Chapter 60: Stream for a Cause

Mulai dari awal
                                    

I have Kuya London's approval na kung kaya't maya-maya lamang ay ipo-post ko na sa page ko ang tungkol dito.

"And by the way," tumingin ulit sa amin si Kuya London. "If it's for a cause, mas maganda na isali ninyo ang mga kaibigan ninyong gamers diyan. The more people na magpa-participate ay mas malaking number of audience ang mari-reach. Mas malaki ang malilikom kapag ganoon. Tangina ninyong dalawa, umagang-umaga pinag-isip ninyo agad ako." Itinapon na ni Kuya ang dala niyang kalat at pumanhik na ulit sa itaas.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion at naisip na tama si Kuya London. It will be better of we will do this cause with our friends.

"Sa tingin mo, game sila?" tanong ko kay Dion.

"Tanungin lang natin sila kung G sila. At the end of the day, pagtulong naman sa Nueva Ecija ang importante," he explained at napangiti sa akin. "Tatawagan ko si Axel. Malaki ang fanbase noon kahit nag-quit na siya sa gaming."

Knowing Captain's personality, malaki ang chance na pumayag din siya.

"Tatawagan ko si Oppa." Tumango si Dion at hinanap sa contact list ko ang pangalan ni Larkin.

After a few seconds ay sinagot na ni Larkin ang tawag ko.

"Hello, Babe, miss mo naman agad ako," dinig ko pa ang tawa ni Larkin sa kabilang linya.

"Baliw. Ang feeler mo kahit kailan." sabi ko sa kaniya.

Natawa si Larkin. "Stay safe, Milan, lakas ng bagyo. Bakit ka napatawag?" He asked.

"May binabalak kasi kaming gawin ni Dion... Game ka ba?"

"Networking ba 'yan?"

"Alam mo, Oppa, ang gulo mo kausap!" Napakamot na ako sa ulo ko at natawa ulit si Larkin. "Ipapaliwanag ko na, ha, makinig ka maigi. We are planning to do a stream for a cause. Lahat ng stars na ibibigay ng mga viewers sa specific live ay mapupunta ang lahat ng iyon sa Nueva Ecija bilang tulong. I want to use our platform para makatulong."

"Mukhang masaya 'yan, ah,"

"Ayon, kung game ka, gagawa ako ng group chat para sa mga gamers na gustong mag-participate sa binabalak kong stream for a cause. Any content naman and any amount will do. Lahat ng pera ay itutulong ko sa Nueva Ecija. If ever makalikom tayo, itatabi ko lahat ng resibo for transparency. Game ka, Oppa?"

"Pag-isipan ko muna pero sige." He chuckled. Baliw din kausap 'tong si Larkin minsan

"Wala ng bawian, Larkin, ha! Ise-send ko sa email mo mamaya 'yong poster na gagawin ko. Post mo sa page mo para ma-promote 'yong gagawin natin." I informed him.

"Sure thing. Kitakits soon!" He said and ended the call.

Napatingin ako kay Dion at napahawak ako sa kaniyang braso at napatalong-talon sa tuwa. "Pumayag si Larkin."

"Oo na, huwag mo ng itaas ang kamay ko." natatawa niyang sabi at tinanggal ang pagkakapit ko sa kaniya. Hmph, sungit. "Pumayag din si Axel."

We contacted our friends from different teams para sumali sa Stream for a cause na ito. Ang napapayag namin ay sina Axel, Kendrix, Larkin, Garett, at iba pang kaibigan ni Dion sa ibang team.

***

PAGKAUWI nila Mom ay sinabi ko sa kanila ang balak namin ni Dion at masinsinang nakinig sila sa amin ni Dad.

"Sure kang kaya mo?" Dad asked. "Mahirap mag-handle ng malaking pera especially hindi talaga sa 'yo. Pero kung kaya ninyo naman ni Dion, suportado namin kayo. Ang laki noong pinsala na idinulot noong bagyo, kailangan na kailangan ng mga tao roon ng tulong."

Hunter OnlineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang