Nanlamig ako sa kinauupuan ko nang mahagip ng mata ko si Dominique na papalapit sa inuupuan ko dito sa canteen. Hindi ako mapakali kung sakaling dito siya didiretso para umupo. O hindi, pero madadaanan niya ako.
Napayuko ako sa narinig na bulung-bulungan ng katabing table ko. Nilingon ko sila, nangingwestyon sa ingay nila. Natahimik sila ng hindi ko sila tinantantanan ng titig. Napaiwas naman sila ng tingin sa'kin. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nagpapalakas ng tibok ng puso ko.
Mali ako ng inakalang didiretso siya sa'kin at tama akong madadaanan niya ako. Dumiretso siya sa likod ng table ko. Nilingon ko siya. Wala sa'kin ang paningin niya. Of course, why would he give me even one look? Sino ba ako? A no one. Just no one. Non-existent sa mata niya.
He can't even look at me in the eye. Napabuntong-hininga ako sa naisip at tinuloy ang pag kain. Inayos ko ang salamin ko nang may nagsalita sa likod ko.
"U-uh.." awtomatiko akong napalingon sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Caisleigh ito. Isa sa pinakasikat na babae sa tertiary campus at sa pagkakaalam ko girlfriend ito ni Don.
"May nakaupo ba dito?" Tumayo ako para umalis sana. Pero wrong move ata ang pagtayo ko dahil paglingon ko ulit sa likod ay nalipat ang tingin niya sa kinatatayuan ko. Hindi man lang umangat iyon sa mukha ko.
Tatayo na sana ako nang magsalita ulit siya. "You know what, I like you.."
Hindi ko na siya tinapos pakinggan at nagmadaling lumabas na ng canteen. Walang hiyang nag-uunahan ang luha ko sa mata nang makapasok sa comfort room.
Ipagpapasalamat ko sana dahil walang tao sa loob pero nagkamali ako. Umurong ang luha ko at pasimpleng pumasok nalang sa loob ng cubicle.
Ilang minuto akong nagstay sa loob ng cubicle, nang pakiramdam ko ay wala ng tao sa loob ay lumabas ako. Pinunasan ko ang luhang natuyo sa mukha ko. This love is making me sick! Padarag kong dinampot ang pouch ko at dali-daling lumabas ng cr.
"Shit!" Napaatras ako at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat! Nagulat ako nang paglabas ko ay nasa labas si Dominique. Sa labas ng Girl's Cr!
"What happen to you?" Seriously? Kung hindi ka nakatayo d'yan ay sana okay lang ako!
Kahit kabado ay matapang ko lang siyang inilingan. Tumuwid siya sa kanyang pagkakatayo. He's tall compared to me. He's a six footer while I'm 5'6, nagmistula tulot akong maliit kapag nasa gilid ko. His massive chest and broad shoulders covered my view of the hallway. His adam apple protruded sa tindig niya. Suminghap ako at nanginig ang tuhod ko sa lamig ng ekspresyon niya. His eyes were cold as ice, at hinding-hindi ko 'yan matagalan tingnan. He's not looking into my eyes though, lagpas iyon sa ulo ko.
Napahinga ako nang maluwag nang nauna itong tumalikod sa'kin. Nasa kaliwang balikat niya ang bag at nasa loob ng bulsa ng pantalon ang kanang kamay. Isang tanong lang yun pero naghuhuramentado ng husto ang puso ko.
YOU ARE READING
So close yet so far
RomancePilit tinatago ni Eli ang tunay na nararamdaman para sa lalaking alam niyang sobrang layo sa kanya. Masyado daw mataas na pangarap si Dominique para sa isang Eloise Amara. He's beyond her reach, he can't even give her even a look in her eyes. Domini...
