" I'll call Kim first Love baka may mga important meetings ako along the way."-sagot niya.

" Waaaaaaahhhhhh!!"-palahaw pa din ni Kath.

Lumapit ako kay Batchi at binulungan siya. Ngumisi siya sakin at pumuntang kusina.

" Hon ano na namang kalokohan ang gagawin niyo!"-pamaywang ni Solenn.

" Nothing"-sagot kong nakangiti.

Pumasok si Kath sa loob ng bahay para gumamit ng banyo dahil nasira ang make up nito sa pag-iyak. Si Bianca naman ay pumasok din sa loob para kunin ang phone at matawagan ang assistant niya sa restaurant. Kami kasama ng mga buddies ay nasa garden pa at pinag-uusapan ang pag-alis namin.

Dali daling lumabas si Batchi at nagtago sa gilid ng pintuan bitbit ang isang baldeng may lamang malamig na tubig.

" Tol kasunod ko lang lalabas si Kath"-bulong ni Batchi.

" Sige maririnig naman natin kung may palabas na saka natin ibuhos ang tubig"-aniko.

Maya maya pa ay may narinig na kaming palabas ng pintuan at agad naming binuhos ang tubig sa akala naming si Kath.

"Waaaaaaagggggggg"-sigaw ni Batchi para pigilan ang tubig dahil narealize niyang hindi pala si Kath ang lumabas kundi si Bianca.

" Ssssppllllaasssshhhh"-tuluyan ng naibuhos kay Bianca ang malamig na tubig.

" Batchi Galura you fucking piece of shiiiit!!"-galit na galit na sigaw ni Bianca kinuha nito ang balde at pinagpupukpok sa ulo nito.

" Aw aw, aray B tama na! aw aray !"-daing ni Batchi.

Namutla naman ako ng lumapit sa akin ang nakahalukipkip na dragon este si Rhian.😅

Kumuha ng walis tingting at pinaghahampas sa akin.

" Aray ko Yoyon! masakit! Aray awat na!"-makaawa ko

" Sige hampasin mo pukpukin mo!"-cheer ng mga kabuddies namin sa dalawang naghuhuramentado.

" Serves you right"-kantiyaw ni Solenn.

Sa wakas tinigilan na din kami ng dalawa. Leshe ang sakit ng katawan ko sa paghampas ni Rhian. Para akong dalmatian dahil namumula ang hinampas sakin.

Si Batchi parang may sungay dahil sa malalaking bukol sa ulo niya.

Pinagtatawanan nila kami tuloy.

" Do it again and you're both dead!!"-banta sa amin ng mga kumander namin.

Tinikom na lang namin ang aming bibig at baka madagdagan pa ang pasa at bukol namin.

Siya namang pagbungad ni Kath at sinamaan namin siya ng tingin.

" Bakit ganyan kayo makatingin?"- irap niya sa amin.

Bigla siyang humagalpak ng tawa ng makitang mabuti ang itsura namin.

Pinagbabato namin siya ng hawak naming mani at pumasok sa bunganga niya na siyang kinasamid nito at kami naman ni Batchi ang humagalpak ng tawa.

" Hindi pa din kayo titigil!!"-batok ng mga kumander namin sa amin.

" Araaaay B! Sa bukol ko pa talaga ikaw bumatok eh ang ssakkkkiitt!"-mangiyak ngiyak na tampo ni Batchi at hinimas himas ang bukol niya.

" Sorry eh ikaw naman kasi ayaw pang tumigil!"-alo ni Bianca at linagyan ng ice pack ang bukol nito.

Humalakhak ako sa itsura ni Batchi. At naramdaman ko ang kamay sa tagiliran ko. Kinurot lang naman ako ng Yoyon ko ng pinong pino.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now