" Yeah babain mo na"

Inayus ko muna ang sarili ko bago bumaba.

" Rhi wazzup dude!"-bati ni Sam co-racer ko at kasama niya si Kiko at Rafael.

" Talagang ganitong oras ka bibisita Sam. Tinawagan mo na lang sana ako!"-inis kong sabi.

"Woah, init ulo mo. We came here to invite you to a party sa Bar niyo we reserved some vip rooms kasama ng mga team mo at para hindi ka na din makatanggi kaya sinusundo ka namin. Celebration na din natin sa pagkapanalo sa tournament."-Rafael.

" Okay pero isasama ko bodyguard ko ha"-sabi ko at hinagilap sa paligid si Glaiza pero hindi ko siya makita.

" Ah Amigah, uso magtanong. Para kang giraffe diyan sa kakatanghod oh"-kulbit ni Angge.

" Kung si panda ang hinahanap mo wala siya dito kaninang alas sais pa sila umalis ni Batchi. Pinasabi lang na may importante silang imimeet"-deretsong imporma ni Kath.

" Wag kang mag-isip ng kung anu ano Rhian. Trust her."-Sheena

" Baka importante nga linakad nila kaya relax ka lang. Kakausapin ka daw niya pagdating."-Bianca.

Pero wala akong pinakinggan sakanila.

"May importanteng linakad pwede naman niya akong itext o tawagan para magpaalam! Ni hindi niya ako sinuyo pinabayaan lang niya ako na magkulong sa kwarto!-galit sigaw ng isip ko.

"Sam just wait me here. Sasama ako sa inyo. Hindi na ako magdadala ng car kayo na lang din maghatid sakin."-biglang desisyun ko.

" Hindi mo ba aantayin si G? baka padating na yun."-Bianca.

" Umalis siya ng walang paalam ni text or call wala. Bakit ako magsasabi sakanya?"-pabalang kong sagot.

" Wag mong pairalin pagiging brat mo Rhian Jade! mas lalo kayong mag-aaway niyan eh!"-galit na sermon ni Sheena.

" Just tell her, I went to the bar if magtanong siya kung hindi naman wag niyo ng sabihin. Dude, let's go"-sabay alis sa harapan nila.

----------------

GLAIZA

10:30 pm na kami nakauwe ni Batchi sa mansion dahil sa mga napag-usapan namin nina Jak. Mahaba habang detalye ang linatag niya sa amin kaya hindi na namin namalayan ang oras. Saka ko lang naalala na kakausapin ko pa pala si Yoyon at patay na naman ako dahil nakalimutan ko siyang imessage man lang. Dire diretso lang ako papuntang kwarto ni Rhian ng makasalubong ko si Sheena.

" Wala siya diyan G sinundo siya ng mga kasama niya sa racing nagbar."

" What?bakit di man lang ako inintay?! kasama ba si Jason?"-biglang umahon ang inis ko.

" Hindi si Jason ang kasama niya. Si Kiko at Rafael sila ang sumundo at sila na din daw maghahatid hindi nagdala ng car si Rhi"

" Pupuntahan ko siya dun!"

" G kumalma ka lang. Ayusin niyo yan."-Batchi.

" I can't promise you na kakalma ako!"-mabilis na akong umalis ng bahay at pinaharurut ang sasakyan.

-----------

Nakarating na si G sa bar at hinanap niya si Rhian.

Si Rhian na tipsy na ay katabi sina Kiko at Rafael.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now