Chapter Twenty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Pabiro akong umirap sa kaniya. “Sabihin mo sa amin kapag may nararamdaman kang masama, okay? Hindi kami manghuhula, AC. Don’t let us worry like that again.”

“Oo na. Okay lang naman kasi talaga ako ‘no. Napagod lang pero ikakain ko lang ‘to mamaya tapos bili ng libro ay magiging okay na ako.” She chuckled lightly and hanged her arms in my shoulders same with her other arm that hanged in Lezzana’s shoulder.

“Ililibre kita mamaya ng fried chicken at coke. Okay na ba ‘yon?” sa tanong ko ay agad siyang napalingon sa akin bago tumili nang tumili. Natawa na lang ako ng mahina dahil sumayaw pa siya at dahil nakakapit siya sa amin ni Lezzana ay nasama kami sa kalokohan nito.

“Stop! Stop!” natatawang saway ni Lez.

“Sanaol manlilibre!” huling hiyaw ni AC bago tuluyan nang tumigil. Some of Camero’s students are staring at us in awe and amazement. Hindi ko alam pero maraming humahanga sa amin, well katanggap-tanggap kung sila lang pero kasi ay nasali ako. Ano bang puwede nilang hangaan sa akin? If only they knew my real situation.

“Ang ingay-ingay mo, pangit.” Natigil si AC sa kakangiti. Nagpakawala naman ako nang buntong-hininga dahil siguradong mage-gyera na naman ang dalawa but all of us were dumbfounded when AC didn’t even glanced at Xian’s way.

Doon ay alam kong may mali. Humiwalay sa amin ang babae at nauna nang maglakad na sinundan agad ni Lezzana. Naramdaman kong may tumabi sa akin at agad kong tiningala kung sino ito. Ang una kong napansin ay ang pula nitong buhok na hinahangin. Sa nagdaang buwan ay mas lalong naging malakas ang appeal ni Canix sa lahat. Kung noon ay para siyang hangin, ngayon naman ay napapansin na siya ng lahat. Pinag-aagawan na nga siya sa classroom kapag may groupings pero dahil kami ang kaibigan niya ay sa amin lang siya lagi nakadikit.

“Something’s off. May nangyari ba sa kaniya?” tanong nito na agad kong ikinakurap-kurap.  Doon ko lang napansin na nakatulala ako sa mukha nito. Ang mga nanunuri niyang mata ay nakasunod sa kung saan nandoon ang dalawa naming babaeng kaibigan.

“Hindi ko rin alam, but could it be...?” She like him? Iyon ang gusto kong idugtong. Changes can easily be noticed especially at times like this. Hindi lamang iba’t ibang pagbabago ang napansin ko dahil kahit ang pagtingin ni AC ay nakukuha na rin ang atensyon ko. Minsan ay napapansin ko itong nakatitig lang kay Xian and her eyes would sharpened every time Xian is talking with Lendelle, iyon ang babaeng gusto nito.

Sa kakabasa ko ng iba’t ibang libro ay madali na para sa akin ang mga ganoong klase nang pagtingin. Her eyes would twinkled like stars in a dark night, her smiles would grew wider every time she’s talking with him and I noticed too how she would talk about Xian all the time. Kahit puro paninira iyon ay alam kong may iba na siyang nararamdaman para rito. Dahil ganoon din ang ginagawa ko. Ganoon din ako kapag pumapasok ang lalaking iyon sa isip ko.

“Xian’s a jerk,” malamig na bigkas nito. Ang pagiging maamo ng mukha niya ay nabahiran na naman ng kadiliman. Hindi na bago sa akin ang pagiging ganoon niya dahil madalas ko na rin naman iyong makita lalo na kapag may tumatawag sa kaniya na kung sino man.

“Pero wala namang ginawa si Xian ‘di ba?” tanong ko pero umiling lang siya at ginulo ang buhok ko. He smiled when he glanced at me. Bumalik ang maamo at mabait niyang ekspresyon na ikinahinga ko nang maluwag.

“Don’t mind them. Mind yourself, especially your heart. Ano nga pa lang resulta noong nagpatingin ka?” Pag-iiba nito sa usapan. Inakbayan ako nito para magpatuloy kami sa paglalakad papunta sa office ng English teacher namin. Hindi ko na rin naman ipinilit pa ang tungkol sa bagay na pinag-usapan namin at sinagot siya sa tanong niya.

Dahil sa mga bagay na nangyayari rito sa school ay medyo madalas akong kapusin ng hangin pero hindi ko naman iyon sinasabi sakanila at kahit sa sarili kong doctor ay hindi ko iyon sinasabi. It was just normal because of school. Patuloy pa rin naman ang pag-inom ko ng mga gamot ko na umaayon naman sa akin.

