"Ma!"

Napaayos ako ng aking sarili ng makita ko si mama na nakangiti.

"Anong ginagawa niyo dalawa at hanggang sa baba ay rinig ko kayo?"

Ngumuso si hazel sa ako tinuro."Si ate kasi! she's kiliti me here" Sumbong ng bata.

"Ginising mo ako e." 

"Because you need to wake up ate! it's afternoon na kaya" nakahalukipkip niyang sabi sa'kin na para bang pinapagalitan niya ako. 

Pinisil ko ang pisngi niya tsaka tumawa. 

"Oo na babangon na nga ako, ito na oh." Natatawa kong ani. Pasimple akong inirapan ni hazel at hinawi ang buhok niya. 

Sumimangot ako sakanya. "Kanino mo natutunan 'yan?" 

"Kay ate denn, I saw her yesterday with that handsome guy. She always rolled her eyes on him then she ganito her hair." Sabay hawi niya sa kanyang magandang buhok.

Rinig ko ang pagtawa ni mama sa bata, habang ako ay nakasimangot.

"Wag mong gayahin 'yon ah?" Pangangaral ko sakanya. Natatakot lang ako na baka gayahin niya sa iba 'yon.

Bumuntong hininga ako bago kinurot ulit ang pisngi niya. "Sige na, bumaba ka muna roon kay Leo baka magtampo 'yon sige ka."

"Sige po ate and tita." She kissed our cheeks bago siya umalis sa kwarto namin. 

Niyakap ko si mama ng walang dahilan, ewan ko bigla nalang gumalaw ang kamay ko at pumulupot sa leeg niya. 

"Okay ka lang?" Masuyong ani ni mama. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Sumiksik lalo ako sa leeg niya. 

Umagos ang luha ko ng maalala kagabi, tila hindi pa naubos ang aking luha dahil sa dami. Alam kong naramdaman ni mama na umiiyak ako dahil nabasa ang t-shirt niya ng mga luha ko. She hugged me tighter and kiss my head for many time. Gawain niya 'yan kapag may umiyak sa amin.

"Anong problema, celine?"

Imbis na sagutin siya ay mas hinigpitan ko ang  yakap ko sakanya. Tulala ako't hindi ko naramdaman na umiiyak na talaga ako ng malakas sa balikat niya, she pat my head like a baby who's been crying all night because she's missing her mom. When she kissed my head again, I felt safe in my mothers arms. 

Ilang minuto nang maramdaman ko sa katawan ko ang kahihiyaan, thinking that I cried on my mothers arms without no reason. Maybe because I missed her, isang araw ko yata siyang hindi nakita. Nalaman ko lang na nag ta-trabaho pala siya sa isang restaurant bilang janitor. I know my mom is very tired, but she's brave. 

"Anak kung ano man ang problema mo, puwede mo sa akin sabihin." Sabi niya sa mahinhin na boses. 

Tinitigan ko si mama, she has a beautiful face, we have the same straight hair but wavy in the end, we have same eyes, hindi ko lang alam kung bakit hindi ko naman sakanya ang pagiging mahinhin. Mahinhin ang boses ni mama at lalo ang galawan niya na parang kapag may hawak siya ay napakarahan ang paglapag niya para hindi mabasag o ano man. 

Hindi ko ipagkakaila sa ganito niyang kaedaran ay madami parin ang nanliligaw sakanya at gusto siya mapangasawa, ngunit lahat ay inaayawan niya dahil ang rason niya ay sapat na kaming tatlo lang at masaya kami. 

Narinig ko ang pag buntong hininga niya kaya lumayo ako ng kaonti para titigan siya. She looked at me and smiled sweetly. 

"Alam kong hindi kayo mag kaayos ng ate Denn mo, celine..." She paused. "Pero kung ano man yang alitan niyo ay sana mag bati kayo dalawa, ayaw kong nakikita ang dalawang prinsesa ko ay nag-aaway sa hindi ko alam ang dahilan."

When We Met  [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz