unang problema

1.4K 13 1
                                    

THEA'S POV

.

.

Andito ako sa kwarto ni papa, inatake na naman kasi ng sakit niya. Pinatawag na namin ang doktor niya dahil di na makaya ng gamot ang hirap niya sa paghinga. Ayaw naman niya magpadala sa ospital.

.

.

Kasalukuyang sinusuri siya ng doktor. Maya-maya pa ay tumayo na ang doktor at humarap kay mama.

.

.

"tatapatin ko na kayo ma'am, di na po kaya ng gamot lang at check up ang sakit ng asawa niyo, kailangan na po talaga na dalhin siya sa ospital"-malungkot na sabi ng doktor. Naiyak naman si mama at si ate sa nalaman.

.

.

Walang malay si papa ng oras na yun, tiyak di papayag yun kung gising siya.

.

.

Dinala siya sa ospital habang walang malay, sinuri na rin kung ano ba talaga ang sakit niya.

.

.

Nanlumo kaming lahat ng sabihin ng doktor ang totoo.

.

.

"malala na po ang sakit niya sa puso, malabo na itong magamot, kung dati pa siya nadala dito e maaring maagapan pa ito"-wika ng doktor, tinanggal nito ang kanyang salamin at nagpunas ng pawis.

.

.

"heart transplant nalang ang solusyon ngunit hindi rin sigurado na makakaligtas siya. At kailangan na magawa na rin agad ito dahil habang tumatagal, mas lumalala ang sakit niya"-pagpapatuloy nito. Napaupo sa gulat si mama. Umiyak naman ang mga kapatid ko ngunit ako ay nananatiling blangko ang ekspresyon.

.

.

Di ko tanggap. Ayokong mamatay si papa. Ayoko!

Be Careful What You Wish ForWhere stories live. Discover now