CHAPTER2 HERO

146 11 2
                                        

KYRHA P.O.V

~~TWO WEEKS LATER ~~

nakalabas na si papa sa ospital one week ago , nandito lang siya sa bahay  nagpapahinga at ngayong araw ang alis ko papuntang manila . Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko mapapalayo ako sa magulang ko at haharap sa panibagong pagsubok .

"Anak mag-iingat ka doon at saka kung may problema tumawag kalang sa amin at huwag mong kalimotan mag dasal , at huwag basta basta magtitiwala .lalo ng maraming magna doon yung importanteng  gamit mo ingatan mo .at huwag kang ---"

"At huwag akong magpapahalata na bagohan ako roon ."- ako na ang nag dugtong . Natawa naman si mama at napayakap sa akin .

Ilang beses niya na kasing pinapaalala sa akin ang mga bagay na yan , parang alarm clock  lang ang peg ni mudra at laging nag rerewind hehe.

Kumalas na ako ng pagyakap at niyakap ko naman ang mga kapatid ko .

"Aalis na si ate , magpakabait kayo rito at tulongan niyo si mama sa gawaing bahay ."- paalala ko sa kanila .

"Opo ate ."-  sagot naman ng sumunod sa akin na babae si Kyla 14 year old.

"Aasahan ko yan ."- nakangiting kong sagot .

" ikaw naman karen ,  tulongan mo si ate mo ."-  baling ko sa pangatlo namin si karen a 12 years old.

"Copy po ate ."-  sabay yakap niya sa akin .

" ako atey wala akong akap ?"- tanong ng bunso naming lalaki Kalyx  5 years old. At saka nag pout ito .

Kumalas naman si karen at nilapitan ko ang bunso namin at saka yinakap ko siya ng mahigpit .

"Siympre may yakap ang baby bunsoy namin , huwag kang pasaway ha ? Goodboy kalagi para pag uwi ni ate maraming pasalubong sayo ."- bulong ko.

Mahinang natawa naman siya ."Opo at basta yung toys ko huwag kalimotan."- Nabubulol niyang sabi napatawa naman ako .

Hiniwalay ko siya at hinawakan sa dalawang braso ."Oo basta yung promise okay ?"- Seryoso kong sabi habang tinititigan ko siya .

Tumango naman siya , pagkatapos nagpaalam na ako sa mga magulang ko hindi na ako nag pahatid , total kaya ko naman at ayaw ko silang makita habang ako papaalis baka mag-wala pa ako ng di oras ^___^ Iyakin pa naman ako .

~~ Bus station silver star ~~

Pagkadating ko sa bus station , umupo na ako sa bandang gitna  . Kung nagtatanong kayo kung saan ako makikitira ? Well dahil first time ever ko sa manila , Wala po akong tutuloyan doon . Pagkadating ko doon ay agad akong maghahanap ng trabaho .Oo wala ng pahinga di uso yun sa akin .As soon as possible dapat makahanap na ako para may matulogan ako , pag hindi pinalad maluwag ang kalsada . Doon nalang muna ako "__" huhuhu .. kawawa ako pag nagkataon , sana huwag naman .

Mahirap maging mahirap sa taong mahirap Hahaha .. pero kahit papaano thankful ako at nadiyan ang pamilya ko .sila ang lakas ko at inspirasyon sa bawat pangarap ko .

"Miss. , miss., "-  nagising ako sa boses ng lalaking megaphone ang boses .

Tssk! Nakatulog na pala ako .

"Nandito kana sa cubao , kanina pa kita ginigising mukhang nag daydream kapa ."- Aniya at napakamot sa batok .

Agad naman akong tumayo at kinuha ko ang dahal kong bag  , baba nasana ako kaso may itatanong pala ako sa conductor .

MY_PROBINSYANA_GIRL(ONGOING)Where stories live. Discover now