--------

Tawa pa rin ng tawa si Angge sa nangyare kanina.

" Ang epic mo talaga Amigah, ha ha ha"

" Baka kabagan ka na diyan Angge di na ako natutuwa sa'yo! Sino ba kasi gumawa ng dialogue ko? ang hahaba tapos may english pa!"-asar na turan ni Kath.

" Ako! Bakit may reklamo ka? tsaka way mo na yan para makabawe ka sakanila sa pagiging taklesa mo!"-irap sakanya ni Solenn.

" Ako magrereklamo? hindi ah! dapat nga pure english na lang eh para maging sosyal naman ang dating ko!"-kamot na lang si Kath dahil sa takot kay Solenn.

--------------

Flashback..

" Tingnan niyo ang magjowa si Glaiza parang timang hindi magpaparamdam kay Rhian pero tanong ng tanong satin ng kung anu ano aba baka pati kung kelan tatae si Rhian tanungin niya pa. Kaloka!"-Angge.

" Tingnan mo si Rhian nagpaparamdam siya kay Glaiza pero hindi naman siya nagtatanong sa atin kung bakit hindi nagpaparamdam sakanya o kung nagpaparamdam ba sa atin si Panda. Parang mga baliw!"-Kath.

" Guys I have a plan, we want them to be happy right? so far si Rhian ang nakikita kong mas may problema sa relasyon nila so ganito ang gagawin natin"-kumuha ng papel at ballpen si Solenn.

" I get it. You want us to point out her short comings in their relationship right? Tama yan kasi kawawa na ang Baby panda ko"-Sanya.

" Maganda ang naisip mo so kelangan nating galingan ang acting natin para maabsorb ni Rhian ang mga sasabihin natin"-Abby.

" We need to memorize our lines and put emotions in it probably we should be angry and serious. Are we clear Kath?"-baling ni Solenn kay Kath.

" Kelangan talaga special mention ang pangalan ko.! Hai naku. Grabe na talaga kayo sa akin ha!"-tampo nito.

Isa isa ng binigyan ni Solenn ng dialogue ang mga kabuddies niya at nakalagay na din ang pagkakasunod sunod ng magsasalita.

" Bakit ang haba ng sakin tapos may english pa! oh tapos tatlo ang dialogue ko samantalang kayo tig dalawa lang."-reklamo ni Kath

"Andame mo reklamo amigah! imemorize pa natin yan with feelings and emotions dapat pag sasabihin na kay Rhian para feel na feel"-emote ni Angge.

" Sabihin ko kay Glaiza wag ka ng bigyan ng pasalubong"-Abby.

" Eto na nga magmememorize na!"

At kanya kanya na silang basa ng script.😂😂😂😂

---------

RHIAN

Nang makaalis ang mga buddies ay unti unti kong naiintindihan ang nangyayare sa relasyun namin ni Glaiza. They're right sa aming dalawa ni Glaiza ako ang may problema.

I compose myself at inalala ang mga araw ng maging kami. I smiled cause even if she is pissed, she still control herself and ask why I'm acting this or that way. She will try to listen and understand kabaliktaran ng ginagawa ko sakanya.

Kagaya na lamang ngayun ilang araw ng hindi siya nagpaparamdam at mula pa ito nung umalis siya. Kung anu anu ang pumapasok sa utak ko, until the buddies talk to me. I need to trust Glaiza kung ayaw kong ako mismo ang maging dahilan para mawala siya sakin, but I need time to do it hindi naman agad agad mababago ko ito. Naisip kong humingi ng tulong at dalawang tao ang kakailanganin ko. Solenn and Sanya. Kaya naman pinuntahan ko sila.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now