IME 1

13 0 0
                                    

Zzzz......

"Psst. Topher..."

Zzzz......

"Psst! Topher."

Zzzz.....

"Psst! Topher!!" 

Ughh sino ba yun?? Ang gulo naman kitang natutulog yung tao eh. Ayoko pa namang dinidisturbo pag natutulog. Bala ka diyan tutulug an pa kita more.

"Aba ayaw mong gumising ha....."

.

.

.

.

Uy nawala yung magulo. Buti naman. Yes! More sleep for me!!!

*water flowing* Huh??? Bakit parang may nag-bukas ng gripo? May naghuhugas ba ng plato?? Pero wait nandito ako sa kwarto ko...

"Oh Tooooopheeeer.... ayaw mo talaga gumising ha. Pwes....." 

*SPLASH!!!*

"ANAK KA NG NANAY MONG ANAK NG LOLA MO!!!!!!" Walangya basang-basa ako!!! Isang balde ata binuhos sakin neto eh!! Brrrrr

"BAKIT MO GINAWA YUN HA?!! JUSMIYO ANG LAMIG!!!" Tanong ko habang nakabalot ng kumot at yakap yakap ang sarili ko. Huhu sobrang lamig tinalo pa North Pole.

"Ayaw mo kasi gumising eh!! Malelate ka na kaya sa klase mo!!! Hay buti na lang talaga nandito ako." Sabi niya with matching hair flip and irap na akala mo naman cool pero trying hard lang talaga. Hay. 

"TOPHER! Anak! Anong nangyayari diyan? Sinong sinisigawan mo ha?" Patay..

"Ah wala po Ma!!! Nananaginip lang po!!" Wew muntikan na yun 

"Oops! Sorry nakalimutan ko hehe. Di na mauulit." At may pangiti-ngiti pa siya na akala mo ang inosente eh tsk. Well inosente naman talaga pero hayyy ang gulo.

"Haaay. Eto na maliligo na. Tsk gulo mo eh." Tumayo na ako at tinanggal ang mga punda para mapatuyo. Hassle tuloy tsk. 

"Hihintayin na lang kita sa baba. Bilisan mo ha! Bagal mo pa namang maligo! Talo ka pa ni Tintin." Sabi niya habang inaayos bag ko. Aba ayos 'to ah. Anong nangyari dito at bumait hmm....

"Anong kailangan mo ha?" Napatigil siya sa ginagawa niya. Sabi na nga ba eh. Tsk tsk. Dahan-dahan siyang humarap sakin habang nakangiti at pa-baby eyes pa. Cute.

"Ahehe ano kasi.... uhm.... ano...." Nauutal pa amp. Siguro may kasalanan 'to tsk. May ginulo na naman siguro 'to nung tulog ako.

"Kasi ano? May ginulo ka na naman??" Pailing-iling kong tanong. Nanlaki mata niya at parang gulat na gulat sa sinabi ko. Nako sige push mo yang acting mo.

"Huy hindi ah!!! Good girl ako kagabi pramis! Eto kasi yun. Kahapon nung pauwi tayo, may nadaanan tayong school dun sa alternate route. Di ko alam bakit pero malakas yung vibe ko sa school na yun! Baka dun ko masagot lahat ng katanungan sa isip ko. So.... I was thinking kung..... pwede ka bang lumipat dun? Tutal kaka-start pa lang naman ng pasukan? Hehehe..." Okay now it's my turn para manlaki ang mata. Seryoso ba siya?? Anong tingin niya sakin? Highschool student?! Sa tingin ba niya ganun kadaling lumipat ng school pag college na?!?!

"Nababaliw ka na ba?! Di kaya ganun kadaling lumipat ng school! At hello pano kung di nila ino-offer yung course na tine-take ko? Edi back to zero ako nun tsk." Mababaliw na ata ako dito tsk. 

"Huy hindi ah!! Nag-research na ako kagabi and ino-offer nila yung course mo dun. Ang ganda pa ng reviews hehe. Chineck ko na rin ilang units maccredit sa two years mo hehe." Taas noo niyang sabi at todo ngiti pa. Natameme na lang ako. Pinaghandaan niya talaga 'to ah.

"Eh sila mama ba? Sa tingin mo papayag sila diyan?" Knowing Mama and Papa, baka di pumayag yun. Sino naman kasi ang bigla-bigla na lang magbabago ang isip at gustong lumipat ng school? Not me. 

"Hehe nag-iwan ako ng brochure ng school na yun sa bedside table nila. Feel ko magegets naman na nila yun." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Okay talagang determinado siya. Haaay no choice. Magkakaalaman rin pagbaba ko.

"Tsk bahala na. Ge na maliligo na ako. Pag ako napagalitan lagot ka talaga sakin tsk." At tuluyan na akong pumasok sa banyo para maligo.

A/N: Comment plsssssss huhu masyado bang mahaba? Puputulin ko ba? Feedback huhu

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In My Eyes (temp)Where stories live. Discover now