Fanfiction Results With Feedback

Start from the beginning
                                    

crisziness

Title: 5/5
Book cover:5/5
Blurb:9/15
Plot: 20/25
Grammar: 6/10
Written style: 10/15
Overall: 22/25
Total: 77

FEEDBACK:
Title and Bookcover. Ayos naman ang title at book cover kaya no comment

Blurb. Ang simple ng blurb mo at hindi s'ya nakakapangakit ng mga readers, maging ako ay disappointed agad sa blurb mo. Una kasing mababasa ng mga readers ang blurb dahil ito ang magiging unang pasilip ng story mo. I suggest na medyo habaan mo yung blurb mo para mas maintindihan ng mga mambabasa kung patungkol saan pa ang ginagawa mong story.

Grammar and Writing Style.
After ng isang punctuation mark, gawin mong capital letter ang susunod na letra ng susunod na salita.

X Oh, shit! nakita ako!
√ Oh, shit! Nakita ako!

Pwede mo ding i-adjust comma mo para hindi OA sa exclamation point.

X Oh, shit! nakita ako!
√ Oh shit, nakita ako!

Hindi ko din alam kung may salita bang nananakbo o wala.

X Nananakbo
√ Tumatakbo

Kung papaikliin mo naman ang isang salita o may tatanggalin kang isang letra, siguruhin mong papalitan mo ng apostrophe iyon.

Di ko na talaga kaya.
'Di ko na talaga kaya.

Make it more formal para hindi halatang tinatamad kang mag type. Ang pangit din kasing pakinggan kung sa pinaikling salita magsusumuli ang isang pangungusap.

√ Hindi ko na talaga kaya.

X Nasan na parte ng kagubatan
√ Nasaang parte ng kagubatan

Overall. Ayos naman yung story pero medyo boring s'yang basahin. Madami ding mali sa paggamit ng grammar at punctuation marks. Keep writing❤

***

aestherealistic

Title: 5/5
Book cover:5/5
Blurb: 15/15
Plot: 25/25
Grammar: 10/10
Written style: 8/15
Overall: 23/25
Total: 91/100

FEEDBACK:
Title and Bookcover. Bagay na bagay ang title at book cover sa genre.

Blurb. Ang ganda ng blurb mo at talagang unang basa palang ay maaakit ko na agad ang mga readers mo.

Grammar and Writing Style.
Napansin ko lang na ang OA mo gumamit ng PERIOD. I suggest na wag mong damihan dahil ang oa n'yang tingnan.

Overall. Ayos naman yung story at ang ganda n'ya maliban nalang siguro doon sa period na sobrang dami mong maglagay. Keep writing❤

***

infinity_dara

Title: 5/5
Book cover: 3/5
Blurb: 15/15
Plot: 22/25
Grammar: 7/10
Written style: 9/15
Overall: 22/25
Total: 83/100

FEEDBACK:
Title and Bookcover. Sa title ay wala akong masasabi. Sa book cover naman, ang plain niya at ang sakit sa mata ng kulay noong text. Pakibagay nalang po ng kukang para hindi masakit sa mata.

Blurb. Ang ganda ng blurb mo at talagang unang basa palang ay maaakit ko na agad ang mga readers mo.

Grammar and Writing Style.
Napansin ko agad na sobrang ikli n'ya pero chapter at hindi ka din marunong gumamit ng period. After ng isang sentence, dapat ay nilalagyan mo ng period. Kung nagpapaikli ka din ng salita, siguraduhin mong lalagyan mo iyon ng apostrophe. Minsan ay pangit ding pakinggan yung iba mo pang pinagnaiikling salita, I suggest na buuin mo nalang iyon para hindi ka nagmumukhang tinatamad mag type.

X Tong
√ 'tong/ Itong

Napansin ko ding ang oa mo din sa paglalagay ng tuldok, pakibawasan po.

Overall. Ayos naman yung story at ang ganda n'ya maliban nalang siguro doon sa period na sobrang dami mong maglagay at yung iba pang sinabi king mali mo. Keep writing❤

***

iamamiii
Title: 5/5
Book cover:5/5
Blurb: 15/15
Plot: 22/25
Grammar: 9/10
Written style: 12/15
Overall: 23/25
Total: 91/100

FEEDBACK:
Title and Book cover. Perfect para sa akin kaya no comment ako.

Blurb. Kahit maikli ang blurb mo ay malalaman na agad ang magiging flow ng story mo.

Grammar and Writing Style.
X Kuyas
√ Brothers

Pansin ko lang din na imbes na comma ang ilalagay ay ginagawa mong period.

Kung may aalisin ka namang letra o paiikliing salita, wag kakalimutang maglagay ng apostrophe.

Overall. Maganda naman yung story pero ang common ng plot mo. Keep writing.

MAJOR AWARDS

FIRST PLACE | ZheZheATIN and Exrineance

***

SECOND PLACE | aestherealistic and iamamiii

***

THIRD PLACE | Maribellaxxx

***

MINOR AWARDS

BEST IN BOOK COVER| Exrineance

BEST IN TITLE| Exrineance

BEST IN BLURB| aestherealistic

BEST IN FANFICTION| Exrineance

***

CONGRATULATIONS!!!

Hindi natapos ang pagjujudge sa genre na ito kaya ako na ang umako. Follows mula sa participants na lamang ang magiging prize para sa judge nito.

***

FACEBOOK ACCOUNT:
queen_assassinate

Writer's Book Award 2021 (Batch One)Where stories live. Discover now