“And my doctor said that there’s a chance that I’ll be cured. Kailangan ko lang ng donor na hindi ko pa rin naman nahahanap. Ang sabi niya sa akin ay wala naman daw problema sa katawan ko kaya makakapaghintay pa ako. I know that someone will came. Kapag nagamot na ako nang tuluyan ay kakain tayo ng maraming pizza, ah? Tapos libre mo.” I chuckled. Pinisil naman nito ang ilong ko at dahil nakaakbay siya sa akin ay wala akong naging kawala.

“Sige, magpagaling ka. Nandito lang kami para sa iyo. Hindi ka namin iiwan, Shia.” I don’t know why but I wanted to cry when I heard him say that. They are one of the best thing that happened to me.

“Uhum!” Tumango-tango ako. Napuno ng kaginhawaan ang puso ko dahil alam kong nandito lang sila para sa akin kahit ano mang mangyari. Nakakatuwa lang at nakakataba ng puso.

“Shia...” Napalingon ako sa nagsalita at agad kong napansin ang seryosong mukha ng kaibigan kong lalaki. Xian’s brow were furrowed. At sa kabila ng seryoso niyang ekspresyon ay napansin ko ang humahalong pagkalito roon.

“Bakit? May problema ba, Xi?” tanong ko. Agarang nabahiran ng pag-aalala ang mukha ko. Hindi ko man lang namalayan na nakasunod lang sila sa amin. Akala ko kasi ay nagpaiwan muna sila.

“Si... si AC, may... okay lang ba siya?” Agad kong nakuha ang tanong nito. Hindi pa pala ito nakaahon sa ginawa ni AC kanina. Aizelle Chloe can really give great impact to someone. Ako rin naman ay nababahala sa nangyari kanina. Nagtataka ako ng sobra dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya nito pinatulan.

“Hindi kita masasagot sa tanong mong ‘yan, Xi. I don’t know what’s happening too, but you can talk to her. Malakas ka naman sa isang iyon, baka wala lang siya sa mood.” Pagpapagaan ko na lamang sa loob niya kahit hindi ko alam kung gumana ba. Napabuntong hininga ito at sumabay na lang sa amin papunta sa office ng teacher namin. Kasama na rin namin si Nicho na naiwan pala at humabol lang dahil may kausap na naman na babae.

Time passes. It doesn’t wait for no one. Nakakatakot ang ganoon ‘di ba? Baka kasi sa isang iglap ay magsisi ka dahil hindi mo nagawa ang isang bagay na dapat ay matagal mo na rin namang ginawa. Nakakatakot na hindi mo alam ang susunod na mangyayari dahil kailan man ay hindi ka hihintayin ng oras. Hindi nag-a-adjust ang oras para sa atin, tayong mga tao ang kailangang mag-adjust. Tayo ang kailangang tumakbo at maghabol.

At sa totoo lang ay natatakot rin ako.

Nakarating kami sa office ni Miss Santillan at agad kong napansin ang dalawa kong kaibigan na babae roon. AC was staring in the ceiling, tulala at ang liwanag na palaging nasa paligid niya ay naglaho. I can’t feel her radiating happiness, it was blue and gloomy.

Si Lez ay nakatulala rin at parang hindi pa napansin ang pagdating namin. Both of them didn’t. Para kaming hangin. Narinig ko ang pag buntong-hininga ni Xian, kahit hindi ako nakatingin dito ay alam kong gulong-gulo na naman ang ekspresyon ng mukha niya.

Sa pagdaan ng oras ay hindi puwede na walang pagbabagong mangyayari. Lahat ng bagay nagbabago. Lahat ay dumadaan doon. There are so many changes in the world. Pagbabago sa ugali. Pagbabago ng presyo, ng edad at kahit pagkatao. Pagbabago ng mundo o ng mismong taong kaharap o kausap mo. Those changes, it will woke you up. Doon mo mapagtatanto na hindi lahat ng bagay ay permanente. Na hindi lahat ng hawak mo ay hawak mo pa rin hanggang sa dulo dahil maaaring mabitawan mo ito o makuha at mahablot ng iba sa iyo. Na kahit anong higpit nang hawak mo sa bagay na iyon ay wala kang magagawa. Ang oras kung saan kailan na sa iyo pa iyon ay hindi na kailan man maibabalik pa.

At iyon ang ikinatatakot ko. I can see and feel their sudden changes and it was scary.

Hanggang saan kami dadalhin nang pagbabagong ito? Ano ang magiging papel nito sa buhay namin?



_

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon