(First Chapter Part 2/3)

38 3 0
                                    

---Sa bahay, sa harap ng computer---

Okay... Naisipan kong gumawa ng bagong love story. This time ang love story ko. :) Ang love story ko, parang ang kwento ko kanina kay Lola Nana, ang kwento ni Ally at Ian. Pero hindi naman sya eksaktong ganun...

Naisipan kong mala-diary entry ang gagawin kong story kaya naman...

-----------------------typing-----------------------

Diary Entries of a One Sided Lover

-by (insert username here)

Diary Entry #1 (Unrequited Encounters)

Unang araw ng eskwela ngayon, mag-isa akong naglakad papuntang school... Nakita ko na may mga bagong mukha sa school, mga freshmen siguro. Haay... nararamdaman ko tuloy na gurang na ako. Senior year ko na ito, kaya naman kailangan galingan ko na.

Dumeretso ako sa bulletein board para tingnan kung anong section ako.

78)Allyanna Abadilla                      Sec 4-B

Biglang may kumapit sa balikat ko, sinda Kally, Tina at Jhia lang pala, ang tatlong close friends ko. Sabay na kami pumunta ng classroom namin. Nagstoryahan kami tungkol sa bakasyon namin habang naglalakad papuntang classroom. 

Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto sa classroom.... nakita ko sya, si Ian, ang unrequited love ko. Nakita ko syang nakaupo sa may tabi ng aircon habang naglalaro ng PSP. Napatigil ako. Tinanong ako ng mga kaibigan ko kung bat ako napatigil, nung tiningnan nila yung tinitingnan kong tao. Binola ako. Sinabi ko sa kanila na umupo kami sa malayo kay Ian. Haha... mukhang tinamaan ata ako sa kanya. Ngayon ko lang ulit sya naging kaklase simula elementary...

Unang araw ng pasukan kaya walang klase. Nagsimulang magpakilala bawat isa sa amin. Unang nagpakilala ang sa pagkakaalam kong best friend ni Ian, si Brad. Joker sya, corny at palatawa. Bagot akong nagintay sa introduction ni Ian. Parang lahat ng problema sa mundo nawala nung nagsimula syang magsalita.

Nagpa-group activity yung teacher. Hinati kami sa pitong grupo. Buti at nakagrupo ko si Tina, maliban kasi sa kanya hindi ko na kilala ang iba ko pang kagrupo. At nakagrupo ko rin sya, si Ian. Kaya naman buong activity hindi ako makagalaw. Haay... nainggit na medyo nagalit nga ako kay Tina eh... nagpakilala kasi sya kay Ian. Masaya namang pinakilala ni Ian ang sarili nya.

Naglaro rin kami ng isang laro na pinauso ni Tintin...

Buong umaga tahimik lang ako dahil kagroup ko sya. Hindi ako nagpakilala dahil nahihiya ako. Mukhang hinding hindi na ako makakapagpakilala pa.

---------------------typing pauses----------------------

"IKA!?! Nagcocomputer ka nanaman ba?!" sigaw ni Papa sa baba, lagot ako. dali dali kong tinapos yung story ko, bahala na kung anong ilalagay ko basta kailangan ko ng tapusin to bago mahuli ako ni papa!

----------------------typing continues-------------------

Dumating na ang hapon, nakilala ko ang best friend ni Ian na si Brad. At inis ako dito dahil sa ugali nya. Pero bago natapos ang araw nakilala ko rin si Ian.

..diary entry ends here.

---------------------typing stops-------------------------------

At mabilisan kong pinindot ang PUBLISH. Ang ang bagal ng net! Nang naging okay na, pinatay ko bigla ang modem at tumalon pahiga sa kama. Sakto lang nang buksan ni Papa ang pinto para tingnan ako... Phew.... -.-

Watch OutWo Geschichten leben. Entdecke jetzt