CHAPTER IV FEELINGS

Start from the beginning
                                    

"ohhhh.!!kakarating mo lang?"

"kind of.."

maiksi kong sagot kay Emil na halatang may gusto na namang palabasin.

"sabi ko na nga may boyfriend ka na eh..!"

dagdag pa niya sabay second voice non sa iba pa niyang kasama.

"Sino?"

I turned to Zach at inikutan siya ng mata. Bakit ba kasi big deal sa kanila kung meron man akong boyfriend? Anu naman kung meron nga? Sana nga meron talaga.

"Aminin mo na kasi.."

Hindi ko na pinansin at dali dali na akong pumasok sa loob.

Tumingin lang si Tatay Bert sa akin at di na nagsalita. Agad kong inayos na ang mga tasa at ang ibang mesang di pa naliligpit.

Balisa. Wala sa sarili. Ganun ako sa pagkakataong yon. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko at kung ano ba ang dapat na igalaw ko. Di ko magawang tumingin sa direksyon nila at sana lang pwede ko nalang silang iwasan.

"Bakit wala tong creamer?"

ani ni Zach.

"yong sa akin bakit parang may asukal?"

dagdag pa ni Emil at lahat sila nagsalita na. Kulang. Sobra. Mali. Agad na binalik ko lahat sa tray without minding the eyes of Johann na alam kung kanina pang nakatitig sa akin.

Binalik ko ulit iyon sa Counter at agad na pinalitan.

Kaya ko to. Kaya ko to. Hinga malalim. Hinga malalim.

"Kung gusto mo ng break sabihin mo lang.."

maiksi lang ang salita ni Tatay pero sapat na yon para malaman kong naiintindihan niya lahat.

Pagkatapos kong palitan ang kanilang mga kape, minabuti kong pumunta nalang sa kusina at doon maghintay. Siguro nga masyado kong iniisip ang mga nangyayari. Siguro nga masyado kong sineseryoso kahit pwede ko namang balewalain. Siguro dahil bago sa akin kaya di ko kayang kontrolin.

"Sino ba kasi yon?Bakit parang ganyan na lang ang epekto sayo?,"

Matutuwa na ako o magwawala? Nagtago ka hahanapin ka pa.

"Bakit ba interesado kayong lahat? "

"Kasi we care?"

We care?

"Wala akong boyfriend at pwede tama na..nakakainis na kasi."

Hindi ako nakaharap sa kanya kaya di ko alam kung ano ang reaksyon niya. Matagal bago siya nagsalita ulit.

"so gusto mo iwasan ka na namin?"

"bahala kayo.."

"ano ba problema?"

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko na lang. Ayokong sumagot dahil ayokong magsinungaling. Pinigilan kong huminga dahil alam ko malalaman niyang kinakabahan na naman ako.

"uy.."

then I feel his hand on my shoulder. I stiffened and his touched just make it worst. I inhale deeply and slowly move my shoulder away from him.

"I'm okay..masama lang talaga pakiramdam ko.."

Rinig ko rin ang lalim ng hininga niya. Awkward and I think nararamdaman niya rin yon.

"Sige.."

tangi niyang sabi at narinig ko nalang na bumukas ang pinto ng kusina.

Hindi na talaga to tama.

Pagkatapos naming magsara nagpaalam na ako kay Tatay para umuwi. Balak kong dumaan sa mga bata para magbigay ng mga tirang cookies na di naubos sa display. Matagal na ring di ko sila nadalaw. Ilang araw at feeling ko parang ang sama ko ng tao.

"May dala ako.."

Kadalasan nasa park sila at nagpapalimos o kagcacaroling sa mga tao kaya kadalasan dito ko rin sila pinupuntahan. Agad na tumakbo sila papalapit at nagyakap sa akin.

"Ate Joyce namiss ka namin.."

sabi ni Abby.

"Ate Joyce bat matagal ka bumalik?"

"Ate Joyce nagkasakit ka ba?"

"Bakit ang putla mo?"

At isa isa na silang nagsalita. Para sa akin isa na yon sa pinaka magandang bagay na mangyayari sa buhay ko. Dahil alam ko tunay na nag aalala sila sa akin. Isa isa ko silang binigyan at bago pa man ako umalis sinasayawan o kumakanta sila. That was happiness to me. Happiness that I don't want to waste.

Onced, naging kuntento ako sa ganitong buhay. Na maging masaya habang nakikita ang mga batang ito na masaya. Pero ngayon unti unti hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Unti Unti nababago na ng kung ano man tong nararamdaman ko ang nakasanayan kong maging ako.

Hindi ko alam . Pero alam ko dapat kong iwasan. 

Memories flashes back in my mind. Those past moments I thought I already forgotten.
I sighed deep and pray silently.

Don't make me commit the same mistake again.

LOVING A SEMINARIANWhere stories live. Discover now