang itong nakasara habang dinadamdam ang ulan at naghihintay sa aking katapusan.

Katahimikan ang bumalot sa kapaligiran, kahit ang mga sigaw ng mga tao ay hindi ko pinaringgan. Kahit ngayon lamang gusto ko sanang humingi ng oras para lamang sa aking sarili, ano nga ba ang aking gusto ang mamatay ng ganito o ang ipagpatuloy ang buhay na meron ako?

Ginawa ko itong kwento upang malaman niyo ang paghihirap at paghihinagpis na aking naranasan, kung kaya't maaaring tapusin ko na din ang kwentong aking ibabahagi sa inyo. Ako si Jossana Marie ang buhay na meron ako ay ang buhay na kahit kailan hindi niyo gugustuhing maranasan, ang buhay na walang ibang sulosyon kundi ang tigilan.

Pero yun nga ba ang dahilan kung bakit andito ako ngayon? isinasalaysaly sainyo ang aking katapusan? O gusto ko lamang na may isang tao na malaman at ako'y tulungan ngunit sa ganitong pangyayari nga wala ni isang tao ang nagbigay palad at nagsasabing magiging maayos din ang lahat.

dahil sa gayung pag-iisip unti unting bumabalik ang aking galit, poot at hinagpis, unti unting nagkakaroon ng damdamin ang aking mga mata, walang ni sinong tao ang gustong pakinggan ang aking storya kung kaya't wala akong ibang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay na puno ng hinagpis upang malaman niyo kung gano kawalang hiya ang mundo.

Tumingin ako sa ten wheeler truck na paparating, hindi ito pwedeng bast basta na lamang tumigil dahil marami ang mapapahamak, tumingin ako sa paligid wala ni sino man ang gustong lumapit kaya wala akong ibang gawin kundi palakasin at pakalmahin ang aking sarili.

Unti unti kong ginalaw ang aking kamay at paa hanggang sa nasa aking isipan na lamang ay tumakbo at lisanin ang mapait na karanasan habang ang truck ay palapit na palapit sa akin kaya yun ang aking ginawa, kahit na maliit lamang na tysana na ako'y maliligtas ginawa ko pa rin ang nararapat. Tumakbo ako sa kaliwang bahagi ng daan kung saan ligtas.

.....

.....

....

...

...

Maingay

Naririnig ko ang mga sigawan, babae, lalaki, bakla, tomboy sino sinong tao ang lumapit sakin, hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Ang aking atensyon ay nakatoon lamang sa langit.

Damdam ko ang pagtibok nga king puso, hindi ito mahina pero hindi rin malakas. Siguro nga kailangan ko din ng pahinga, isinara ko ang aking mga mata.

Nanalo bako? Ito ba ang iyong gusto tadhana?

Kung walang ibang tao akong maasahan, may sarili akong makakapitan. Kung tatalikuran ako ng lahat hinding hindi ko tatalikuran ang aking sarili. Tandaan mo yan. Tandaan niyo yan.

Yun ang kwento na gusto kong iparating sainyo, yun ang dahilan kung bakit ko sinimulan ang storyang ito. Upang malaman ninyo na ang pagpapakamatay ay isa lamang simbolo na ikaw ay mahina, na hinahayaan mong talikuran ka ng mundo, aagribayaduhin at isinawalang bahala. Magiging malungkot at magsisi ang mga taong nanakit saiyo pero hanggang kalian?, limang taon?, sampung taon pano pa ang mga taong lilipas pa. Ang ating damdamin ay mag-iiba sa bawat pag-iiba ng taon at hindi sapat iyon upang maipamukha mo sa kanila ang kanilang ginawa.

Gawin ang gusto kong gawin at ipagpatuloy ang pangarap na aking hinahangad.

Kailangan kong mabuhay.

Ako si Jossana Marie, ito ang kwento ng buhay ko. Hindi ako magpapaalam dahil hindi magwawakas ang storya ko, gusto ko lang malaman niyo na lahat tayo ay nakatakdang mamatay unti unti din tayong lalagas na parang dahon pero ang importante nagpatuloy tayong gawin ang gusto nating gawin. Patuloy tayong lumaban kahit hindi na kailangan, kahit ayaw satin ng mundo, kahit ayaw satin ng tao. Gusto kong mabuhay at yun ang gagawin ko.

Diyan lamang ang maibabahagi ko sainyo, sana'y mayroon kayong natutunan sa storyang sinasalaysay ko. Hanggang sa muli.

APITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon